She's On Duty [Chapter 17]

258 3 0
                                    

Chapter 17 Your still on duty!!!

"Canary Ruth Lopez!!! Your still on duty!!! Where the hell have you bee?!!" si uncle, umusok ang ilong sa galit. Tss, parang ang tagal ko nawala ah...4 hours lang naman ako sa mall, siguro naman sa 4hrs na yun walang event na nangyari diba.

"Captain, nagsabi po siya saken kanina bago siya umalis" wow thank you Ten, you're the best talaga...may premyo ka sakin mamaya hehe...

"Hindi kita kinakausap Timothy Montez, si Canary ang tinatanong ko!" ayan nasigawan pa hehe, yep Timothy ang name ni Agent Ten, ayaw na ayaw niyan na tinatawag siyang Timothy, kaya kahit close kami Agent Ten or Montez ang tawag ko sa kanya. Mas preferred niya kasi yun

"Nagpasama lang po yung classmate ko sa mall, bakit po ba?" ako na ang sumagot baka kasi lalo pang mapagalitan si Ten eh.

"At sinong may sabing pwedeng kang sumama sa ibang classmate mo maliban kay Ms. Chua ha?" susme, ang boring kaya kasama non. Baka makatulog lang ako pag lagi yun ang kasama ko,

"Canary, we're on a serious mission here, seryosohin mo naman ang trabaho mo. Hindi yan mas inuuna mo ang paglalakwatsa mo!" sermon ni uncle....

"Opo, Captain" yun nalang ang sinagot, mahirap ng salubungin ang galit niyan. Baka hindi pa kami matapos.

"Back to your post!!!" utos ni uncle saming lahat at bumalik na sila sa kani-kanilang posisyon. Pumunta naman ako sa tapat ng bintana kung saan nakakabit ang camera sa tapat ng kwarto ni Syrene at sinilip iyon.

Wala naman ibang nangyari. Nandun lang s'ya sa kwarto niya maghapon. Ano kaya ang ikinagagalit ni uncle.

Dahil nga sa nabo-bored ako kakatitig sa spy camera. Naisipan ko nalang ulit pumunta sa terrace at magpahangin. Tutal wala pa naman akong ginagawa.

"Hey, andito ka nanaman" si Third nanaman as usual, nakakagulat naman tong lalaking to, bigla-bigla nalang nagsasalita...

"Ano ba! Wag ka nga nanggugulat jan, eh kung atakihin ako sa puso, aber?" ang taray ko ha, haha.

"Sorry na, 'to naman, hindi ko naman alam magugulatin ka pala, hehe" sus pa-cute nanaman ang loko

"Hmf! Ewan ko sayo" taray ko pa din ah. Parang kanina lang magka-holding hand pa kami maglakad, ngayon naman sinisigawan ko siya hehe. Nawi-weirduhan na yata sya sa mood-swings ko

"Bat ang taray mo yata?" napansin niya pala.

"Paki mo ba, wala ka na dun" nakita ko naman napasimangot siya dun sa sagot ko

"Sorry na kasi" grabe ang cute nanaman niya, ginagamitan nanaman niya ako ng charm niya.

"Oo na nga, hindi na ako galet, itigil mo na yang kakapa-cute mo jan" ngumiti naman siya pagkasabi ko non, ano kaya iniisip netong mokong na to

"So, cute pala ako?" tss, nangaasar nanaman to.

"May sinabi ba 'ko?" sige lang asaran tayo, matira matibay bwahahaha

"Sus, kasasabi mo lang eh, haha. Wag ka na mahiya, just be true to yourself"

"And what do you mean by that?" mejo naguluhan kasi ako sa sinabi niya

"Wala, never mind. Sige pasok na ako sa loob, kanina pa ako dito eh"

"Okay" sagot ko naman

"Good night, Canary"

"Good night, Third. Sweet dreams!" napatakip ako ng bibig ko pagkasabi ko non. Tss, hindi naman ako ganito dati ah.

"Dream of me, Canary" at pumasok na siya sa loob ng condo niya pagkasabi niya non.

Hay, Third, bakit ka ba ganyan saken. Alam mo bang nahihirapan akong mag-resist sa nararamdaman ko sayo? Wag ka naman masyadong mabait, baka sagutin kita agad eh. Hahaha, as if nangliligaw, assuming nanaman ang lola niyo haha...

Author: please support, comment, vote and be a fan po...wag po kayo magsasawa, stay tuned po for updates thanks a lot :D

She's On DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon