Chapter Eleven

12.1K 225 39
                                    

KITA niya ang gulat sa mukha ni Trey nang mapagbuksan siya ng pinto. Nang makabawi at sumeryoso ito, nanatiling malungkot ang ekspresiyon. Hindi man lang ngumiti nang makita siya. Kumurot nang pino sa kanyang dibdib ang lungkot na nakabadha sa mukha nito.

"Bakit basa ka?" Kunot-noong tanong ni Trey sa kanya.

"Umuulan. Inabutan ako."

"Sumugod ka sa ulan? Wala ka bang dalang payong? Dapat hinintay mo munang tumila." Mukhang handa pa itong sermunan siya bago siya patuluyin.

Tumikhim si Ria. "Puwede mo ba akong papasukin muna bago mo ako sermunan?"

Sandaling natigilan ito bago niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok siya. Nakahinga siya nang maluwag ng maramdaman ang init na lumukob sa kanyang katawan kahit paano. Ilang minuto pagkaalis nila ng sementeryo ay bumuhos na ang ulan. At dahil ayaw na niyang palipasin ang araw na iyon nang hindi nakakausap ang binata, sinugod na niya ang ulan. Si Tori naman ay bumalik sa restaurant. Kakain daw ito dahil na-absorb daw nito lahat ng stress niya sa love life. Sa huli naghiwalay rin sila ng taxi ni Tori.

She surveyed Trey's town house. Maliit lang naman iyon, tama lamang para sa binata. Typical na ang disenyong makikita sa mga mamahaling magazines. Hindi iyon makalat, maliban sa kahon ng pizza at bote ng sofdrinks sa ibabaw ng center table. Naka-on ang TV nito.

Trey's house felt like home. She could feel the warmth inside it. Hindi dahil sa malamig ang kanyang nararamdaman. Basta iyong pakiramdam na hindi niya ma-explain. Buti na lang kasama iyon sa mga ibinibida nito sa tuwing mag-uusap sila. Madali niyang nakita ang bahay ni Trey.

Nagulat pa si Ria nang maramdaman ang paglapat ng kamay ni Trey sa kanyang likod, then to her head. Pagkatapos noon ay pumalatak ito.

"Hindi mo ba talaga alam kung paano aalagaan ang sarili mo?" Mukhang magsisimula na naman itong magsermon. Pero bago pa niya maipagtanggol ang sarili ay nakatayo na ito at pumasok ng kuwarto. Hindi tuloy niya alam kung susunod ba siya o mananatili sa kinauupuan.

Hindi naman nagtagal si Trey sa loob ng silid nito. Paglabas ay may dala na itong tuwalya at isang damit. Sa halip na iabot lang iyon sa kanya ay ito pa ang nagtuyo ng kanyang buhok. Umupo ito sa katapat niya at nagsimula ang marahang pagkuskos sa kanyang ulo.

"Magpalit ka rin ng damit. Medyo malaki ang T-shirt ko pero pagtiyagaan mo na muna kesa mapulmunya ka."

"Trey..." tawag ni Ria sa binata. Seryosong-seryoso ito habang tinutuyo ang buhok niya. Pakiramdam ni Ria ay iniiwasan talaga nitong tumingin sa kanyang mga mata.

"Huwag ka munang magsalita nagko-concentrate ako."

Napangiti siya. Kahit paano ay nawawala na ang kanyang kaba. Hinawakan niya ang kamay nito para matigil sa kakukuskos sa buhok niya.

"Trey, makinig ka muna."

Sa wakas ay tumingin na ito sa mga mata niya. Pero sandali lang iyon dahil mabilis na iniiwas ulit nito ang tingin sa kanya.

"Gusto mo ba ng mainit na sabaw?"

Napabuntong-hininga si Ria. Hindi na siya nakatiis, mahinang tinampal niya ang braso nito. Bahagyang pumiksi naman ang binata.

"Bakit ba?"

Pinandilatan niya ito. "Sabi ko makinig ka muna hindi alukin ako ng kung ano-ano. You're ruining the mood."

Tila noon lang nag-sink in dito ang sinabi niya kanina. Bumagsak ang balikat nito at ibinababa ang tuwalya sa sandalan ng upuan.

"Fine, I'll listen."

Kapag Minahal KitaDär berättelser lever. Upptäck nu