--

BIANCA'S POV

"araaay!—dahan dahan naman kasi!" inis 'kong sabi kay Sir. Nandito kami sa living room at ginagamot ang aking sugat.Huhu.

Masakit kaya, tapos may dugo pa? ayoko ng nakakakita ng dugo, nanghihina ako! Huhu.

"sorry." Yan lang sabi ni sir sakin tapos nilagyan na niya ng band-aid. "mag-iingat ka kasi." sigaw sakin ni Kiel. Aba, kasalanan 'ko ba na mabilis magpatakbo 'yung sasakyan na 'yun? Parang nananadya.

"wag mo na ngang sisihin si Bianca! Dapat kasi 'yung sasakyan ang nag-adjust!" Napalingon ako kay Vince.

"oo nga!" pagsang-ayon 'ko. Totoo naman eh, dapat 'yung sasakyan! Muntikan na ako mamatay dun. Pag talaga ako nabangga, ewan ko nalang.

"sasakyan pa talaga sinisi ha?" natatawang sabi ni Sir sa'min. Alangan namang ako? Eh kasi nung tatawid ako, biglang umandar 'yun.

"yun naman talaga kasi may kasalanan eh—teka nga? Nasaan ba si Kuya?" bulyaw 'ko sa dalawang ugok na 'to. Akala 'ko ba nahimatay? Bakit hindi man lang sila nagpapanic? Nagmadali pa man din ako pumunta dito.

"ah...eh..nandoon siya sa ng kwarto niya. Huhu. " naiiyak na sabi ni Vince habang pinapahid ang mga luha niya. Umiiyak ba 'to?---- Ay no, umiiyak ba talaga 'to?

"anong nangyari bakit ka umiiyak?" tanong 'ko. Napatingin din ako kay Kiel na umiiyak din. Teka nga? Anong nangyayari?

"k-kasii. M-may malubhang sakit daw si Earl. Tumawag sakin si yaya lumeng kanina. Huhu kailangan niya ng pagmamahal galing sa kapatid niya. Diba ikaw lang 'yun? Huhu. help him bianca. Ikaw lang pag-asa namin. Mahal na mahal namin si Earl eh! T_T" –vince habang umiiyak. Malubhang sakit? Hala. Mabilis akong pumunta sa kwarto ni Earl.

Nakita 'ko si Earl na nakahiga sa kama niya. Nagsimula ng pumatak ang aking mga luha. May malubhang sakit? "earl.." tawag 'ko sa pangalan niya. Lumapit ako sa kama niya. he looks so pale. "earl." Ulit 'ko sa pagtawag.

Niyakap 'ko 'to. Ano ba 'yan, may sakit pala siya tapos inaaway ko pa siya tapos iiwasan 'ko pa siya. Tapos ano? Kapag sobrang grabe na ang sakit niya doon 'ko na malalaman na may sakit pala siya? Bakit kasi hindi man lang niya pinaalam sakin na may sakit siya? Kapatid naman niya ako ha. Habang yakap-yakap 'ko siya naramdaman 'ko naman gumalaw 'to kaya napahagulgol ako ng iyak.

"bianca?"

"eaaaarl! Bakit ba hindi mo sinabi sa'kin na may malubhang sakit ka?" tanong 'ko. Wala akong pake kung may sipon na tumutulo na. Kasi nakakaiyak talaga na nagsinungaling sya sakin.

"malubhang sakit?" tanong niya. kita mo 'to, magmamaang-maangan pa. Wala pa talaga siyang balak sabihin sakin 'yung sakit niya?

"Oo! Ang daya daya mo naman eh! Kapatid mo ako. Kahit hindi sa dugo eh concern pa rin ako sayo. Alam mo naman na napalapit ako sayo diba? Aminin mo na kasi sakin bago mahuli ang lahat." naiiyak 'kong sabi sa'kanya. Nakaluhod na ako at hinawakan 'ko ang mga kamay ni Earl. Hindi 'ko alam ang gagawin 'ko. Pinunas 'ko ang luha 'ko pero walang tigil 'to.

"ako? May malubhang sakit? *Cough* eh ubo lang naman at sipon ang sakit 'ko ngayon eh." Napatigil ako sa sinabi niya. Ubo at sipon lang daw. Hindi pa rin ako naniniwala. Mas lalo 'kong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.

"ANO KA BA EARL! HANGGANG KAILAN KA BA MAGSISINUNGALING SAKIN HA?"

"Sir aka bianca. Ubo at sipon lang 'to. Kung may malubhang sakit ako, edi sana SINABI KO AGAD SAINYO! Ayokong mamatay ng maaga! Lang'ya." ....

My Secret BrotherDove le storie prendono vita. Scoprilo ora