She's On Duty [Chapter 19]

235 3 0
                                    

Chapter 19 I'm confused!!!

After nong confession saken ni Syrene, parang naging balisa ako. Hindi ko akalain ganito kalaki ang epekto nung pagtatapat niya saken. Teka, bakit naman ako naapektuhan, hindi naman kami ni Third. Tsaka, hello Canary, ang bata-bata pa non ni Third no. Ilang taon ka na ba? 21? Oo, you're 21 years old, hindi man halata sa itsura mo, pero yun ang totoo. Hindi ka na dapat nagkakagusto sa lalaking yon on the first place.

Andito ako ngayon sa condo ko. Nakahiga ako sa bed ko at nagiisip. Wala ako sa mood para magtrabaho ngayon. Hindi ko alam kung baket. Or alam ko talaga, hindi ko lang inaamin sa sarili ko.

Hayyyy...bakit ba ako nagkakaganito? Dapat ko ng kalimutan ang nararamdaman ko kay Third, nangako na kasi ako kay Syrene kanina

Flashback

"Canary, tutal wala ka namang gusto sa kanya. Pwede mo ba akong ilakad sa kanya? Mas close naman kayo eh" hay eto na nga ang pinakakaayaw kong mangyari eh.

Andito kami ngayon sa isang stall na madadaanan pauwi sa condo ko at sa bahay ni Syrene. Niyaya muna niya ako dito dahil may gusto daw siyang hilingin saken. Libre niya to ah hehe

"Uhm, hindi ko alam eh... pero hindi kasi ako magaling sa mga ganyan" sagot ko naman, ang totoo ayaw ko lang talagang itulay silang dalawa.

"Sige na Canary. Mabilis lang naman eh, lagi mo lang akong ikukwento sa kanya. Ibi-build up kung baga. Kaya mo yun" pamimilit niya...

"Hindi ko alam eh" tumatanggi pa din ako.

"Sige na Canary, please. Please please please," sinasabi niya yun with matching puppy-dog-eyes...

"Sige na nga, susubukan ko" pumayag na din ako, ang kulit kasi niya

"Yehey, promise mo yan ha" tuwang tuwa naman siya

"Oo, promise" hay, wala na akong magagawa, nakapag-promise na ako.

End of Flashback

Hay, kaya eto ako ngayon, sawi. Iniisip ko pa lang kung pano ko sila itutulay parang hinahati na ang puso (ang korny ko hahaha). Bahala na si batman

Sa pag-iisip ko nakatulog na ako.

Kinabukasan, andito ako ngayon sa convoy. Nagmi-meeting kami ngayon tungkol sa pagpasok ni Agent Seven sa eksena. Kasama ko sina Captain (Uncle ko), Agent Ten, Agent Pigeon, General, at si Agent Seven. Yup, andito sina General at Agent Pigeon para linawin ang pagsali ni Seven sa misyon.

"We need both of you to cooperate with this mission, Agent Canary and Agent Seven" sabi ni General, particularly saken.

"Yes, General. Makakaasa po kayo" sus, sumisipsip naman tong mokong na to.

"Opo, General. Kami po ang bahala" magpapatalo ba ako sa pagsipsip? Nevah hahaha

"May mga bagong lead ang team ni Agent Seven sa paghahanap kay Mr. Chua. Unfortunately, nauunahan tayo ng mga tauhan ni Tang. Tatlo na sa mga prospect witness ang natagpuang bangkay. Kailangang matagpuan na natin si Chua bago pa tayo maunahan ni Tang." ganon na pala kalala ang misyon. Dapat na kaming magmadali kung ganon, pwedeng nasa panganib din ang buhay ni Syrene.

"May isa pa po kaming sinusubaybayan na pwedeng maging lead sa kinaroroonan ni Chua. Kasalukuyan na po siyang iniimbistigahan ng mga ka-team ko" pagmamayabang ni Agent Seven.

"Since kumikilos na ang mga tauhan ni Henry Tang. Maaring nasa panganib na rin ang buhay ni Ms. Syrene Chua. I think we need to abandon the mission and brought Ms. Chua under intense protection. Hindi naten pwedeng ipagsawalang bahala ang kaligtasan niya" suggestion ko.

"You have a point Agent Canary, but consider the consequences. Pwedeng hindi na magpakita si Mr. Chua kay Syrene kapag inilagay natin sa ating protection" si Agent Pigeon naman ngayon

"And besides, kung talagang may masamang pakay si Tang kay Ms. Chua. Dapat nung una palang ginawa na niya" epal talaga tong Seven na to.

"However, Ms. Chua is still in grave danger. We would not take her for granted, wala siyang kinalaman sa kasong ito." sige uncle ipagtanggol mo ako. Ano ka ngayon Seven hahaha

"You have a point Captain Lopez. Ganito nalang, the mission is still on going. But, we will assign Canary a bigger task, she will serve as Ms. Chua's body guard. Hindi dapat mawala sa paningin mo si Ms. Chua. I will also assign Agent Ten, as well as you Agent Seven, for her protecting her. Is that clear?"

At dun na nga natapos ang meeting. Nagkaron ako ng karagdagang task, hindi lang basta makakuha ng information kay Syrene, but to protect her. Jusko po naman, dagdag trabaho pa. BWISET!

Author: please vote, comment and be a fan po...thank you thank you thank you!! :D

She's On DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon