Karl Favor

254 19 0
                                    


Nagdaan ang isang tao nakalipat na ng course si Karl kung dati tourism ngayon business na pero first year college parin siya samantala Second year college na si Carlo. Medyo mas humihirap na ito para sa kanya lalo na at naging dean lister na siya. Kaya mas kelangan triplehen ang pag-aaral.

Bigla bumukas ang pinto at niluwa nun si Karlat binagsak ang katawan sa kama ni Carlo.

Habang si Carlo naman napatingin kay Karl habang nakaupo siya sa study table niya.

"Ano na naman ginagawa mo dito?". malamig na sabi ni Carlo.

"masama ba bisitahin ang kambal ko hah". sagot ni karl.

Bumalik si Carlo sa binabasa niya libro.

"Carlo naisip ko lang!".sabi ni karl.

"Ano?". walang gana niya sagot habang patuloy parin sa pagbasa ng libro.

"kung magpanggap ka kaya bukas na ako? ". masaya sabi niya na ngayon ay nakaupo na habang nakaharap kay Carlo.

"Ano!!". pasigaw na sabi ni Carlo. halata ang pagkagulat sa boses niya.

Nabitawan pa nga ni Carlo ang libro niya at napaharap pa siya  kay Karl.

"kasi may gimik kami bukas. ehh balita ko madami daw babae dun. di naman ako makahindi sa barkada ko kaya-".naputol na sabi ni karl.

"kaya pumayag ka?". tanong ni Carlo.

sabay ang pagtango ni karl habang nakangiti.

"no! ayoko sumama sa kalokohan mo Karl!". awtoritado sagot ni Carlo.

Bumalik na ulit si Carlo sa ginagawa niya. binuklat niya ulit ang libro at binasa ito. Tumayo naman agad si Karl sa kama at tinungo ang gilid ng lamesa ni Carlo.

"Carlo. pumayag ka na isang beses lang naman ehh". pamimilit na sabi ni Karl.

nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Carlo. "At pano kung mahuli ako? Karl wag mo ako isama sa kalokohan mo. ginawa mo yan kaya ikaw ang lumusot magisa. sabay ang pagtayo sa upuan at binalik ang libro sa lagayan nito.

"pero Carlo. ito lang naiisip ko. tsaka isa beses lang naman to. Alam mo naman nangako ako kay mama. pag nag-absent ako malalaman niya agad mahigpit kasi sa department namin ngayon. kaya sige na! tsaka isa pa business naman na course ko ohh dvah un sana kukunin mo kung hindi ka lang pinakuha ni papa ng engineeeing?". sabi ni karl

napatigil naman si Carlo sa sinabi ni Karl. oo at gusto gusto ni Carlo ang course na kinuha ngayon ni Karl kaya mas pabor sa kanya pumasok.Ni minsan lang maranasan niya naman maging malaya kahit na pagpapanggap ang sagot.

"oo na!". malamig na sabi ni Carlo.

sobra tuwa naman ni Karl sa pagsangayon ng kakambal niya sa plano niya. "salamat Carlo. pangako huli na to".

Buong gabi pinag-aralan ni Carlo ang lakad, galaw,pagsasalita, mga tao sa classroom at yung mga room na papasukin ni Carlo sa building. kelangan pulido ang galaw ni Carlo bukas kundi mahuhuli sila.

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon