Go Trixie, tie my shoelaces. Pero kahit di mo gawin yun, I promise, I won’t fall for anybody else.

Pagkatapos kong tignan yung messages, nagpunta naman ako sa Gallery.

Napaka vain talaga nitong babaeng to. Super siya magpacute sa mga picture niya dito.

HIndi ko siya pinagnanasaan ha. Pag magkasama kasi kami tapos nabobored na sya, hihiramin niya yung cellphone ko tapos pipicturan yung sarili niya. Ang ganda ng hobby niya no.

Sa tagal naming magkakilala, ngayon ko lang nalaman na marunong palang magdrive si Trixie. Ang dami niyang alam sa na gawin, di pa ba sumasabog yung utak niya sa dami ng laman?

Simple lang naman si Trixie. Sa unang tingin napaka typical niya. Yung parang pag sinama mo sya sa crowd ng mga babae, di sya yung agad na mapapansin mo. Pero pag nakilala mo sya, dun mo pa lang malalaman na iba sya sa lahat.

She’s undeniably intelligent. Madalas syang representative ng mga quiz bee at contest.  Simula nung elementary sya hanggang nung highschool. Siguro kung di lang sya engot sa Math, baka may chance sya na maging 1st honor.

Achiever. that’s the best word to describe her as a student.

Magaling din syang magdrums. Yun tipong kahit ang intense na nung tunog, parang swabeng swabe lang sya. Magaling din syang kumanta. Ayaw niya lang aminin sa sarili niya nun.

Magaling din sya sa badminton at swimming.

Basta, spell perfect. Sya na ata yun. Mabait sya, malambing pero gaya ng lahat, punong puno din sya ng imperfections. ang problema lang, you need to work hard for her smile. Hindi kasi sya pala ngiti kaya maraming nag-iisip na mataray sya.

But before you judge her, you need to see her with her friends.

Love knows no reasons kaya hindi ko alam kung alin sa mga yan yung nagustuhan ko sa kanya. Pero alam ko, gusto ko yung buong sya including her imperfections.

Back to Trixie’s POV

 Pagkatapos ng mga nangyari nung swimming, back to being boring nanaman yung buhay ko. Puro nuod lang yung ginagawa ko dito sa bahay. Minsan computer. Paulit ulit na lang nakakasawa. Pero pag gabi nagcoconference call lang kami ng mga kaibigan ko.

“Hay naku, super bored na talaga ako dito. Yun pakiramdam na ubos na yung mga nadownload ko na movies, penge namang suggestion” sabi ni Leslie sa kabilang linya.

“e buti ka nga may mga movies, e ako? Wala! Sawang sawa na nga ako sa ambiance dito sa bahay.” inis na sabi ni Jannah.

“ang adik nyo, pag may pasok tayo, puro kayo reklamo. Tapos kapag wala naman, puro pa rin kayo reklamo.” natatawang sabi ni Jannine.

Oo nga naman, may point si Jannine.

“E bakit nananahimik yung isa dyan?” sabi ni Rachel.

“Oo nga” sabi nung tatlo in unison.

“Ako ba yun? Nakikinig lang ako. Nakakatawa kasi kayo. Hahaha. ” sagot ko sa kanila. Yun naman kasi yung totoo. Nakakatawa kaya silang pakinggan.

“oi, may utang ka pa saming kwento ha? “

“Anung kwento?”

“Yung nangyari sa Batangas Yiie. Diba kasama mo si Papa Lance”

Papa Lance? Saan galing yun?

“mga lukaret kayo. Alangan namang di kasama si Lance, e sya nga kung kapatid nung bride. Tska isa pa, wala akong ikukwento kasi hindi naman ako yung kinasal” sabi ko sa kanila.

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon