Chapter 21

356 26 31
                                        

Chapter 21:Caught In The Act

Maagang umalis si Arden ngayon dahil sisimulan na raw nila 'yong project nila after class kaya hindi na siya pwedeng ma-late. Wala naman akong nagawa kaya heto na lang ako ngayon, nagi-isa sa unit niya.

Tumayo ako at pumunta sa kusina para kumuha ng makakain. Sinubukan kong maghanap ng makakain mula sa ref at stock room pero wala akong mahanap kaya kumuha na lang ako ng apple mula sa lalagyan ng mga prutas. Matapos ko iyong hugasan ay kumagat ako roon at bumalik sa couch para buksan ang T.V.

Mayroon namang stocks dahil namili ako kahapon kaso tinatamad akong magluto.

But, speaking of Arden, naghihinala pa rin ako sa kaniya, e. Nagmamadali siyang umalis kanina, tapos naman kagabi ay masyado siyang malambing sa akin, tapos 'yong project? Matagal na ako sa VEU kaya alam kong hindi sila magpapa-project nang ganito ka-aga. Besides, kakikita ko lang kay Cassidy kanina at mukhang hindi pa siya pumasok.

I thought kasama siya nila Arden?

Umiling na lang ako sabay buntong hininga.

Mukhang hindi naman ako magagawang lokohin ni Arden. May tiwala ako sa kaniya. Alam kong hindi niya ako lolokohin, alam kong hindi niya ako ipagpapalit, alam kong hindi niya ako iiwan kagaya ng ginawa sa akin ng totoo kong ina. Sinabi ko sa kaniyang na-trauma na akong maiwan kaya ipinangako niya na hinding-hindi niya iyon gagawin.

Alam ko at naniniwala akong hindi niya iyon magagawa. Ginugulo lamang ako ng isip ko, niloloko lang ako ng tadhana.

Kumagat akong muli ng mansanas at itinutok ang paningin ko sa T.V, ngunit 'di rin nagtagal ay nagsawa ako. Naburyo ako lalo nang patayin ko ang T.V. Tatayo na sana ako para humiga sa kama nang matigilan ako dahil may kumatok sa pinto kaya agad akong tumayo at binuksan iyon.

I was surprised when I saw Cassidy standing in front of our door while holding a tupperware.

"Cassidy?"

"Hi, Ate!" she greeted joyfully.

"Uh, hi?"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, pinagmamasdan ang suot niya at nagtataka dahil parang iba rin iyon sa paningin ko. Tsaka ko lang na-realize na naka-pangtulog pa siya.

"Tara, pasok."

Pumasok siya habang malalaki ang ngiti sa akin. Tinuro ko ang couch para sabihing maupo siya na agad niya ring ginawa.

"What do you want? Magpe-prepare ako."

Mabilis siyang umiling kaya kumunot ang noo ko.

"Hindi na, Ate, sasaglit lang naman ako dito. Ibibigay ko lang 'to. Nga pala, Ate, mukhang mag isa ka lang dito, ah? Nasaan si Arden?"

Iginala niya ang paningin niya at napakunot na lang ang noo niya nang mapansin na wala si Arden. Nangunot rin ang noo ko at taka siyang tinignan. Pareho na kaming nakakunot ang noo dahil sa pagtataka.

"Pumasok. Hindi nga makakauwi kasi may project daw kayo. Nga pala, 'di ba kasama ka niya? Bakit nandito ka?"

Kumunot din ang noo ko nang nanlaki ang mga mata niya. "Ate, wala kaming pasok ngayon! Nagkaroon kasi ng biglaang meeting ngayon 'yong buong VEU. Tsaka project, Ate? Wala pa kaming project."

Gusto kong mapamura dahil sa narinig sa kaniya. Noong una ay pilit kong pinalalakas ang loob ko at kinakalma ang sarili kong sumabog pero hindi ko na napigilan.

"What?!" Napalakas ang boses ko. "Paalam niya sa akin na hindi siya makakauwi ngayon dahil may project daw kayo at kasama ka raw doon tsaka 'yong kaibigan mong Shaigne."

When The Right Time Comes (BF Series #1)Where stories live. Discover now