***Dedicated to Pingpong... ayan ah, wish granted :)

"Ah-ah y-y-u-u-n-n lang ba??" Nabubulol ko pang sabi "Sige manuna ka ko ha??? pumasok ka na sa sasakyan mababasa ka pa, magkasakit ka pa. Sige na." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na ko at naglakad ng hilahin niya ang braso ko , napaharap ako sa kanya...

0_________0

0________0

Nabitawan ko yung payong sa ginawa niya...

He pulled me closer and....

He Kissed My Lips.

************************************************************************************************************

- Jenelle's POV -

"Aaaaaahhhhhhhhh" Agad kong kinuskos ang mata kong nalagyan ng sabon at tinapat ko ang mukha ko sa shower.

*inhale* *exhale* *inhale* *exhale*

napaupo ako sa tub ang sinubukang huminga ulet. "I almost died" grabe, ang sakit ng mata ko dahil sa sabon nahihirapan pa kong huminga dahil tumapat ako sa tubig ng matagal.

Paulit-ulit na nagfflash sa isip ko yung nangyari nung isang gabi. Hinalikan ako ni Chase. Ambilis ng mga pangyayari nung gabing yon, parehas pa kaming nagulat sa nangyari. Hindi pa din kami nag-uusap mula non, weekend din kasi kaya wala namang pasok sa school, pero text, tawag, mention sa twitter or chat sa fb at skype wala. Tumayo na ko at pinagpatuloy ko ang pagligo ko. Pagkatapos ko naman ay nag-ayos na din ako, may Youth Hour kasi kami sa Church ng 3pm, andun na ko kaninang umaga para sa regular service kaso kelangan kong umuwi para magpalit ng damit. Naka-dress ako kanina eh, so medyo mag-rurugged look muna ko ngayon.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na din ako, nakita ko hinihintay pala ako ni Kuya Ace.

"Ang tagal mo namang mag-ayos, 2:30 na oh!" Salubong niya saken pagbaba ko

"Grabe ka naman kuya, naligo pa ko siyempre"

"Grabe??? Ikaw ang grabe jan, 12pm andito na tayo, nagsimula kang maligo ng 12:30, 2 hours ang na-consume mong oras sa pag-aayos lang!"

"Anong 2 hours ka jan!"

"Totoo naman eh, bilisan mo na nga, dapat saktong 3pm magstart na yon. Leader ka pa naman ng Youth"

"Tara na kaya!!! Hatid mo na ko"

"Tapos magpapahatid ka?? Ayoko nga"

"Eeeeeehhhhhh kuya naman... Sige na pleaseeee, malelate na ko oh"

"Bilis-bilisan mo naman kasi yung kilos mo, parang slowmotion lahat ng galaw mo eh"

"Sorry naman" 

Sumakay na kami sa sasakyan ni Kuya si Soul. KIA Soul kasi ang model, kulay black kay Soul pangalan. Yan nga pala ang super gwapo at mabait kong kapatid. Ace Angelo Briones. Cardiologist sa St. Lukes Medical Center sa may Global City, bata pa yan 26 pa lang, newbie doctor pa lang siya don mag-1 year pa lang. Gwapo saka mabait. Pero single pa..... Hmmmm Sinong available???

Nakarating na kami sa Church ng 2:50pm, malapit lang din naman kasi, Urdaneta din kaso sa labas ng village. 

"Thank you Kuya, bbye!!!!!"

"Sumabay ka na kila Grace pagkatapos ah, di kita masusundo may aasikasuhin pa ko sa St. Lukes."

"Okay" Umalis na si Kuya at pumasok na ko sa loob.

0____0

Nagulat ako sa nakita ko sa Church....

Nakita ko si Chase. >3<

Shadows Behind... --- [ON HOLD]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!