C43: Apocalypto

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi kita iiwan. Palagi akong nasa tabi mo. Sapat na yon di'ba?" Narinig kong sinabi niya habang papalapit siya sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko. Tanaw na tanaw ko sa repleksyon sa salamin ang mukha niya. Itinaas niya ang kanan niyang kamay at tinuro ang salamin ng bintana kung san kita rin ang mukha ko.

"Lagi tayong magkasama. Para sa akin, ayos na yon." Sabi niya muli.

Ganito naman siya palagi.

Awa lang ang nadarama niya. Ganito ba ko kahina? Ganito ba ko ka-walang kwenta?

Hindi man siya akin. Hindi man ako ang gusto niya. Alam kong, ako lang ang nagmamay-ari sa kanya.

"Philip." Tawag ko muli sa pangalan niya. "Kung malalaman mo ang sikreto ko, iiwan mo ba ko?" Tanong ko sa kanya. "Kung sasabihin ko ba sayo, matatanggap mo kaya?" Hinintay ko ang tugon niya ngunit wala akong nakuha kaya muli kong tinawag ang pangalan niya. "Philip."

Nakatingin lang siya sa bintana kung san makikita ang repleksyon niya. Hindi ko alam na kanina pa pala siya nasa tabi ng pintuan. Agad akong tumalikod sa bintana upang humarap sa kanya. Tinignan ko si Philip na halatang nagtataka sa nakikita niya.

Isa lang ang alam kong nasa isip niya...

Sigurado akong natuklasan na niya ang sikreto ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Philip sa kanya ngunit wala siyang nakuhang tugon.

Ngumisi lang siya kay Philip. Isang ngisi na kahit ako'y hindi alam ang ibig sabihin. Nakakatakot ang presensiya niya. Isang lobo na nagbabalat-kayo bilang isang kuneho.

Hindi niya pinansin ang presensiya ni Philip sa apat na sulok na kwartong kinalalagyan namin. Tinignan ko si Philip bago ako muling tumingin sa kanya. Nginitian ko siya bago magsalita..

"Tamang tama, nandito ka na." Ngumiti ako nang nakita kong tumango siya. inawakan ko ang kamay ni Philip at muling nagsalita. "Matatapos na rin ang lahat. Sa wakas."

Pagkatapos ng lahat, magsasama tayo Philip.

Malayo sa mga taong sakim at walang ibang inisip kundi ang pansarili nilang kapakanan. Malayo sa mga taong nananakit ng iba upang maka-ginhawa sila. Kapag nangyari iyon, sisiguraduhin ko na magiging masaya tayo.

Hanggang kamatayan.


Nichole's POV


Isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya.

"Sabi ko na nga ba, hindi ka tatanggi." Sabi ko sa kanya habang may matamis na ngiti sa mga labi ko. Hindi ko man alam kung bakit siya papayag ngunit siguro sa kanya na ang dahilan na iyon. Kailangan ko siya ngayon. Ngunit alam kong dapat ko na rin siya isunod pagkatapos nito.

Walang matitira.Kahit ako, hindi ko alam kung nakatayo ako hanggang dulo ngunit sinisigurado ko na bago mangyari yon, namatay na ang dapat na mamatay.

Lahat sila, buburahin ko silang lahat sa mundong ito. Hindi nila alam kung pano ako gumanti. Ayoko silang maging abala sa daan ko patungo sa tagumpay at makakamit ko lamang ito ... nang wala silang lahat.

Ginagawa ko lang ang dapat. Minsan kahit mali, nagiging tama. Depende kung para san, para kanino o anong dahilan dahil minsan, ang tama ay nagiging mali din.

"Anong plano mo?" Tanong niya sa akin.

Sumandal muli siya sa pader na pinagsasandalan niya kani-kanilang lang. Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Baka pagtawanan lang niya ako kung sasabihin ko na basta na lang akong sumugod dito nang walang dalang armas laban sa kalaban, laban kay Akira.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon