[Ch.12] Promenade

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakuuu, binubusog na nun ang mga mata niya sa iba't ibang ganyan," sabay tingin sa legs ko at itinaas taas yung kilay niya. "Sira," akmang babatukan ko siya ng bigla niyang itinaas yung kamay niya.

"Hep! Next time na yan, masisira ang hair-do ko!"

I smirked.

Muli kong nilibot ang mga mata ko upang hanapin si Ian. Tss. Sabi niya he'll make this night special for me tapos ngayon hindi ko man lang mahagilap. Tsk.

Natapos na ang rigodon ay hindi ko pa rin nakikita si Ian. How could he leave me?!

"Girl! Ano ka ba, smile! Paano ka mapipiling apple of the eye niyang kung busarga yang mukha mo?"

"Ehk. Wala akong pake run."

Napansin ko ang isang maliit na papel na nakasiksik sa pouch ng bag ko, kukunin ko sana ang phone ko para icheck ang oras.

Brown door on your left.

Agad kong hinanap ang pintuang iyon, "teka lang, bes."

Dahan dahan kong binuksan ang pintong iyon.

Unti-unti nareveal ang nilalaman ng kwartong iyon. May tatlong lalaking naka-tuxedo ang nagpaplay ng violin. Naaliw akong tignan ang bawat galaw ng mga kamay nila. Ang kwartong iyon ay pinaliligiran ng pink at white na mga palamuti. At sa gitnang bahagi ng silid na iyon... nakita ko siya.

Si Ian.

He smiled to me at pinaupo ako sa silya sa harap ng mesa. Maayos ang pagkaka-ayos ng bawat kubyertos na naroon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko... pero  isa lang ang sigurado ko sa lahat ng nararamdaman ko... masaya ako.

"Akala ko iniwan mo ako," napayuko ako.

"Hindi ko gagawin yun. Oo, I'll leave physically para pumunta sa LA. But I'll surely come back, nasa'yo yung puso ko eh." Nakita kong namula yung pisngi niya.

"Cute," I giggled.

"Gorgeous," he smiled.

Dumating ang mga pagkain at inihain ito sa amin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing napapatingin ako sa mga mata niya. 

"Paano yung prom?" bigla kong naalala.

"Nagpa-alam ako sa adviser mo, hiniram muna kita. Akin ka muna ngayon, ok?" he smirked.

"Psh." I find it sexy everytime he smirks.

Matapos naming ma-ubos ang dessert, nagsi-alis yung tatlong mamang nagviviolin. Ian nodded to them.

Ian stood, "Aya, I love you. Je t'aime. Seni seviyorum. Te quiero. Mahal kita. paano man sabihin ng iba ang mga salitang yan, isa lang ang alam kong synonym niyan para sa akin. Ang mga salitang iyan... Ayanna Celine Salvatorre lang ang tanging ibig sabihin para sa puso ko. Yeah, I may sound corny or gay, but I love you more than words can convey. I love you, I just do," he said those words directly into my eyes, kitang kita ko ang sinseridad sa bawat salitang namutawi sa mga labi niya.

"Please, let me love you, Aya," lumapit siya sa akin.

"You need not to ask my permission," I gave my sweetest smile.

"May I?" he held my hand at inilantad niya ang isang bracelet.

Sinuot niya ito sa akin. It was simple yet it looked really good. May mga palawit ito na may mga brilyantitos sa bawat dulo nito.

He's My Cousin!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon