She's On Duty [Chapter 18]

233 2 0
                                    

Chapter 18 New Professor

Andito nanaman ako ngayon sa classroom. Nakaupo halos lahat ng estudyante sa kani-kanilang upuan, yung grupo naman nila Candice, ayun busy sa pakikipagchikahan. Mga chismosang to, eh kung kutusan ko kaya kayo.

Mga five minutes na ang nakalilipas nung umalis yung last teacher namin. Ang tagal naman nung music teacher namen, siguro wala nanamang klase. Hehe, eto gusto ko sa schooling eh, yung mga teacher na tamad magturo hahaha

"Siguro wala na tayong klase, five minutes na oh wala pa din si sir" narinig kong sabi ni Aira

"Oo nga, ano kayang nangyari dun? Baka na-ospital na" si Rina naman na katabi niya ang nagsalita, hay nako, gumagawa nanaman ng istorya tong mga babaeng to

"Sa tingin mo Canary?" at talagang isinali pa ako sa usapan nila.

"Ewan ko, baka na-late lang, wag nga kayo gumawa ng kwento jan" sagot ko sa kanila

"Ang KJ mo naman, naga-assume lang kami, malay mo totoo, edi wala tayong klase hahaha" si Aira, eto talagang bruhang to, kahit kelan talaga ang sarap kutusan

Mejo nabo-bored na ako kakahintay kay sir, eto namang katabi kong si Third, TULOG! Buti pa tong lalaking to, nakakatulog kahit ang ingay-ingay sa classroom.

After 2 minutes may lalaking pumasok sa classroom. Hindi siya yung music teacher namen. Naka-eye glasses siya. Neat ang ayos ng buhok, matangkad, gwapo. Teka...parang namumukaan ko tong lalaking to ah...isip-isip, san ko nga ba to nakita? Kilala ko to, si...si...si SEVEN!!!

Ano kayang ginagawa ng saksakan ng yabang na secret agent na to dito?

"Good afternoon class, your music teacher is on live. For the mean time, ako muna ang papalit sa kanya as substitute teacher" ano daw? Substitute? Waaaaaaaaahhhh!!!

"GOOD AFTERNOON SIR!" bati ng lahat ng estudyante, maliban saken at kay Third, na kasalukuyan pa ding tulog sa upuan niya.

"Miss...ah? What's you name?" ako ang tinatanong ni Seven, nakita niya kasing hindi ako tumayo. Sus alam ko namang kilala niya ako. Oh well, sakyan nalang

"Lim, Canary Lim, sir" sagot ko naman

"Miss Lim, is there any problem?" ikaw, ikaw ang problema ko. Ako unang nag-propose na maging teacher nalang para sa misyon na to, pero sa kanya napunta, anak naman ng putakte oh.

"Wala po sir" sarcastic ko namang sagot

"Very well, lets begin. Everyone, settle down" utos naman niya sa ibang mga estudyante na nakatayo pa din.

Bakit ako lang pinansin netong mokong na to, samantalang yung TULOG sa katabi kong upuan hindi nakita. Bwiset nananadya nanaman yan for sure.

Sinipa ko naman ang upuan ni Third para hindi na siya mapansin ni Kulugong Seven.

Gumising naman siya agad, mukang wala pa sa wisyo ang loko ah. Kinukusot pa niya ang mata niya at nag-unat pa siya ng kamay.

Napansin naman siya ni Seven dahil don. Tiningnan siya ni Seven, parang may kakaibang reaksyon ang tingin niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano, pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa tingin niya.

Nung natapos na ang klase tumingin ulit siya kay Third at sinabihan...

"Mr. Ron Lee Torres III, see after class" bakit kaya? May nagawa kaya si Third?

"Yes, sir" sagot naman ni Third

After class nagsi-alisan na ang mga estudyante kasama kami ni Syrene. Umuna na kami kay Third since kakausapin pa siya ni Seven, na supposedly ay substitute daw sa music teacher.

"Ano kaya sasabihin ni sir kay Third?" tanong ni Syrene saken

"Ewan, baka naman may kasalanan hehe" sagot ko sa kanya, joke lang naman yung approach ko

"Hindi naman sa tingin ko, mukang ibang bagay eh. Uhm, maiba tayo, may itatanong lang ako Canary. Be honest to me, ok?" mukang seryoso sasabihin ni Syrene ah...

"Ok, ano ba yun?" mejo confused ko namang tanong sa kanya

"I'm go straight to the point. Canary, may gusto ka ba kay Third?" tanong ni Syrene, nagulat ako ako sa tanong niya. Ano kaya isasagot ko? Itatanggi ko ba? Alam ko naman sa sarili ko na gusto ko siya, kaso nahihiya akong aminin, lalo na sa kahit kanino. Gusto ko nga ba talaga siya? Baka naman nalilito lang ako, baka crush lang...ganon...

"Ah-eh, ano...uhm...wala...wala akong gusto don, hahaha...bat naman ako magkakagusto dun?" I lied, siguro nga I lied, or saying the truth? Hindi ko din alam, kahit ako naguguluhan na. tsk tsk...

"Talaga?" napansin ko naman biglang lumiwanag ang muka niya. Parang nagustuhan niya ang sagot ko, bakit kaya? Don't tell me...

"Oo nga, bakit ba?" tanong ko ulit. Kahit alam ko na sa sarili ko ang dahilan kung bakit niya ako tinatanong

"Gusto ko kasi siya" ouch, bakit ako affected masyado? Feeling ko na-hurt ako sa sinabi niya, may gusto nga siya kay Third. Huhu, panu ako?

"Talaga..." mejo blank na ang ekspresyon ng muka ko, hindi ko kasi maipagkakaila na hindi ko nagustuhan yung sinabi niya.

Author: stay tuned po for the next chapters... pls comment and vote po for the characters hahaha...thanks for reading :D

She's On DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon