**** Grabe lang BV tong araw na to... Sumakay ako ng Jeep na pagka-bagal bagal ayan na-late tuloy ako... Pero hindi yon hadlang para mag-update hahaha!!!! siyempre nag-mind cooling muna ako bago ko to ginawa baka mamaya punong puno ng ka-bitteran ang UD ko pag di ko ginawa yon...

so the picture sa side ay ang Lost Pencil Case ni Jenelle.... Color Blue kasi favorite color ko yung blue :)

Anyways, this Chapter is Dedicated to My Dearest Cousin Bea... :)

- Jenelle's POV - 

Asan na ba yon?? Lumibot pa ko sa Food Lab para hanapin yung pencil case ko, kahit nga mga ilalim ng upuan at lamesa tinignan ko na pero hindi ko pa rin nakita, hala nakaka-depress lang. Siyempre marunong naman akong magvalue ng mga binigay na gamit saken lalo na yon bigay ng kababata ko, actually bestfriend ko matagal ko na nga lang hindi nakikita kasi nag-migrate na sila sa New Zealand :(

Umupo ako sa pwesto ko every class dito sa Food Lab.. Hahanapin ko pa ulet!!! Kaya tumayo ako ng biglang....

BBBBBBBBOOOOOOOOMMMMMMMMM!!!!!!!!!!

Napayuko ako... Shocks Sumabog!!!!!!!! 

Lubdub.Lubdub.Lubdub.

Ayoko pang mamatay!!!!!! Tulong!!!!!

"Tulong!!!! May Sumabog dito Tulong!!!!" Sabay sigaw ko...

Pagtayo ko para tumakbo palabas nakita ko nang nasusunog ang Lab, agad kong hinanap yung pinto kaso nag-blurred na yung paningin ko ang kapal kasi ng usok... Malaki yung Food Lab kasi hati sa dalawa, lecture room saka working area so yung sumabog sa may working area pero ambilis kumalat nung apoy, halos aabot na dito sa lecture room... Binilisan ko na ang takbo ko

AAAAAAAHHHHHHH!!!!!!

may umaapoy na bagay na bumagsak sa harap ko

"Tulong!!!! Tulong!!!!!!" Takot na takot kong sigaw..

Tumayo ako at tumakbo ulit "Tulong... Tulungan niyo ko" Paulit-ulit kong sigaw habang tumaktakbo palabas... hinang-hina na yung katawan ko, nahihirapan na din akong huminga... wala na kong masyadong makita sa kapal ng usok...

Shadows Behind... --- [ON HOLD]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!