Nagkulang

3.4K 52 2
                                    

Hello, gusto ko lang po magpasalamat sa mga nagbabasa. Pasensya na kung mabagal. Pero promise, susubukan ko magupdate at least every other day. Yun lang. :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“OH MY GOD HINDI KA PA PATAY!” Sigaw ni Rachel kay Sarah ng pumasok ito sa apartment. Nakaupo si Rachel sa sala, habang nagdodrawing ng kung ano ano sa notebook at umiinom ng kape. Nakaramdam si Sarah ng guilt. “Alalang alala na ko sayo, di ka manlang sumasagot sa phone mo, tapos walang sumasagot sa opisina mo- San ka ba galing? Okay ka lang ba? Jusko mamamatay ako kakaalala sayo!” Sigaw ni Rachel. 

Huminga muna ng malalim si Sarah bago sumagot, “Sorry, sobra sobrang sorry, may malaking project kasi sa opisina, sobrang naging busy ko di manlang ako nakatawag,” not a lie, “tapos naging all-nighter pa.” Alam ni Sarah na sasabihin niya din kay Rachel ang nangyari sakanila ni Gerald, pero wala siyang oras para magexplain sa ngayon. kaya nagsinungaling muna siya dito. 

“Okay,” Pagtanggap ni Rachel sa eksplanasyon ng kaibigan. Pero alam ni Srah na nagsususpetya parin ito. Alam ng kaibigan kung sino si Sarah, binabasa na nito ngayon ang kilos niya. Alam ni Sarah na gusto ni Rachel maging isang teacher, pero kung hindi gumana yun. pwede din itong detective o spy, magiging madali ito para kay Rachel “Okay lang, alam ko naman pano ang trabaho, nagworry lang talaga ko, alam mo naman ako, feelingerang mommy. Anyway, you look like crap, anong oras mo kailangan bumalik sa opisina?” 

“In two hours,” Pagbuntong hininga ni Sarah. “Magshashower lang ako, tapos magreready na ko-” Sagot niya habang naglalakad papunta sa banyo, nakahanda na para sa mainit na tubig na huhugas sa kanyang katawan. 

“Sarz!” Sigaw ni Rachel bago siya makapasok ng banyo. 

“Huh?” Paglingon niya dito, kailangan niya ng malaking kape para magising. Ang gabi niya kasama si Gerald, ay nakakapagod. Parang kulang pa sa isang oras ang tinulog nila at hindi yun ang natural niyang tulog. She was an at least 5 hours of sleep girl.

“Dagdagan mo ng concealer yang hickie mo sa leeg. The clients might not be as amused by it as I am.” Hagikgik ni Rachel habang nilampasan siya nito papasok sa sarili niyang kwarto at sinarado ang pinto.

Tumakbo si Sarah papasok ng banyo at chineck ang sinasabi ni Rachel, sure enough. Gerald Anderson had left his mark. Kala niya nalalampasan na ng mga tao ang pagmarka after college. Pero hindi si Gerald. Alam niya na dapat mainis siya, dahil ang hirap nito takpan. Pero may parte sakanya na natutuwa at gusto ito... 

~*~ 

Pagkatapos ng dalawang oras ay bumalik na si Sarah at dumiretso sa opisina ni Fred. Wala pa siyang bagong idea na ipipitch para sa mga clients na icoconference nila ng umagang yun. Umaasa siyang at least isa sa team niya ay may naisip. Pagpasok niya sa opisina, nandun si Gerald nakaupo sa isa sa mga upuan sa opisina ni Fred, na nakangisi sakanya.

“I like it,” Narinig niyang sabi ni Fred sa kapatid, halatang proud ito sa nagawa ng nakababatang kapatid. “I’m really impressed Gerald,  tingin ko perfect to for the clients. Gusto mo bang ikaw ang magpitch nito o ako nalang?” 

“Ako na,” Sagot ni Gerald, habang dahan dahang tumingin kay Sarah sa pinto, tinaas nito ang isa niyang kilay at binigyan siya ng malokong ngiti bago tumingin muli sa kapatid. “Gusto ko sana si Sarah ang tumulong sakin, sobrang laki ng naitulong niya sakin sa pitch na to. Di ko magagawa yan kung wala siya.” 

Umiling si Fred, “Sige ba, Sarah okay lang ba yun? Alam ko meron tayong Johnson account ngayon, pero kukunin ko nalang si Luis or si Nikki to cover for you …” Hinihintay ni Fred ang sagot ni Sarah. Tumingin si Sarah sa nakangising si Gerald at alam niya na kagad ang iniisip nito, bago tumingin ulit kay Fred. 

Give In To MeWhere stories live. Discover now