MASK

84 3 2
                                    

Halos isang oras din kami nagbyahe hindi ko na alam kung nasaan na kaming lupalop ng Pilipinas napadpad.

Nakita ko pumasok ang sasakyan sa isang malaki gate. Namangha naman ako sa malaking garden na may mga bulaklak na nakatanim dito. Kahit na malaki ang bahay namin wala kami ganito kalaki garden.

Naramdaman ko na lang ang paghinto ng sasakyan. nakita ko binuksan na ang pintuan ko. Mabilis ako lumabas dito at napatingala sa building na nasa harap ko. Hindi ito bahay isa to hotel.nagbuntong hininga muna ako bago tuluyan pumasok.

Bago ako pumasok sa loob sinuot ko ang mask na kasama sa box na binigay ni Karl sa akin.Pumasok ako sa loob may nakita ako mga tao nakaformal at nakasuot na din ito ng mask katulad ko. kaya sinundan ko to. Nakipila ako sa mga ito. Nakita ko tumitigil sila sa lamesa malapit sa pintuan na pinapasukan nila. Nakita ko may inaabot sila papel mga tao nakaupo dun sa palagay ko invitation yun.

halos mataranta naman ako ng maalala ko wala ako invitation. bakit ba hindi ako binigyan ni Karl ng invitation. hanggang sa makaabot na ako sa lamesa.

"your invation maam!". ngiti sabi nito.

"ahh ehh- wala kasi ako invitation na dala wala kasi binigay sa akin". kabado ko sabi.

"sorry po maam hindi po kayo makakapasok pag wala kayo invitation". sabi ng lalaki.

"hah!". gulat na sabi ko. ano ba Karl bakit mo ako pinapunta dito. Nakita ko naman humahaba na ang pila dahil sa aberya dinala ko.

"Anong nangyayari dito?". isang lalaki ang lumabas galing sa pintuan sa palagay ko dun ginaganap ang party.

"Kasi po wala siya invitation". pagpapaliwanag ng lalaki dito.

"pwede malaman kung ano pangalan niyo para makita namin sa list.". sabi ng lalaki kararating lang.

"Adelina. Adelina Santos". sabi ko.

Nakita ko napalaki ng mata ang lalaki kararating lang. "Oh, maam. sorry hindi po namin alam. pasok na po kayo". taranta sabi ng lalaki.

Hinatid niya ako sa pintuan at binuksan niya to. Kunot noo naman ako napatingin sa inasta ng lalaki. Ano ba talaga meron? ng makapasok na ako narinig ko ang pagsara ng pintuan mula sa likod ko.

Napalingon ako ngayon sa harap ko. Halos lahat nakasuot ng maskara nakaformal din ang mga to kagaya ko. May nakaBlack may nakawhite. Sa palagay ko ang theme ay Black and White. May mga upuan sa paligid at mga waiter na umiikot dito. Maganda ang lugar. Kaya nagsimula na ako naglakad.

Ano kaya ang occasion at pinapunta ako ni Karl dito? At isa pa pano ko siya makikilala dito eh lahat nakamask.

Narinig ko nagbago ang music kung kanina dumadagungdong ngayon naman parang naging slow na ang music. Nakita ko halos lahat nagsitayuan mula sa pagkaupo at pumunta na sa harapan para magsisayawan.

Halos mapatalon ako ng maramdaman ko may humawak sa bewang ko. Nakita ko si Karl nakasuot ito na kulay puti na suot at maskara nito kulay itim. Nagmukha siya misteryoso lalo dahil sa maskara suot nito.

Tumingin ito sa mata ko at ngumiti ito. Bumitaw to sa pagkahawak sa bewang ko at hinatak ang kamay ko. sa sobrang bilis ng pangyayari napansin ko nasa gitna na pala kami.

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ito sa leeg niya at naramdaman ko ang kamay niya nilagay niya sa bewang ko.Sumabay kami sa kumpas ng tunog. Napatingin ako sa mata nito na halos sobra ang titig nito. Napaiwas ako ng tingin sa sobrang pagkailang.

"you're so perfect". sabi nito.

Mabilis ako napatingin dito na ngayon nakangiti ito habang hindi niya tinatanggal ang mga mata niya sa mata ko. Naramdaman ko na naman ang pagpula ng mga pisngi ko. yan mga salita binitawan niya ang salita sinabi niya sa akin sa ferish wheel. tandang tanda ko pa nung araw na yun. lahat ay parang magical. "Ano ba meron?bakit mo ako pinapunta dito?". pagiiba ko ng usapan.

Nakita ko nawala ang mga ngiti sa labi nito at madiin tumingin sa akin to. "It's my birthday!". malamig na sabi nito.

Halos lumaki naman ang mata ko sa gulat. hindi ko alam na birthday niya pala. Bakit ba hindi ko naisip agad yun.

"sorry wala ako regalo.". yuko ko sabi.

Naramdaman ko inangat niya ang ulo ko gamit ang kamay nito hinawakan nito ang baba ko na ngayon nakatingin sa mga mata niya. "Your present is the most wonderful gift I had". sabi nito.

Halos bumilis ang tibok ng puso ko sa mga sinabi niya. Halos matunaw ako sa mga tingin binatao nito sa akin. Para may nagiba kay Karl? naramdaman ko lumapit siya bahagya malapit sa tenga ko. Naramdaman ko ang paghinga nito sa leeg ko na halos makiliti ako at ikahina ng tuhod ko. "I miss you". mahina sabi nito.

Hindi ko alam pero yung mga salita yun. yun ang hinahanap ng puso ko marinig. yung mga salita sinabi niya noon. Parang bumalik na si Karl ang tao minahal ko.

napapikit ako habang patuloy lang kami sumasayaw sinasabayan ang kanta na wari'y para sa amin.

natapos na ang kanta at narinig ko nagbago na din ang tempo ng kanta. Humiwalay kami sa isa't isa hindi niya na ako hinahawakan nakatingin lang kami sa isa't isa. alam ko kahit wala siya sinasabi alam ko ang nararamdaman nito alam ko ang mga sinasabi ng mga mata nakatingin sa mata ko.

"Adelina!". boses ng lalaki.

Isang familiar na boses ang narinig ko tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako dito. Nakasuot ito ng Black suit. Medyo malayo to at madilim sa pwesto niya. Napatingin pa ako sa ilaw na ngayon nagsimula na buksan ang mga ilaw dahilan para mas lumiwanag ang paligid nagbalik ang tingin ko sa lalaki tumawag sa pangalan ko.

Palapit na ito sa pwesto ko na may ngiti sa labi. Kitang kita ko ang mukha nito dahil wala ito suot na mask.

"Karl?". ang tangi ko nasambit sa gulat.

Twin HeartHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin