"Salamat hyung."












Nang umalis na si Seungcheol ay huminga muna ng malalim itong si Jihoon bago mag doorbell. Nag practice pa sya ng kung ano ang sasabihin nya. Maya maya lang ay nagbukas ang pinto. Agad na tumambad sakanya ang isa sa mga katulong nila.











"Nasaan si Soonyoung?"












"Ah nasa loob po Sir. Kayo po si Jihoon diba po?" tumango lang si Jihoon. Isa siguro ito sa mga katulong na nakita na sya, dahil dinala na sya dito ni Soonyoung ilang beses na. "Ah sige po sir, tawagin ko lang po sya. Dito po pasok kayo." ngumiti si Jihoon at pumasok. Umupo sya doon sa bench sa may mini garden nila Soonyoung.











Hinaplos ni Jihoon ang tyan nya bago ngumiti at tignan ito. Tangina haha lalaki ako pero nabuntis ako. Sorry anak kung naisip kong ipalaglag kita kanina. Sana matanggap ka ng papa mo.










"Ano kailangan mo?" napatayo si Jihoon ng marinig nya ang malamig na tono ni Soonyoung.












"S-soonyoung. . ."












"Bilisan mo Jihoon, ayoko mag aksaya ng oras. Diretsuhin mo na ko." napalunok si Jihoon.











Siguro nga ganyan sya ngayon pero kapag nalaman nya na buntis ako sakanya magbabago sya.












"S-soons buntis ako. . ." hinawakan ni Jihoon ang kamay ni Soonyoung. Kumukuha sya ng lakas, hindi alam ni Jihoon ang mararamdaman nya lalo na't wala kang mababasa sa mukha ni Soonyoung.










Blanko.











Ibig sabihin ba nito ay di nya tanggap ang bata?













"Wag mo nga akong lokohin Jihoon. Paano kang mabubuntis eh lalaki ka?" tila nagiba ang pakiramdam ni Jihoon.










So hindi nya ko pinaniniwalaan?












"S-soonyoung? Aware ka naman siguro sa Mpreg diba?" bumuntong hininga lang si Soonyoung na tanda ng pagkainip.











"Tigilan mo nga tong kalokohan na t-"












"Soonyoung anak mo to!"











"Tsk. Baka di ako yan. Baka nagpatira ka sa iba. Kung gusto mo ng pera ko sabihin mo nalang sakin di yung gagawa ka ng pekeng dah-" hindi na napigilan ni Jihoon ang sarili nyang sampalin si Soonyoung ng malakas.











Ramdam ni Soonyoung ang sakit, ang galit ni Jihoon sa sampal nito. Pulang pula ang kaliwang pisngi nito.












Hindi na napigilan ni Jihoon ang mapaluha. "Tangina Soonyoung! Buntis ako! Ikaw may gawa nito! Kung di ka lang kupal d-di naman sya mabubuo! Tangina at ganyan ang tingin mo sakin? H-hindi ako ganon para magpatira sa kung sino sino lang! A. . . alam kong alam mo na ikaw lang. . ." umiiyak na sambit ni Jihoon. "At wala akong pakielam sa pera mo! Ang gusto ko lang ay panagutan mo ako! Ayokong lumaki sya ng walang ama!"










"Tigilan mo ko Jihoon. Edi ipaampon mo yan okaya ipalaglag mo, di ko pananagutan yan."











Bawat salita ni Soonyoung ay bumabasag sa puso ni Jihoon, sobrang sakit yung tipong tumatagos sa puso nito ang bawat salitang binibitawan ng binata. Sobrang bigat sa pakiramdam na malamang walang kwenta pala ang pag punta nila Jihoon kay Soonyoung.












"eH TARANTADO KA PALA EH! GAGO KANG KUPAL KA! ANAK MO YAN TAPOS IPAPAAMPON MO SIRAULO KA BANG HAYOP KA?!" nagulat nalang si Jihoon sa isang iglap ay nakaupo na si Soonyoung sa lupa at nasa harap na nya si Seungcheol.











"eH BAT KA BA NANGINGIELAM DITO?"











"ATLIS AKO NANGINGIELAM EH IKAW NGA WALANG PAKIELAM! KUNG SANANG DI MO SYA INEUT TARANTADO KA EDI SANA DI MANGYAYARI TO! TAPOS NGAYONG MAY NABUO? TATAKBO KA? TATAKASAN MO RESPONSIBILIDAD MO? PUNYETA KA SOONYOUNG! WALA KANG BAYAG!"











"sEUNGCHEOL HYUNG TAMA NA" pigil ni Jihoon kay Seungcheol at hinawakan ang kamay nito pero hindi larin nagpatinag si Seungcheol.












"HINDI JI. SUMOSOBRA NA 'TONG GAGONG TO EH. DUGO'T LAMAN MO YAN SOONS! NANIWALA PA NAMAN DIN AKO NA HINDI KA GANYAN NA TAO. PERO NAGKAMALI AKO." sambit ni Seungcheol bago suntukin si Soonyoung. Hindi naman umiimik si Soonyoung at hinahayaan nya lang si Seungcheol na saktan sya ni hindi nga sya lumalaban.











Ang puting polo nya ay narumihan na ng dugo.













"ISA KANG KUPAL KWON SOONYOUNG!" galit na sambit ni Seungcheol bago umalis, sumunod naman sakanya si Jihoon.










Naiwan magisa si Soonyoung.










Sana hindi mo nalang ako ginulo noon, sana di mo nalang ipinaramdam sakin na importante ako, na mahalaga ako sayo, na mahal mo ako, tapos ngayong nahulog na ko iiwan mo ko? Haha tanga ko naman pala.








------

hi sorry late ud! huhu dami kasi namin ginagawaaaa anyways musta na u?

fuck buddies • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon