Chapter 9

42 2 2
                                    

Normal naman ang buhay ko eh.

Dumaan ang Halloween,

Dumaan ang Bonifacio Day,

Dumaan ang Pasko,

Dumaan ang Bagong Taon.

Wala naming pagbabago, normal lahat, Masaya pa din kami…

Yun ang akala ko.

Nandito ako ngayon sa lugar na ang taong nasa tabi ko lamang ang nakakaalam. Bakit nga ba ako nandito? Bakit ba ako sumama sa kanya? Parang kahapon lang ang lahat… Parang kahapon lang…

*** Flashback***

“NJ”

“Hi KJ”

Hindi ako agad nakagalaw.. Totoo ba to?

Si NJ ba talaga to???

Parang napako ata ko sa kinatatayuan ko. Di ako nakagalaw, nakita ko nalang na papalapit siya saken.

“KJ huy!” Sabay pitik sakin.

“NJ…. NJ…. NJ!!!!!” Bigla  ko siyang niyakap. Bumalik na yung bestfriend ko!!!!!

“Kala ko di ka na gagalaw eh” Niyakap niya din ako. Sus! Na-miss ko to sobra!!!!

Pagkatapos ng madramang pagkikita naming ni NJ andito kami ngayon sa canteen. Siya pala yung isa pa naming classmate, adik to. Di man lang ako sinabihan na andito na pala sila sa Pilipinas 5 months ago pa. Bestfriend ko ba talaga to??? >.<

“Nakakatampo ka naman, kaya pala walang sumasagot sa mga e-mails ko kasi andito kana”

“Surprise kasi to. Ang tagal ko din tong pinaghandaan ah.” Pssshhhh che!

“Buti napag-isipan niyo nang dito na tumira. Grabe ang tagal nating di nagkita, 5 years?” Kababata ko si NJ. Sabay kaming lumaki neto, as in sa lahat ng bagay sabay kami. Classmates kami nung elementary hanggang high school. Yung mga parents namin kasi magkaibigan, ganun naman kasi palagi eh. Naghiwalay lang kami nung nagexpand yung business nila kaya nagpunta sila sa Switzerland. Si NJ yung isa sa mga taong nakakaintindi sakin. Kaya nga love na loveko tong bestfriend ko na to eh.

“Stable na kasi yung branch sa Bern kaya bumalik na kami dito, saka gustong-gusto ko nang umuwi, 5 years ko nang di nakikita bestfriend ko” sabay tingin sakin ng nakangiti.

“Di ka pa din nagbabago, gwapo pa din!!!! Nako, I’m sure madaming mag-kakagusto sayo dito”

“Alam kong gwapo ako. Hahahaha”

“Tsk. Conceited pa din” ---_____---

“Punta tayo sa inyo gusto kong Makita si tita saka si Kuya Ace” yaya niya.

“Cge! Kung gusto mo dun ka na sa bahay magdinner.”

“Okay din, tapos bukas kayo naman magpunta sa bahay. Hinihintay kayo ni mommy” wow! Excited na kong Makita sila tita….

“parang reunion lang ang peg natin? Haha okay yun kasi magpapasko na din naman next month”

“oo nga, nakakamiss yung ginagawa natin every Christmas”

“pwede naman nating gawin yun ulet diba? Andito naman na kami eh. Don’t worry KJ Masaya na ang Christmas ulit” Hmmmm, bigla kong naging excited magpasko.

“Nga pala, maiba ko kamusta ka naman? 5 years tayong di nagkita, kahit na may communication tayo mahirap pa din. I need to catch up, how’s life?” tanong ni NJ

Shadows Behind... --- [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon