Chapter One

18.7K 173 6
                                    

BAKIT ikaw ang nais na matanaw nitong mga mata... Tunay kayang nabighani ako sa taglay mong ganda... Nais kong marinig malamyos mong tinig... Na sa aki'y aliw at tila ba hulog pa ng langit—

"Maria! Hinaan mo nga 'yang pinapatutugtog mo! Aba'y hindi lang ikaw ang nakatira dito sa bahay." Pasigaw na saway sa kanya ng tiyahin.

Napabuntong-hininga siya kasabay nang pagtayo at pagpatay sa kanyang mini-component. "Wala pa nga sa chorus." Himutok niya at muling bumalik sa pagkakahilata. Nakatitig lang siya sa kisame.

But the song continued in her head. Dilat na dilat pa rin siya.

Sana kahit minsan ay mapansin ako... Malamang mong ika'w mahal at iyan ang totoo...

Mapait na napangiti si Ria. Yeah, sana kahit minsan. Kahit minsan lang ulit. Minsan lang, Marco.

Sa pagkakaalala sa pangalang iyon ay agad na nagbanta ang kanyang luha. Ria immediately brushed off the feeling. Mabilis na tumayo siya.

Ipinilig-pilig pa niya ang kanyang ulo. Kahit anong pilit ng dalaga ay malabo na talaga ang inaasam-asam niyang pagtulog at sa kanyang palagay makatulog man siya baka dalawin na naman siya ng malungkot na panaginip. Hindi kasi niya mapigilan ang unconscious mind para alalahanin ang binata. Nagpasya na lang siyang lumabas ng kuwarto para kumain baka sakaling 'pag nabusog siya antukin pa siya. Iyong deretso tulog na.

Hindi napigilan ni Ria ang pagsimangot paglabas ng kuwarto, nakasalampak sa sofa at nakikipag-telebabad si Katrina, ang anak na bunso ng kanyang Tita Charing. Habang ang kanyang Tita Charing naman ay patuloy sa paghahalo ng tocino sa lamesa nila. Pagbaling niya sa kanyang Tito Roman ay apologetic na ngumiti ito agad. Tumango na lang siya at tinungo ang ref para sa malamig na tubig.

"O, Ria, akala ko ba matutulog ka?" Tanong ng tiyahin niya.

Sana nga, ho. Pero sa ingay ng bibig n'yo malamang kahit patay magigising. "Nawala na po ang antok ko." Binalingan niya si Katrina. "Katrina, hindi naman kaya masunog na 'yang tainga mo sa sobrang init na ng telepono?"

Kita ni Ria ang pagnguso ng pinsan. Sandaling ngumuto ito pagkatapos ay nagpaalam na sa kausap. Ibinababa na nito ang telepono. "Bakit ikaw maghapong nakapasak diyan sa tainga mo ang headset mo pero hindi ko pa naman nababalitaang nagkaroon ng sunog sa pinapasukan mo dahil sa pagkasunog ng tainga?"

Pilosopong bata. "Malamang naka-headset ako maghapon call center ang trabaho ko."

"Eh, bakit--?"

"Sige, subukan mo pang mangatwiran diyan ipapuputol ko 'yang teleponong iyan kasama na ang internet natin. Kaya kong walang social media sa buhay, ikaw kaya mo ba?" Banta niya. Tumahimik naman agad si Katrina. Alam na alam niyang hindi ito mabubuhay ng walang internet, ganoon na yata ang mga kabataan ngayon. Mawalan lang ng Facebook at internet akala mo naman ay kung mapapaano. At kilala na siya ng mga ito, kapag sinabi niya mataas sa fifty percent na gawin talaga niya ang banta. Lalo pa't siya naman ang nagbabayad ng bill ng telepono. Ah, hindi nga lang pala bill ng telepono, maging lahat ng bills sa bahay na iyon. Kaya nga kaaway niya ang mga petsang katapusan at akinse dahil kahit payday iyon ay dumadaan lang sa mga kamay niya ang kanyang sahod.

"Katrina, tumahimik ka na. Pagod ang Ate Ria mo. Bakit hindi ka na lang mag-aral hindi iyang telebabad ang ginagawa mo. Kung hindi cell phone diyan naman nakakabit ang tainga mo."

Umupo siya sa katapat ng tiyahin habang patuloy pa rin ito sa paghahalo at pagtitimpla ng tocino. Pinagmasdan niya ang proseso ng kung paano nito i-murder ang kawawang karne para lamang maging isang masarap na tocino. Mayamaya pa ay bumaling naman ito sa kanya.

Kapag Minahal KitaWhere stories live. Discover now