"Naku mamaya na yang lambingan na yan,sulitin na lang ninyo pag anduon na kayo. Dalian ninyo at baka maiwan kayo ng ferry. Ang susunod diyan ay after 2 hours na uli." Narinig nilang sabi ni Tita Pia.

Duon lang parang natauhan ang dalawa. Bumeso si Gerald kay Tita Pia, niyakap din siya nito. Magkahawak kamay ng lumabas ng cafe at yun nga nakita nilang inaayos na ang mga gamit nila sa ferry sa ferry katulong si Tito Mark.

Pinagbilinan sila ni Tita Pia na susunduin sila ng katiwala/driver nila sa Santa Fe. Feel at home daw at kung may kailangan pa daw sila ay magsabi lang sila sa mag asawang anduon.

Hindi nagtagal at kailangan na talaga nilang sumakay sa ferry kaya nagpaalam na sila sa mag asawa. Nahalata ng mag asawang Guidecelli na magmula ng dumating sina Gerald ay hindi pa rin nito binitibiwan ang kamay ng dalaga. Kahit nakikipag usap ito sa kanila at sa mga kaibigan, ang kamay kung hindi nasa bewang ng dalaga ay nasa balikat o simpleng magkahawak kamay lang. Madalas din nilang makitang nakadampi ang mga labi nito sa ulo ni Asher. Ang dalaga naman ay halatang na miss din ang kasintahan. Lagi din itong nakayakap sa binata.

Finally ay nakaupo na sila sa Ferry, natatanaw pa rin nila ang mag asawa. Umalis lang ang mga ito ng makitang nag umpisa ng gumalaw ang Ferry at umalis sa daungan.

"Sa wakas," yakap uli ni Gerald si Asher. I miss you so much," at hinalikan uli ang noo ng dalaga.

"I miss you too, parang ang tagal tagal na nating hindi nagkita." Nakahilig ang dalaga sa balikat ng kasintahan habang ang mga kamay naman ng binata ay nakapalupot sa bewang nito.

Mahigit isang oras din ang biyahe sa ferry pero hindi nila namalayan. Kwentuhan lang sila ng mga pangyayari. Nakaidlip sila ng konti na magkayakap pa rin. May time na nagigising si Gerald at tinititigan lang niya ang mukha ng kasintahan. Kung hindi lang siya nag aalalang magiging takaw pansin sila ay kanina pa niya siniil ng halik ang kasintahan.

Naramdamdaman niyang kinurot siya ng dalaga sa tagiliran. Nangiti ang binata. "Huwag kang mag aalala hindi pa kita hahalikan ngayon, ayaw kong maiskandalo mga taong makakakita sa atin pero pag nasolo na kita sa bahay nina Tita sa Santa Fe, wala ka ng kawala." Bulong ng binata na nakatikim na naman ng mas pino pang kurot.

"Sige, isang kurot mo pa, hahalikan na talaga kita!" naghahamon na tugon ni Gerald.

"Sorry na, ikaw naman kasi, masyadong atat, baka mamaya may makakilala pa sa atin dito at kunan tayo ng picture. Gusto mo ba ma-headline tayo bukas? Masisira ang promo promo niyo ni Jezza, sige ka."

"Masama ba maglambing sa baby girl ko? Speaking of Jezza, ok lang ba panuorin natin yung segment namin mamaya pagdating sa resort?"

"Babe, are you trying to make me jealous? Kala ko ba namiss mo ako? Bakit parang mas excited ka pa panuorin yung guesting ninyo ni Jezza, hmm?" kumalas sa pagkakayakap si Asher kay Gerald.

"Halika nga dito," kinabig uli papalapit ni Gerald si Asher. "Gusto mo ba malaman kung gaano kita namiss?" Akmang hahalikan na ni Gerald ang girlfriend nang takpan ni Asher ang labi ni Gerald.

"Teka lang, malapit na tayo bumaba, konting tiis na lang, Babe!" hirit ni Asher sabay kindat sa boyfriend.

"Ganito siguro feeling ng mga bagong kasal no? Excited na ko sa honeymoon natin, wooohooo!" Hindi mapigil ang pagkasabik ni Gerald at pasimpleng ninakawan ng halik si Asher sa labi. Mabuti na lang at nasa bandang likod sila ng ferry kaya walang nakapansin sa kanilang dalawa.

Ilang sandali pa ay dumaong na ang ferry. Maingat na inalalayan pababa ni Gerald si Asher habang nakasunod sa likuran nila sila Ali at Jalal dala ang mga gamit nila.

"Welcome to Bantayan island, Babe! Tara, I'll show you guys around then breakfast na tayo."

"Pwede ba makita muna yung room natin, hayaan na natin mauna kumain sila Ali at Jalal? Please, sweetheart?" malambing na pakiusap ni Gerald.

Sana Ikaw Na NgaWhere stories live. Discover now