Chapter Eight

4.7K 84 1
                                    

"HIYANG ka sa day shift." Puna agad ni Aubrey pagka-order nila ng pagkain.

Ria frowned. "Saang banda ako hiyang, ha? Paki-pinpoint nga, Aubrey." Napasimangot siya. "Akala ko madali akong makaka-adjust, I guess I was wrong." Bumuntong-hininga pa siya. Masaya siya sa unang linggo ng pagiging day shift. Pero matapos ang pag-a-attempt na gawing normal ang daily routine ay hindi talaga niya magawa. And then she realized, she was not really a morning person. Sabi nga bad habit is hard to break.

"Hiyang naman talaga sa 'yo ang day shift." Sulsol pa ni Trey.

Ito naman ang kanyang binalingan. "Seryoso ka? Titigan mo ngang mabuti ang mukha ko." Sumunod naman si Trey. Exaggerated pang pinalaki ang mga mata. "Huwag OA." Naging normal naman ang titig nito. "Kita mo na ngang madaming pimples nang-aasar ka pa."

Hindi naman talaga maintindihan ni Ria sa hormones ng kanyang katawan. Kung kailan nasisikatan na siya ng Vitamin D sa umaga saka naman naghuhumiyaw ang pimples niya. As week three of her dayshift laganap na rin ang pimples sa noo niya. At ang huli nga ay sa gitna pa talaga ng ilong niya tumubo. Badtrip talaga.

At dahil naiilang din naman siya sa pagkakahasik ng kanyang pimples, ura-uradang nagpalagay siya ng side bangs para kahit paano ay maitago ang mga iyon. Effective naman, napansin ang bangs niya at hindi ang kanyang pimples.

"Kahit naman may pimples maganda ka pa rin."

"Huwag mo akong bolahin, hindi mo ako mauuto." Banat ni Ria. Narinig niyang tumawa sina Joachim at Aubrey.

"Alam mo, Ria, you should be proud of that."

"At bakit, aber?" Masungit niyang tanong.

Ngumiti nang pilyo si Trey. "Pinaghirapan mo kaya 'yan. Iyan ang hard work ng pagpupuyat. Fruit of your labor 'yan."

Nahawa na lang siya ng pagtawa. Tinapik-tapik niya ito sa likod, iyong bahagyang malakas. Saka nginitian ito nang pagkatamis-tamis.

"Napakatalinong bata. Ipagpatuloy mo lang, ha, at malayo-layo ang mararating mo."

Trey jus chuckled. Hindi rin nito ininda ang kanyang sinabi. Binalingan naman niya ang magkasintahan. "Kayo bang dalawa, eh, hindi na talaga magpapapigil?"

"Tanunging mo siya." Itinuro ni Aubrey si Joachim.

Umiling naman si Joachim at inakbayan ang kanyang best friend. "We really need to go. Mga ilang buwan lang naman kami sa Norway, aayusin ko lang ang graduation ko then we'll head back here. Tourist visa lang ang hawak ni Aubrey kaya maximum na ang tatlong buwan na pagtigil n'yo doon."

"Eh, bakit kailangang kasama pa si Aubrey kung babalik din naman pala kayo dito?" Himutok pa rin ni Ria. Kamakailan lang sinabi sa kanya ni Aubrey ang napipintong paglipad ng mga ito papuntang Norway. Kaya naman pala busy ang bruha ay dahil nag-aayos ito ng mga papeles at visa. Pakiramdam tuloy niya ay farewell dinner na iyon.

"Ang tagal kong nalayo rito sa best friend mo, Ria. Hindi ko na kaya ang ilang buwan pa."

"Pare, mag-propose ka muna, ha, bago mo i-advance ang honeymoon." Hirit naman ni Trey. Kita niya ang pamumula ni Aubrey dahil sa green joke na iyon.

Walang babalang hinampas ni Ria si Trey. Napa-aray naman ang huli.

"Hey! Ano na naman ang ginawa ko sa 'yo?"

Pinandilatan niya ng mata si Trey. "Really? Hindi mo alam ang kasalanan mo?"

"Ano na naman?" Trey really looked clueless.

Kapag Minahal KitaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora