Naririto ako

3.9K 80 10
                                    

Hello hello hello! Last chapter na. Pero may epilogue pa naman. Salamat ng marami po sa nagbasa. Sana naenjoy nyo. May bago akong fic pero, tsaka ko na ipopost. tatapusin ko muna to. Maraming maraming salamat po talaga. Follow nyo po ako sa twiter. thegoodbyecharm ;)

Kapit lang tayo ah? Good vibes all the way! Happy happy joy joy. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakatayo si Gerald sa parking lot habang tinatanaw ang tent ni Sam. He's been standing there for the past five minutes at di niya magawang lumapit. What if she turned him down? Pano kung huli na talaga siya? The thought of being rejected makes him want to run for the hills, pero hindi siya makakilos. Sobrang dami niyang kagaguhan na pinaranas kay Sarah. Pero deserve ni Sarah na marinig ang nararamdaman niya, that he's willing to take a risk on her like she had been with him just a week ago. 

Kaya naglakad na siya palapit sa camp site. 

“Uh… Gerald, right?” Sam, ang kinaiinisan ni Gerald. Mukha itong masaya, mayabang. Gusto ni Gerald suntukin ito. Pero pinigilan niya ang sarili.

“Nandito ba si Sarah?” Maybang na tanong niya habang tumitingin tingin sa paligid. “I need to see her now.” Hinarap niya na si Sam na nakatingin lang sakanya, nakita din ni Gerald na parang naiinis na ito sakanya.

Good. 

Biglang may narinig silang malakas na tawa galing sa loob ng tent, at lumabas ang isang medyo maliit na babae na may malaking ngiti sa mukha, may hawak na blanket. Biglang uminit ang ulo ni Gerald, hindi siya makapaniwala sa gagong to, isasama si Sarah para magcamping tapos may ibang babae habang kumukuha si Sarah ng kahoy o kung ano mang kailangan sa camp site? 

“Oh hi…” pagtigil ng babae habang tumitingin kay Sam at Gerald. “Di ko naman alam na may bisita pala tayo Sam... pakilala mo naman ako” Malanding banat ng babae. Naramdaman kagad ni Gerald ang panglalandi nito. 

“This is Gerald… Anderson right?” Simpleng sagot ni Sam habang tumitingin kay Gerald at sa babae na parang kinakabahan. Naisip ni Gerald, kakabahan din siguro siya kung may nilalanding iba ang iba niyang babae sa harapan niya pa mismo. 

“Yeah, that would be me,” habang tumitingin sa babae. “At ikaw si?” 

Pero bago makasagot ang babae, tumayo si Sam sa harapan ni Gerald at hinila papalayo ang babae kay Gerald. “She would be no one, Ada bakit di ka nalang bumalik dun sa niluluto ko, check mo na baka nasusunog na yun…” 

Ngumiti naman si Ada kay Gerald, “Okay lang ako dito Samuel, kaw na magcheck.” 

Natawa si Gerald, “So ano kayo ni Samuel?” Sinubukan niya umarte na parang hindi interesado. But it wasn't working. Gusto niyang bugbugin ang lalaki for cheating on Sarah. “You’re together?” 

Parang nasuka naman ang mukha ni Ada, “Oh my god! Nakakaloka ka!! He’s my brother! Ay nako, dun na ngalang muna ko sa tent.. or something,” dahan dahang paglakad nito papunta sa tent, bago pa man ito pumasok, humarap uli ito kay Gerald, “Kung wala lang ang kapatid ko dito, I'd totally invite you to join me.” 

“Then it’s good he’s here,” Mabilis na sagot ni Gerald, pagod na siya sa mga babaeng tulad nito, “because I’d turn you down.” Namula ang mukha ni Ada, tumalikod at pumasok sa loob ng tent.

“Nasan si Sarah?” Tanong kagad ni Gerald kay Sam, gusto niya ng mahanap si Sarah. If Sam was cheating on her, masmadali para kay Gerald. Pero hindi, masyadong mabait ang Sam na to. But he didn't have Sarah's heart though. Gerald had to remind himself of that. 

Give In To MeWhere stories live. Discover now