Chapter 3

115 10 2
  • Dedicated kay Danica Tecson
                                    

**** Sinabi ko bang sa Tuesday or Monday pa ko mag-uupdate???? haha... Sinipag ako ngayon eh pasensya naman.. Maiksi lang to... This chapter is dedicated to Danica... yiiieee... :)

Gusto ko lang pong sabihin na hindi mo ito masyadong super duper romence, may halo din po itong drama and slice of life... so wag niyo pong iexpect na madaming sweet moments dito kahit madami din naman sa mga susunod na chapters, pero mas gusto kong concrete yung flow ng story... hehe wala arte ko lang... :)

- Clarisse's POV -

~Rrrrriiiiiinnnngggg~

Haaayyy natapos din ang klase sa HBO, grabe kinabahan ako dun buti hindi ako natawag ngayon, si Dessy lang haha...

"Oi mga babaita, ano? di na tayo aalis dito forever?" Grabe kung ano ano pa kasing kinakalikot sa mga bag at mukha... Lalo na tong si Jen, kanina pa yan habang nagcclass hanap ng hanap ng kung ano sa bag niya. May pagka-careless kasi yan minsan sa mga gamit, tapos pag may nawala sa kanya di yan matatahimik. 

"Ano bang hinahanap mo? kanina ka pa jan ah" Tanong pa ni Dessy habang naglalagay ng pulbo sa mukha

"Pano kasi feeling ko naiwan ko sa Food lab yung pencil case ko."Jenelle :(

Yun lang???? Pencil Case lang??? OA talaga to..

"Ang OA mo, pencil case lang yon! Eh di balikan natin, wala naman yatang may class after natin dun kanina eh" Kala ko naman kung ano.. >.<

"Eh may sentimental value naman yon, bigay yon ng childhood friend ko, 10 years na yon saken... Hala baka magalit si NJ saken pag nawala ko yon" Nakabusangot na siya ngayon.. >_____<

"Eh di tara nga balikan natin"Grace

"Wait, ako na lang antayin niyo na lang ako sa may canteen, mabilis lang ako baka mawalan pa tayo ng place dun eh" Ay mabuti naisip mo? Lunch time na kasi, 12:30 pm na so halos lahat ng students break time kaya nagkakaubusan sa table at chairs

"Sige bilisan mo na lang, saka i-oorder ka nalang din namin." Ano kayang masarap?? Gutom na ko... nakaka-drain mag-isip kaya

" Alam ko na yan, carbonara nanaman yan... Sige na go ka na para makabalik ka agad" Dessy

"Salamat, saglit lang talaga ko dun" Sabay alis, ayan ang napapala ng careless sa gamit. Tsk Tsk Tsk...

Paglabas namin ng room nakasalubong namin yung kinaiinisan ni Jen, yung Chase? Kasama niya sila Vince pinsan ni Dessy.

"Hi! Asan si Jenelle?" Tanong ni Chase ^_____________^

At bakit nakangiti??? Nako ha, etong Chase na to feeling ko may balak tong pormahan yun si Jen... Bago mangyari dadaan muna siya sa butas ng karayom... Grrrrrrr

"Ay may binalikan lang sa Food Lab" Grace

Siniko ko siya, bakit niya sinabi??? Alam naman niyang inis si Jen jan sa Chase na yan eh

"Ah sige, pupuntahan ko lang siya ah, wait lang mga dre puntahan ko muna" Sabay alis ni Chase

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, lagot kami kay Jen neto.. Wala na kaming magagawa kaya dumirecho na lang kame ng canteen. 

BBBBBBOOOOOMMMMMMMMM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

- Chase's POV - 

Pupuntahan ko na lang si Jenelle, ang hirap kasing dumiskarte pag kasama niya yung tatlo eh, atleast diba pag mag-isa lang siya siguro naman makaka-usap ko na siya ng matino gusto ko lang  naman mag-sorry

 BBBBBBOOOOOMMMMMMMMM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ano yun???? Parang may sumabog? May Bomb Threat ba dito sa School????!!!!!!!

*Ting!

Teka! Si Jenelle!

Tumakbo ako ng mabilis papuntang Food Lab, Tsk kinakabahan ako.. Pano kung sa Food Lab yon???!!!!

Nakarating ako sa may Food Lab, Ang usok! May sunog dito, dito nga yung sumabog, hinanap ko agad si Jenelle... Halos wala na kong makita dahil sa kapal ng usok...

Ahem.Ahem.Ahem.Ahem.Ahem.

Nahihirapan na din akong huminga nang may na-aninag akong Tao, dalawang tao... tumatakbo palabas.... tinignan ko mabuti... Babae yung isa... Si Jenelle!!!! 0___0

Sinundan ko yung dalawa hanggang sa makarating ako sa may Fire Exit na malapit dun sa lab. Nakita ko na lang si Jenelle wala nang malay na nakahiga sa sahig...

"Jenelle! Jenelle! Jenelle!" Niyuyugyog ko na siya kasi di siya magising kaya binuhat ko na..

Lubdub

Lubdub

Lubdub

Lubdub

Kinakabahan ako, natatakot.. Pero hindi ako dapat magpanic neto... Nung papalabas na kami ng fire exit nakita ko nang may mga staff na ng school at mga bumbero para maapula yung sunog

"Iho, ayos lang kayo?" Nag-aalalang tanong nung isang Prof.

"Ako ayos lang po, pero yung kasama ko hindi" Sagot ko, tinulungan niya ko makalabas, at sinalubong naman ako agad ng mga medics at sakto may ambulance kaya sumakay na kami...

"Jenelle" Bulong ko...

"Jenelle"

"Jenelle"

- Jenelle's POV -

"Jenelle"

May narinig akong boses na tumatawag saken... Dinilat ko ang mata ko, Puti...... Puro Puti... Inikot ko pa yung paningin ko, may dextrose na nakakabit saken, nakita ko si mama natutulog sa tabi ko...

"KJ!!!! Okay ka lang ba???" Umiiyak na tanong ni mama, naalipungatan siya eh.

"Okay lang po, Ma bakit pala ako andito sa ospital?" Tanong ko, di ko na masyadong malaalala basta ang alam ko lang pumunta ako sa Food Lab para kunin yung Pencil Case ni NJ nung may sumabog, tapos nakakita ako ng apoy at usok tapos.... tapos....

***Author's Note:

Yeah, alam kong Bitin yan... haha Bakit ba?? Para may aabangan naman next chapter diba, yung picture sa gilid siya po si Clarisse, siya yung sinasabi ni chase na mukhang americana...

Whooo kahit papano nakaka-relieve to ng stress, tinype ko to dito sa office eh, haha... Nawala yung stress ko pakiramdam ko Drained kasi ako eh haha.. 

Anyways, salamat po sa pagbabasa keep on reading lang po at sana magvote, mag-comment, mag-fan at i-follow niyo po ako sa Twitter :)

 Yung mga models ko jan, ganyan ko nakikita yung mga characters, mga ganyan yung iniimagine kong ichura nila... :)

P.S. Nakita niyo na ba yung MV ni G-Dragon na One of a Kind??? Wala ang galing niya lang magsulat ng lyrics talaga... haha

Shadows Behind... --- [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon