#JROS 4: Something In The Night (Hiroki Ikegawa)

220 11 10
                                    

"Uy beh, wait mo na aketch sa café, ha? Ipapasa ko lang itong project ko kay Ma'am." bilin sa akin ni Kenny habang pababa kami.

"Sige, sige. Magtext ka na lang." sabi ko.

"Okay, masusunod, kamahalan."

Nagtawanan tuloy kami sa sinabi niya sabay pinalo ko siya sa braso niya. "Baliw!"

"Oo sa kanya kaso hindi niya alam kasi busy siya sa ibang babae." nag-pout pa talaga siya.

"Ganun talaga. Yaan mo mapapansin ka rin niya."

"Sana. Oh siya, gora na ako sa faculty, ingat ka beh." aniya nang kawayan niya ako.

Kumaway din ako sa kanya bago kami tuluyang naghiwalay ng landas, dun siya dumiretso sa faculty room ng mga CBA (College of Business Administration) habang ako lumabas na sa school para pumunta dun sa bagong bukas na café na walking distance lang ang lapit sa school namin.

Alas otso pa lang ng gabi pero parang ang tahimik na ng kapaligiran, wala ng masyadong tao sa daan, wala na rin gaanong dumadaan na mga tricycle at jeep.

Nilabas ko yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko para icheck kung anong ganap sa cellphone ko, habang busy ako bigla akong nakaramdam ng hangin na malakas na humampas sa akin na naging dahilan para magtayuan mga balahibo ko.

Malamig naman talaga paggabi lalo na ngayon malapit na ang Christmas season pero itong lamig na nararamdaman ko parang kakaibang pahiwatig, feeling ko tuloy parang may sumusunod sa akin.

Huminto ako sa paglakad ko para tumingin sa paligid ko pero wala naman ako nakitang tao na sumusunod sa akin, pakiramdam ko lang siguro yun. Ganito kasi ang mga napapanood ko sa mga movies na tungkol sa mga stalker eh, ganitong ganito nararamdaman nila.

Tinuloy ko na ang paglalakad ko habang nakabaling mga mata ko sa cellphone ko. Kahit wala akong nakita hindi pa rin maalis sa akin ang mag-alala, parang kasi may sumusunod talaga sa akin.

Tumigil ulit ako sa paglalakad ko para lumingon ulit. Sa paglingon ko may isang tao akong nakita na nakasilip sa may pader, puro itim ang kanyang suot at hindi ko alam ang itsura ng mukha niya dahil natatakpan yun ng kadiliman.

Pakiramdam ko siya yung kanina pang nagmamasid sa akin, pupuntahan ko sana siya para kunprontahin pero mabilis siyang umalis sa kinalalagyan niya. Napailing na lang ako, ito yata epekto ng panonood ko ng mga ganung temang palabas eh.

Naglakad na ulit ako at nakarating naman ako sa café ng matiwasay. Kahit papaano nawala rin yung kaba sa dibdib ko nang makita ko yung neon sign sa labas, kulay blue ang ilaw nun at nakalagay din ang pangalan ng naturang café, Back 2 D Old Times. Twenty-fours din silang bukas, ayos!

Pagpasok ko sa loob binati agad ako ng mga staff dun, gumanti ako sa mga ngiti nila bago ako maghanap ng mauupuan ko. Nagsimulang gumala mga mata ko sa paligid pagkaupo ko. Ang ganda sobra ng lugar. Kahit saang sulok hinding-hindi nawawala yung mga neon signs, parang tuloy talaga akong nag-time machine at bumalik sa panahon noon.

Syempre kinuhanan ko ng picture yung lugar, hinanapan ko pa talaga ng magandang anggulo para maipost yun sa Instagram. Hobby ko rin kasi ang photography.

Matapos kong magpicture pumunta ako sa may counter para umorder ng pagkain ko habang hinihintay ko dito si Kenny, napansin ko na maraming customers pag ganutong oras.

"Wow." sambit ko nang makita ko sa display yung mga sandamakmak na cookies at cakes. Mukhang masarap ang mga yun, ah?

Nang makapag-isip na ako ng makakain ko sinabi ko na dun sa babae yung order ko. Pagkabigay ko ng bayad binigay naman niya sa akin yung waiting number ko tsaka ako bumalik sa pwesto ko.

Jei Rokku One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon