Feris Wheel

130 13 0
                                    

CARLO POV:

Pagkatapos na pakain niya ako ng marami nagsimula na kami maglibot sa amusment park. Gumanda na din ang pakiramdam ko dahil sa ice cream at sa iba mga pagkain pinakain niya saken. At thank god!hindi na kami sasakay ng anumang rides napili niya na lang maglaro dito sa mga booth na nasa paligid.

Kaya ito andito kami sa isang booth gusto niya daw kasi yung stuff toy. Sinubukan niya maglaro pero naubos niya lang ang token niya na hindi niya pa nakukuha ang stuff stoy.

"tara na! Nagsasayang ka lang ng pera dyan!".pagaaya ko.

Mabilis siya tumingin saken at tinapunan ako ng masama tingin na parang hindi siya sangayon sa sinabi ko.

Nakita ko nagcross arms siya at humarap saken.

"sige aalis tayo dito kunin mo muna yung stuff toy na yun!". Galit na sabi nito.

Napaliling na lang ako sa inasta niya. May pagkachildish din pala to babae to. Wala ako nagawa kundi bumili ng token at kunin yung stuff toy na yun. Napabuntong hininga pa ako bago ibigay ang token sa lalaki.

May lobo kasi na nakasabit kelangan lang na putukin yun gamit ang arrow na hawak ko. Tatlo beses lang ang chance mo. Kinuha ko ang isa arrow at pinikit ko pa ang isa ko mata at binitawan to. Pero wala natamaan ni isa.

Napailing na lang ako,kumuha ulit ako ng isa pa at binato ulit ito pero katulad kanina wala parin ako natamaan. Nakarinig ako ng malakas na tawa galing sa tabi ko. Tinignan ko to at binigyan ng masama tingin.

"grabe ka! Kala ko pa naman makukuha mo na. Wala ka din pala!". Pangaasar na sabi nito.

Binalik ko ang tingin ko sa lobo. Sa totoo lang hindi ako mahilig sa ganito mga bagay at totoo naman mahina ako pagdating sa laro.

Pinakawalan ko ulit ang arrow at sa wakas may natamaan naman ako kaso yung pa pinaka maliit na prize.

Isang keychain na may stuff toy na nakalawit dito parang aso yata to na ewan. Inabot ko to kay Adelina.

"ohh! Sayo na yan!". Pabato ko binigay.

Nakita ko aligaga pa nga siya saluhin to. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang nakasuot ang kamay ko sa bulsa ko. Nakakahiya hindi ko mabigay sa kanya ang gusto niya stuff toy dahil sa tsamba kaya ako nakakuha ng isa muntik na nga hindi tamaan buti pumutok agad ang lobo kundi wala ako makukuha at sigurado pagtatawanan na naman ako ng babae to.

"oy!antayin mo naman ako!san tayo susunod?". Tanong niya.

Lumingon ako saglit para tignan siya na ngayon nilalaro niya sa kamay niya ang key chain na nakuha ko. Bumalik ulit ang tingin ko sa paglalakad,hindi ako nagsaya pa ng laway para sagutin siya.

"uy! Sakay tayo dun. Last na to after nito uwi na tayo". Pagmamakaawa sabi nito.

Napalingon naman ako sa taas at nakita ko ang Feris Wheel. Nakita ko din maggagabi na din at nakakatiyak ako na maganda ang view mula sa taas.

Naglakad na ako patungo sa Feris Wheel at nakita ko sumunod din siya. Kitang kita ko ang sobrang pagkaexcite siya sumakay panay kasi tingala niya sa taas.

Nang umabot na kami sa unahan ng pila dali dali siya tumakbo papunta sa loob. Napailing na lang ako sa inasta niya at sinundan din siya agad ko binigay ang ticket sa staff na nagaantay sa tabi ng ferish wheel.

Pagpasok ko sa loob nakita ko siya nakasampa sa upuan kung baga nakaluhod habang ang dalawang kamay nito ay nakasandal sa salamin habang nakatitig ito sa paligid. Inshort parang bata excited makita ang view na wari first time lang makasakay.

Twin HeartWhere stories live. Discover now