Chapter Five

5.7K 98 6
                                    

NOON lamang niya nakitang sobrang focused ni Trey at sobrang seryoso. Kahit sa malayo ay damang-dama ng dalaga ang kakaibang aura nito. Dama ni Ria ang kagustuhan nitong manalo. Tutok na tutok lang sa daan ang pansin nito, dagling nawala ang mapaglarong Trey na kilala niya.

Well, that was two hours ago.

Ngayon ay ang Trey na ubod ng kulit na naman ang kanyang kaharap niya. Nanalo ang binata, dikit ang laban nito sa second placer. Lumamang lang ito ng ilang segundo. And yes, kasama siya sa mga tili nang tili nang manalo ang binata. Hanggang sa dumugin ito ng mga babae bago pa man sila makalapit ni Aubrey. Literally, the girls shove them away to Trey. At dahil hindi naman sila katangkaran ni Aubrey napilitan na lang silang hintayin sina Joachim at Trey hanggang sa matapos ang mga activities pa ng mga ito.

"Ria, bakit parang hindi ka kumakain?" Puna ni Trey sa kanya. "Huwag mong sabihing diet ka. You don't need to do that. Diyosa ka na sa paningin ko."

She heard Aubrey giggled.

Napasimangot siya. "Bakit kayong mga lalaki hindi lang kami kumain ng madami nagda-diet na agad?" Balik tanong niya.

"Hindi ka diet?"

Pinandilatan ni Ria si Trey. "Hindi! Hindi pa ako makakain dahil pakiramdam ko ay last supper ko na. Puputok na ang tiyan ko dahil inubos ko ang carbonara na inorder mo na good for two persons. Tapos ngayon i-expect mong makakain pa ulit ako?"

Masarap naman ang inorder nitong pagkain sa kanya, ang carbonara nga. Pero hindi naman niya inaasahang pang-dalawang tao ang servings noon. At dahil may sari-sarili ring order sina Joachim at Aubrey napilitan siyang ubusin ang pagkain. Ayaw ni Ria na may natitira sa pinggan dahil alam niyang pinaghirapan iyon ng mga tao mula sa magsasaka hanggang sa chef na nagluto noon. Yeah, ganoon siya ka-considerate sa mga magsasaka.

"Okay, sige mamaya mo na lang kainin itong dessert." Masiglang itinabi ni Trey ang cake sa kanya. Mukhang masarap din iyon kaya lamang ay parang puputok na talaga ang tiyan niya sa sobrang kabusugan.

Nagpatuloy ang kuwentuhan nila nang walang sabi-sabi ay inabot sa kanya ni Trey ang trophy na nakuha kanina. Takang-taka niyang tiningnan ang trophy na para bang isang alien iyon.

"O, ano 'yan?"

"Trophy ko."

Tumaas ang kilay ni Ria sa pilosopong sagot ni Trey. She heard Aubrey and Joachim laughed.

"Alam ko. Bakit mo ibinibigay sa akin?"

"Dahil gusto ko. Saka para talaga sa 'yo 'yan. Manood ka man o hindi."

Napatitig si Ria sa trophy. Noong bata pa siya tuwang-tuwa siya kapag nakakatangap siya ng trophy, patunay iyon ng tagumpay mo sa isang bagay na iyong pinaghirapan. Acknowledgement sa isang bagay na magaling ka. Kaya alam niya kung gaano kahalaga ang trophy, hindi iyon basta dekorasyon lamang.

"Aanhin ko 'yan?" Hesitant pa rin siyang tanggapin iyon.

"Try mong ilaga kapag wala na kayong ulam. O kaya try mong isangla kung may tatanggap." Nakangising sagot ng binata. Hindi siya nakatiis, hinampas niya ito.

"Eh, kung i-try ko kayang ihampas sa 'yo nang magseryoso ka?" Balik na hirit niya.

Tumawa si Trey.

"Tanggapin mo na, Ria, first time ni Trey na may mapag-alayan ng trophy." Sulsol ni Joachim. Bilang pagsunod inuusog naman ni Trey ang trophy sa kanyang tapat.

Kapag Minahal KitaWhere stories live. Discover now