Box

80 5 0
                                    

Nakatingin lang ako sa pader habang nakadapa sa kama. halos ilang weeks na din ang nagdaan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin natatanong kay Karl ang mga narinig ko nung gabi yun.

Pero wala ako lakas ng loob para itanong yun. Natatakot ako na panu kung lahat ng yun plano niya lang. Yung nararamdaman niya hindi pala totoo.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Narinig ko ang cellphone ko tumunog. Kinuha ko to sa lamesa malapit sa kama ko at sinimulan buksa.

Text message:
Karl.
Adelina. I miss you! sorry kung hindi tayo nakakapagusap. promise babawi ako pagnatapos ko to. ingats.

pagkatapos ko basahin ang message niya nilapag ko ulit ang cellphone ko sa lamesa ko. Oo nga pala minsan ko na lang makita si Karl sa eskwelahan ano kaya pinagkakaabalahan niya ngayon. kung magkita man kami saglit lang kami nagkakausap. Pabor na sa akin yun kasi hanggang ngayon naalala ko parin ang mga narinig ko sa bar.

Pero gusto ng kalahati isip ko na itanong sa kanya kung ano rason niya para gawin sa akin yun. kung totoo ba lahat ng sinabi niya at pinaramdam sa akin. gusto ko maliwanagan.

Nakarinig ako sunod na sunod katok mula sa pintuan ko. Napatayo ako agad at mabilis na pumunta sa pintuan ko. Binuksan ko yun at isang lalaki ang bumugad sa akin na may dalang malaking box.

"Adelina Santos?". tanong ng lalaki habang nakatingin sa papel na hawak niya.

Tumango ako habang may kunot sa noo ko. Pinapirmahan sa akin ng lalaki ang papel na hawak niya sabay bigay ng malaking box sa akin.

"teka kanino galing to?". takang tanong ko.

"Basahin niyo na lang po sa sulat". sabi nito sabay mabilis na umalis.

Pumasok na ako sa loob at sinara ko na ang pintuan ko. nilapag ko sa sahig ang box at pinagmasadan to. hindi kaya galing sa papa ko to? kaya kinuha ko ang nakadikit na sulat dito.

Message:
Wear this. someone pick you up around 7'oclock. I'll wait you there.

-Karl

halos mapanganga ako sa nabasa ko. teka si Karl ang nagpadala nito. Mabilis ko binuksan ang box at nakita ko ang isang mahabang black dress, na may sa lace sa isang parte ng sholder nito.may slit din to sa may babang parte.

may stiletto pa na kulay itim na tamang pares sa damit. At isang Black and white na maskara na may feather sa isang gilid nito. Teka ano occasion at may ganito? napatingin ako sa orasan. mag 3 'oclock na pala. mabilis ako nagayos.

----------------------------------------------------

Tinaas ko ang buhok ko habang hinayaan ko ang bangs na nakaladlad habang kinulot ko ito ng kaunti. naglagay ako ng make up at accesories na dagdag sa suot ko ngayon. buti na lang at my purse ako puti na babagay sa damit ko.

Nakarinig ako ng busina mula sa labas. Dali dali ako lumabas sa bahay at halos mapanganga ako sa nakita ko. limousse? seryoso.

mabilis na bumababa sa kotse ang lalaki nasa driver seat. mabilis na pumunta ito sa baba ng hagdan. Bumababa ako ng dahan dahan at kunot noo nakatingin dito.

"Hello po maam Adelina. inaantay na po kayo ni sir Karl". ngiti sabi nito.

Tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung san kami pupunta pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Dama ko ang kaba sa puso ko. Hanggang ngayon nababagabag ako sa mga nangyayari. ano meron at kelangan ko pa magsuot ng ganito damit at sumakay sa ganito sasakyan? Ano ba plano mo Karl?

Twin HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon