Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Jeans na earth yellow, black hanging blouse at sneakers ang napili niyang suutin.

She tied her hair in a messy bun and let some strands fell freely. Naglagay siya ng concealer para di mahahalatang kulang siya sa tulog ng mga nagdaang gabi. Nag-apply din siya ng kunting make-up. Nang makontento sa kanyang hitsura ay nagpasya na siyang bumaba ng sala.

Hindi pa rin niya ma-imagine na magiging coach siya ng Phantoms. Kahit pa sabihing uupo lang siya sa bench. Sigurado kasing maglilikha ito ng impression sa mga estudyante. Wala naman siyang kaalam-alam sa pagko-coach. Baka magmukha lang siyang tanga doon.

Pero tulad ng madalas mangyari, di niya magawang tanggihan si Joul. Mas tamang sabihing pumapayag siya hindi para sa kapakanan ng koponan nito kundi para sa kasiyahan ng binata. Oh, this boy. What did he do to her?

Nagtaas siya ng kilay nang makitang hinagod siya ni Joul ng malagkit na tingin. Saka ito nagtagis ng bagang. Naghintay ito sa kanya sa may gate ng university.

"What?" Namaywang siya. Di ba nito nagustuhan ang outfit niya? Like she cares. " Let's go." Nagmartsa na siya patungong auditorium.

"Sana pala ikaw na lang ang kinuha naming muse. " Nahimigan niya ng panunukso ang tono nito habang nakabuntot sa kanya.

Pumihit siya at pinuntirya ang tainga nito para pingutin pero nabasa nito ang gagawin niya. Natatawang sinalo nito ang kamay niya at pinisil bago siya binitawan.

"Vanessa won." Balita nito na nagpatigil saglit sa kanya.

Ngumiti siya. Nakadama ng pagmamalaki para sa pamangkin. Pero ang kasiyahan niya para rito sa tuwina ay may kabuntot na guilt dahil sa nararamdaman niya para kay Joul.

"Dapat lang naman siyang manalo. Ang ganda kaya niya tapos ang galing pa sumagot sa tanong." Dinig nila ang usapan ng mga estudyanteng galing ng ibang school na lumalabas ng auditorium.

"Doon tayo sa likod dumaan." Iginiya siya ng lalaki patungo sa likurang parte ng gusali at humantong sila sa isang pribadong pinto na tingin niya ay daanan ng mga players at iba pang authorized personnel.

Narinig nila ang boses ng master of ceremony na umaalingawngaw sa buong auditorium. Pinaghahanda nito ang teams para sa parade of players. Halos takbuhin na nilang dalawa ni Joul ang tagong hallway papunta sa locker ng Phantoms.

Kompleto na ang buong koponan nang dumating sila. Nandoon din si Vanessa na magandang-maganda sa suot na white maong shorts at sleeveless jersey. Natuwa ang mga players nang makita silang pumasok sa pinto pero pagtataka ang nabasa niya sa anyo at mga mata ni Vanessa.

Gayunpaman ay nilapitan niya pa rin ang pamangkin at niyakap. " Congratulations, Van." Bati niya rito at hinagkan ito sa pisngi.

Tumango ito at pilit na ngumiti. "Bakit ka nandito, Ate?" Tanong nito at nalipat ang tingin kay Joul.

" She is our new coach." Ang binata ang sumagot na sinang-ayunan naman ng tango ng mga ka-team nito.

" Ano?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Vanessa. Samantalang nagkibit na lamang siya ng balikat.

Inabutan siya ni Neil ng programme. Agad niyang sinilip iyon. Ayon sa order of entry, mauuna ang host school, sila iyon.

"Mauna na kayo. Susunod na lang ako. Magbibihis pa ako.Team, double time! Labas na, labas!" " Sigaw ni Joul. Kinuha nito ang banner ng school at ibinigay kay Vanessa. Namula agad ang pisngi ng dalaga habang nakatunganga sa binata.

"Vanessa, tayo na." Hinatak niya ang pamangkin at bumuntot sila sa mga players na isa-isang lumabas ng pinto.

"Ate, dito muna ako. Hihintayin ko si Joul." Nagpaiwan si Vanessa sa labas ng pintuan.

RAGRANOK SERIES : BEAUTIFUL SCANDAL ✅Where stories live. Discover now