Huminto sya. Hindi pa rin sya humaharap sakin. Tinuloy niya yung kwento.

“at alam mo kung anung pinaka masakit sa lahat? Nung pumasok ka ng kwarto ko. Nung nakita kita after nung nangyari, hindi ko alam kung anung dapat kong hilingin. Kung dapat ba ikaw na lang yung nawala o tama lang na sya. And there you go.

Yun yung pinakamasakit na sandali ng buhay ko. Parang gusto ko syang sundan. Sinabi mo na bago sya mamatay, sinabi nyang mahal nya ko. I felt numb upon hearing those words. Mas lalong tUmindi yung pagsisisi ko na hindi nya nalaman na mahal ko din sya.

And I understand why he choose to die for you, kasi alam niyang masasaktan ako pag nawala ka.

 Lance.  Ayokong masaktan ka. I want to protect you kasi ikaw yung naging kapalit nung buhay ni Jerome.”

Lumapit sakin si Ate. I’m surprised na di sya umiyak.Pwede ko na syang bigyan ng award sa ginawa niya. Pero siguro nakamove on na nga sya kaya ganun. Kasi kung hindi, kawawa naman si Kuya Jhake.

“Lance” hinawakan niya yung kamay ko

“Remember yung pinag-usapan natin last time? Kung may isang rason pa kung bakit ka nabuhay, maybe it’s because gusto niyang itama mo yung pagkakamali niya. Don’t learn from my mistake Lance. Kasi hindi trabaho ng babae ang umamin. It’s guys job. At yun ang di niya ginawa. Lance I’m advising you to tell her what’s true. Hindi naman kelangan maging kayo e. You can wait for her na alam nyang hinihintay mo sya. At Lance, may chance din na hindi ka niya mahintay kasi wala kang pasabi”

“Panu kung iba yung gusto niya?” I asked her with hesitation.

“Lance, may tadhana tayong tinatawag. At ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, mahirap kalabanin yun. Kung may iba syang gusto, let fate decide. Ang mahalaga, you did your part.Its better to live with oh wells than to live with what if’s”

Natigilan ako sa sinabi niya.  Her words hit me somewhere I don’t know. Parang natauhan ako sa mga yun. Lahat ng tanung sa utak ko nasagot isa-isa. 

Everything happens for a reason. Kaya ba nangyari yun years ago para maging leksyon na dapat kong matutunan? I don’t know gaya kung paanong hindi ko alam kung anong kakalabasan pag ginawa ko yung naglalaro sa utak ko ngayon.

“Aalis na ko Lance. Whatever your decision is I’m at your back.” Parang mind-reader si Ate. Nabasa niya ba yung nasa isip ko? 

Paglabas ni Ate ng kwarto, Binuksan ko yung kahon ng side table ko, nakita ko yung pictures na binigay ni Ate sakin. Oo nga pala di ko pa nadidikit yun. 

Kinuha ko yung scrapbook ko sa cabinet ko. I browse every page na parang hindi ako yung gumawa. Nandito lahat ng memories namin ni Trixie. Mali, hindi pala lahat. Eto lang yung mga memories na nabigyan ng pagkakataon na mapreserved.

Simula nung naging bestfriend ko sya nung 1st year highschool, yung cupcakes na may letters na hapi bday Lance na ginawa niya gamit yung choco choco. Yung junior at seniors prom, yung unang beses na nakapagdrums siya, basta marami hanggang ngayon third year college. as time goes by, mas lalo siyang gumaganda. 

Dinikit ko lang yung picture at nilagyan ng caption.

“like anybody else, she’s not perfect. But she’s my perfect bride to be. If it’s God’s will, we’ll make it happen for real.” 

pagkatapos, tinawagan ko si Seth, si Christian tska si Kirby na kung pwede pumunta sila sa studio. Tinawagan ko na din yung mga kaibigan ni Trixie at free naman sila sa petsang yun.

Lastly, tinawagan ko si Ate Ianne.

“Ate, be free sa May 10. Please help me do this”

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. Parang ewan naman kasi, kaninang nandito sya di ko sinabi.

“Don’t worry Lance. Tutulungan kitang magprepare. May one month pa naman e.”  

Bago ako dumiretso sa studio, dumaan muna ako kay Mommy Lily. Pinareserve ko yung white roses. 

“Mommy, pareserve ng white roses mo ha. pipick upin ko sa May !0 ng umaga.” 

Parang nagulat naman si Mommy sa sinabi ko.

“Umamin ka nga sakin Nak, may nililigawan ka no? Yiiie. binata na yung alaga ko, sino sya? yung kasama mo dati? Boto ako sa kanya. ” tapos tinignan ako ni Mommy ng nakakalokong ngiti.

“Makikilala niyo rin sya Mommy sa takdang panahon.” sagot ko sa kanya na hindi kinoconfirm yung mga tanung at sagot niya.

“Bakit White rose naman anak?” tanung ulit niya sakin

“Favorite flower niya po kasi yan.” 

“So double meaning na ngayon. Alam mo ba ang ibig sabihin pag ang lalaki nagbigay sa nililigawan niya ng puting rosas?” 

Tinaas ko lang yung isang kilay ko. 

“ibig sabihn nun, binibigay mo sa kanya yung loyalty mo. Ibig sabihin din nun ay purity, tinitignan mo yung pagbibigyan mo na pure at hindi ka gagawa ng bagay na ikasisira non at yung pag-ibig mo, totoo. walang bahid ng kasungalingan at pagtataksil” 

Naabsorb ko naman lahat ng sinabi ni Mommy pero may isa pa kong naalala. Yung sa commercial? Ang tunay na lalaki, marunong maghintay. 

Pagkatapos kong kausapin si Mommy, dumiretso na kong studio. Nandun na silang tatlo.

“Bro, bakit parang biglaan naman to. May problema ba?” sabi sakin ni Kirby.

“Tinanung ko si Trixie kung bakit wala pa sya sabi niya di daw sya nasabihan. Anu bang meron Lance?” suportang tanung ni Seth sa sinabi ni Kirby.

“Actually, di ko talaga sya sinabihan. Kasi tungkol sa kanya yung pag-uusapan natin.” panimula ko.

“Kaya niyo ba kong tulungan? Gusto kong magprepare ng surprise sa anniversary namin. Aaminin ko na rin na gusto ko sya”

pinutol ko yung sinasabi ko dahil nagtinginan silang tatlo sa huli kong sinabi. Siguro nagulat din sila. Maliban kasi kay Ate Ianne, yung kisame lang namin yung naakaalam nun.

“sabi na nga ba Lance e. Ayos lang sakin” si Kirby.

“alam mo na bang napansin ko na yan nung nasa SM tau? Suportanta ka bro” sabi ni Christian.

Di nagsalita si Seth. Siya na lang hindi pa pumapayag.

“ok lang ba Seth?” tanung ko sa kanya. Nag thumbs up naman sya sakin.

Since payag na sila, sinabi ko sa kanila yung plano ko. May part na nag-agree naman na sila . May part na nag-agree sila, may part na binago. Syempre ok lang sakin. Expert na sila sa panliligaw e lalo na si Kirby.

May one month na lang kami para magprepare. Tingin ko sobra pa naman yun kasi medyo master na namin yung gagawin at gagamitin. 

“Lance, may swimming nga pala sa 15. Birthday kasi ni Cecile.” sabi sakin ni Kirby. Si Cecile nga pala yung girlfriend nya ngayon.

“Alam mo namang-” nabitin sa ere yung sasabihin ko.

” I won’t accept no for an answer Lance.” sabat agad ni Kirby. 

After a long puase …

“Naipaalam ko na din pala si Trixie sa mama niya. Alam kong takot ka sa tubig pero pwede ka namang magsight seeing lang.” sabi ni Kirby.

May choice pa ba ko? E may kaylangan ako sa kanila?

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Where stories live. Discover now