Chapter Four

6.7K 107 3
                                    

HAPPY birthday, Marco. Bati ng utak ni Ria.

Pinakatitigan niya ang nakaukit na pangalan ni Marco sa lapida.

Inilapag niya ang dalang cake sa sa ibabaw niyon. It was Marco's favourite cake, favourite bakeshop din ni Marco ang bakeshop kung saan niya binila ang cake. Oo, alam niya ang halos lahat ng tungkol kay Marco. Ganoon siya kagaga sa pagmamahal sa boyfriend ng kanyang best friend.

She knew that Marco's favourite color was blue. Gusto nito ang bandang Carpenters kahit na gaano pa katanda na ang bandang iyon, bagay na ikinakakantiyaw ni Aubrey dito. Health buff ito, kaya talagang nakakagulat na sa sakit pa sa puso mamatay ang binata. At kahit nakapikit ay kaya niyang ibigay ang deskripsiyon ng mukha nito base sa boses pa lang ni Marco.

It was just so unfortunate na ang boyfriend pa ito ng kanyang best friend. Kung nagkataong nasa ibang babae ito, malamang nakipagkompetensiya. But Marco was so in love with Aubrey. Dama niya kung gaano nito kamahal ang kaibigan, at sino naman siya para hadlangan ang kaligayahan ng taong mahal niya. Masayang-masaya si Marco kay Aubrey. Siya na ang martir. So, she just loved Marco silently, gaya ng pagmamahal ni Joachim kay Aubrey. Kaya nga relate na relate siya sa dilemma ni Joachim noon, hindi nga lang niya ipinahahalata.

Bumuntong-hininga si Ria habang inaayos ang pagkakaupo. Hindi na siya nagdala ng kandila, magtataka si Aubrey o ang pamilya ni Marco kapag may nadatnan doong kandila. At least ang cake puwede niyang ibigay sa makakasalubong o kaya ay sa ngangalaga ng sementeryong iyon gaya ng payo ng kanyang Tito Roman. Kung buhay si Marco malamang may surprise party ito o dinner mula kay Aubrey.

Wala na si Marco pero patuloy pa rin yata ang pag-ibig niya sa lalaki. Hibang na nga yata siya. Hay, mahirap kang kalimutan, Marco.

Tandang-tanda ni Ria kung kailan nagsimulang mahalin ng kanyang puso ang binata. Iyon ay kasabay ng death anniversary ng nanay niya. She felt hopeless and so alone that day. Hindi niya mahagilap si Aubrey dahil abala ito sa pag-aasikaso ng school projects. Immune na naman siyang wala ang mga magulang sa kanyang piling, pero iba ang tama sa kanya ng araw na iyon. Siguro dahil sa walang tigil na kakasumbat ng kanyang tiyahin sa ginagawang pagpapa-aral sa kanya. Feeling niya aping-api siya, iyong pakiramdam na siya si Princess Sarah na paulit-ulit na pinagagalitan ni Miss Minchin. Ganoong level ng pagkaapi ang kanyang nararamdaman. Then, Marco came along. Hindi niya makakalimutan kung paanong parang knight in shining armor nitong inialok ang palad sa kanyang harapan at niyaya siya...

"Hindi ko alam kung bakit umiiyak ka, pero kaya kitang pangitiin bago pa bumaha ng luha dito sa campus natin."

That was Marco's exact words. And after that, they went to amusement park. They rode all those silly rides including the carousel. She screamed at the top of her lungs when Marco insisted that they ride the roller coaster.

Isang beses na kaligayahan. Iyon ang simula ng lahat. Nakita niya ang bagay na inibig ni Aubrey sa binata. But she was too afraid to fight for her feelings, too afraid to get rejected. Napangiti siya, isang malungkot na pagngiti.

Alam ko namang ginawa mo lang ang bagay na iyon dahil best friend ako ni Aubrey. Still, I want to thank you, Marco. Thank you for giving me the opportunity to feel how it is to be in love. How to be happy. Pasasalamat ng isip niya.

Mayamaya pa ang hindi na niya kinaya ang pagpapakatatag, bumigay ang mga mata niya. Pumatak ang unang luha, ang ikalawa, ang ikatlo, hanggang sa nag-uunahan na ang mga iyon sa paglandas sa kanyang pisngi. Hinaplos niya ang charm ng bracelet. Bigay iyon ni Marco sa kanya noong birthday niya. Hindi niya akalaing iyon na ang una at huling regalo nito.

Kapag Minahal KitaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz