Prologue

1.9K 51 37
                                    

Note: Tanga ang character, huwag ituloy kung ayaw ma-stress kaya para hindi tayo ma-stress sa isa't isa, huwag nang ituloy para pare-pareho tayong tahimik. Also, if you're sensitive enough and "feeling" perfect when it comes to love, much better if you just skip this story and find other stories that you're comfortable reading.

This is a hundred percent fiction and I know what I'm doing so don't decide on things that you don't even have the right to decide. This is my story and I have my own rule. 'Wag sumasapaw. Kung gustong sumawsaw, gawa ng sariling story. Oki? Oki.

I do not tolerate cheating or whatever you call it. Please read the whole story first before judging. Also, things like this happen in real life. Let's be realistic here. So, if you want a perfect flow, perfect characters, perfect scenes, and a perfect story, please *deep inhale*. Please, find other stories that are perfect for you.

I need your consideration and understanding here. If you still can't understand what I'm trying to say, then leave. Periodt.

ps. this story is just for those people who have an open mind and huge understanding. eme.

Prologue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue

Para saan ba ang perfect timing? Para saan ba ang paghihintay? Bakit kailangan pang maghintay? Hindi ba pwedeng deretso na lang kung saan man mapupunta?

Matapos ng nangyari, here I am, standing in front of the airport's entrance. Wala akong magawa, wala man lang akong nagawa para pigilan siya at ang pag-alis niya. Parang hindi pa yata sapat na mahal ko siya para hindi siya umalis.

Teka, nasabi ko na nga ba ulit na mahal ko pa rin siya? Hindi pa nga pala. Kasalanan ko rin. Kung sana ay nasabi ko nang mas maaga, e 'di sana ay hindi ako nakatanga ngayon rito. Hindi sana ako uuwing luhaan ngayon.

Pinagsisihan ko naman lahat. Pinagsisihan ko lahat-lahat. Kaya sana ay ganoon din siya. Kasalanan ko pa rin ba kung mas pinili ko ang pangarap ko kaysa manatili sa tabi niya? Kasalanan ko pa rin ba kung mas gusto ko na munang tuparin ang pangarap ko? Am I that selfish?

Kasi, para sa akin ay hindi. Hindi lang naman para sa akin ang pagtupad ko sa pangarap ko, e. Humingi lang naman ako ng kaunting oras at panahon, pero bakit hindi pa niya naibigay 'yon?

Sino nga ba ang may kasalanan sa aming dalawa? Sino ang dapat na sisihin? Sinong dapat na magsisi?

Pero, maayos na, 'di ba? Bakit pa niya nagawang iwanan ako? Para sa ano? Para sa pangarap niya? Gusto ko siyang pigilan, pero para sa pangarap niya rin nga pala iyon. Gusto kong magalit, gusto kong maging selfish. Pero, para ko na lang rin siyang ginaya kung pipigilan ko siyang abutin ang pangarap niya.

Siguro nga...

Siguro nga ay hindi pa ito ang tamang panahon para sa aming dalawa. Siguro kailangan na muna naming ayusin ang lahat ng gulo para maging maayos ang lahat. Siguro nga...

Umaasa ako. Umaasa ako na darating ang panahon na ang tadhana ay sa amin na aayon. I know. I know that we have our perfect timing. I know that we still have a chance. Kung hindi man ngayon... Siguro sa tamang panahon.

At hindi pa iyon ngayon.

"Maghihintay ako," I whispered. "Maghihintay ako kahit ano man ang mangyari."

Tsaka ko tinapunan ng tingin ang tiyan ko. Ngumiti ako.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon