She's On Duty [Chapter 9]

287 4 1
                                    

Chapter 9 Wrong HERO

Natapos na ang klase at tumawag ako sa cp ni uncle.

Uncle: Hello, oh agent Canary napatawag ka?

Canary: Uncle, pinapatawag ka ng teacher ko

Uncle: Ha? Bakit naman?

Canary: Tanungin niyo si Agent ten, diba sya naglagay ng mga files ko, nakalagay don ikaw legar guardian ko, pinapatawag ka ngayon dito.

Uncle: Ok

Binaba na niya ang cp niya.

Natapos na ang klase at uwian na. Ngayon na mangyayari ang misyon. Naglalakad na ako palabas ng school. Sinusundan ko si Syrene.

Kailangan hindi sya mawala sa paningin ko dahil ngayon na matutupad ang plano ni uncle. Ang operation 'non sense' tsk tsk...

Si Syrene naman tuloy tuloy lang sa paglalakad.

Biglang may humarang sa harap ko. Ang grupo pala ni Candice kasama ang boypren niyang horse.

"Hoy, akala mo makakatakas ka pa ha. Ang bilis mong tumakbo. Dahil sa ginawa mo lalo akong nagalit sayo. Alam mo bang pinagalitan kami sa faculty dahil sayo ha!" sigaw nung horse hahaha

"Pwede ba kabayo umalis ka jan at busy ako" sabi ko sa kanya. Lalo syang humarang sa dadaanan ko kasama yung mga kabarkada niyang mga tingting

"Akala mo ha! Busy din ako, mabilis lang to!" sabi niya, with matching panglilisik pa ng mata, as if matatakot ako

"Bukas nalang naten ituloy, may kailangan akong gawin" sabi ko naman

"Wag ka ngang duwag!" humarang sila lalo, nainis na ako kaya pinatulan ko na din sila

"Eto ba gusto mo ha" hinawakan ko siya sa garter ng kanyang brief at itinaas.

Nakita ko namang nasaktan ang muka niya. Tinulak ko sya ng malakas papalayo sa akin

"ANONG PANG GINAGAWA NIYO!!! KILL HER!!!" sigaw nung kabayo

Sumugod na ang mga alipores ni Candice. Isa isa ko naman silang binirahan ng suntok at sipa. Napatumba ko na silang lahat. Tumingin ako kina Candice at aktong sisipain sila.

Biglang lumuhod ang mga bruha at itinaas ang mga kamay gaya nung una kong pinagawa sa kanila matapos ko silang bugbugin

"Tss" yun lang nasabi ko at tumakbo na ako para habulin si Syrene.

Nakita ko naman sila agad. Andun din si Third at kasalukuyang binubugbog ang mga pinadala ni agent Ten para sa operation. Nakakainis, dahil dun sa mga kabayong yun nabulilyaso tuloy ang plano.

Nagtago nalang ako sa likod nung basurahan at hinintay matapos ang laban. Madaming tamang natamo si Third pero napatumba naman niya lahat ng mga thugs. Lumabas ako sa tinataguan ko at tumakbo palapit sa kanila.

"OKAY LANG BA KAYO! Syrene nasaktan ka ba ha? Third ok ka lang ba ha? Nakita ko lahat andun lang ako sa likod" sabi ko habang papalapit sa kanila, chinecheck ko pa si Syrene baka nagalusan sya.

"Okay lang ako" sagot naman ni Third

Si Syrene naman hindi nagsasalita. Nakarating na kami sa bahay nila Syrene

"Bye, Third. Salamat sa tulong ha, bye" sabi ni Syrene kay Third

"Bye, Syrene" ako naman ang nagba-bye. Kahit hindi niya ako binabye-an, bigla syang pumasok at isinara ng malakas ang gate. Tss, suplada, ang arte.

"Pagpasensyahan mo na sya, mahiyain lang sya" sabi naman ni Third

She's On DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon