She's On Duty [Chapter 14]

264 4 0
                                    

Chapter 14 Caught in the act!!

The other day...

Andito ako ngayon sa classroom. Gaya nga ng sinabi nila Third at Syrene...may EXAM nga! Kasalukuyan akong nakaupo sa pwesto ko.

"No. 1 'C'," yup, I'm cheating hehe. Nag-hire kami ni uncle ng mga professor para sagutan ang exams ko for me. Syempre, masisira ang reputation ko na ginawa ng uncle ko. Di ba, I'm an honor student sa former school ko, duh...as if totoo yun. Since my uncle made that up, kailangan niyang panindigan. Kaya nag-hire kami ng magsasagot ng exam hahaha...I'm so so bad...

Ang exam na sinasagutan ko ngayon...este nung prof. sa kabilang linya pala eh MATH! Gumagamit ako ng communicator, nakalagay yung earphone sa kanang tenga ko, na natatakpan ng buhok ko. Yung mic naman nakalagay sa wrist watch ko. And meron ding camera na nakakabit sa may chest ko para makita nila yung test paper. Sneaky much? Hehe..well, that's me being an agent.

"No. 45 is not a multiple choice question, so skip it muna" sabi ko dun sa nasa kabilang linya.

"Shut up, I'm working on it already" sagot naman nung prof

"Let's move on to no. 46, baka matagalan pa yan" iritado ko namang sagot, up to 50 kasi tong exam na to. And, 10 mins nalang at tapos na ang time para sa math. So dapat matapos ko na. Kahit wala nang sagot sa 45 ok lang saken.

"SHUT UP!!!" sigaw naman nung nasa kabila. Aray ko naman, hindi naman kelangan sumigaw.

Naririnig ko sa kabilang linya na nakikipag-sagutan si uncle dun sa prof, ang ingay-ingay nga nila eh. Malapit ng mag-time, ano ba nangyayari dun. Baka hindi ko na matapos tong exam na to.

Ang hindi ko alam nasa katabi ko na pala si sir. Inilapit niya ang muka niya sa may muka ko. Naku po, naririnig niya yata yung ingay sa kabilang linya ng communicator ko.

Hinawakan ni sir ang buhok ko. Iniiwas ko naman kaagad. Hindi niya dapat ako mahuli. Lagot ako!

Pero mapilit si sir. Nakita niya din yung chord nung communicator sa may chest ko. Hinila niya yun ng dahan dahan. Pabilis ng pabilis at ayun nga. LAGOT AKO!!!

"Ano to Ms. Lim?!!" galit na galit na tanong ni sir.

"Ah-eh..." wala na akong masabi. Patay caught in the act ako. huhuhu

"KAKASABI KO PALANG NA PINAGKAKATIWALAAN NA KITA!!! HETO NANAMAN!!!" sigaw ni sir habang pingot pingot ang tenga ko.

"SUMAMA KA SAKEN SA OFFICE, NOW!!!" at kinaladkad na nga ako ni sir papuntang office. Hawak pa din niya ang tenga ko. Aray ang saket na ha.

Nakakahiya sa buong klase, nakita kong nakatingin silang lahat sila saken. Huhuhu. Wala na akong mukang ihaharap sa kanila.

"CALL YOUR UNCLE, NOW!!!" ano ba yan, talagang galit si sir ah.

Wala pang ten minutes, bumukas na agad ang pinto ng office ni sir at pumasok ang uncle ko.

"Te-te-teka, bakit ambilis niyo naman atang nakapunta dito?" tanong ni sir kay uncle. Panung hindi bibilis eh nasa labas lang naman sila ng school. At naririnig din nila lahat ng nangyayari dahil sa communicator no.

"Sir, let us explain" sabi agad ni uncle pagkapasok niya.

"We need your cooperation...we're cops" pinagtapat na nga ni uncle sa adviser ko. Pinakita din niya ang kanyang badge, ganon din ang ginawa ko inilabas ko ang badge ko at iniharap kay sir para malaman niya ang totoo.

Halatang dumbfounded ang itsura ng reaction ni sir. Hindi kasi siya makapaniwala dahil hindi halata sa itsura ko na isa akong magiting na pulis. (Ehem, magiting nga ba? Hehe)

"We're on a top secret mission here, hindi namen pwedeng sabihin ang buong detalye dahil confidential. And we really need your cooperation, sir" explanation naman ni uncle kay sir.

"You can count me in officer. Handa po akong tumulong para sa bayan" asus para sa bayan hahaha. Ang corny din pala neto ni sir.

Natawa naman ako sa sinabi ni sir. Napatingin sila saken especially si uncle, sinenyasan naman niya ako na umayos dahil hindi nakakatuwa yung sinabi ni sir.

Since alam na nga ni sir ang totoo. Na-exempt na ako sa exam...hahaha

Author: comment and vote please...be a fan po thank you :D

She's On DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon