“Yung smile mo kaninang kasama natin sila, ang plastic. Hindi yun yung totoong smile mo. Anong problema mo?”

“Wala ‘to. Ikaw naman. Assuming ka lang,” thank God hindi na siya nagpumilit pa. yun ang kagandahan sa mga lalaki, hindi sila tsismoso.

Nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain. At nung oras na para sa ECON namin, he walks me to my class.

“Thanks sa lunch.” Nilibre niya kasi ako. Siguro kung sakanya ako lagi sasabay eh makakatipid ako. Hindi naman sa hindi ako nililibre ni Kai, pero kasi nahihiya ako. Di porke boyfriend ko siya, iaasa ko na lahat sakanya yung gastos. Dapat may contribution din yung girlfriend.

Pumasok ako sa room at agad akong inintriga ni Erin, tinanong niya bakit ko kasama si Baekhyun, baka sabunutan ako ni Jezreen. I told her she’s nowhere, may klase ito. And that’s when she stopped intriguing.

Maya maya’y dumating ang prof namin kaya umayos kami. Simulan noong naghiwalay kami ni Luhan, madalang nalang siyang pumasok sa subject na’to. Kung papasok man siya, sa dulo siya uupo. Hindi sa tabi ko.

Our professor told us that we’ll be having our project by pair. She’s telling us the mechanics nung pumasok sa room si Luhan. Our prof stopped discussing, of course to give way for this mighty gangster who happens to be my newest friend, and yeah, who happened to be my ex-‘yeah?’. To our surprise, he sat next to me, all we know he’ll go to the corner at doon magmukmok. Bago siya umupo, may nilagay siyang box ng cake sa desk ko.

“I know you were craving for a cake.” That’s what he said and he listened to our prof.  How did he know? Still dumbstruck, yeah, we’re friends pero kelangan may cake? I shrugged my shoulders at that thought, nahuli ko pang tinataas-baba ni Erin yung kilay niya at ngumingiti pa.

“Thanks.”

 

“So class, like what I’ve said, you’ll do your project by pair. Sorry to say but you can’t choose your own partner since I already paired you.” Lahat kami napadaing doon, siyempre gusto namin partner kami ng friends namin, paano nalang kung ma-partner kami sa tamad? Atleast diba kung kaibigan mo, may tiwala ka. “The pairings were based on your class standing, so meaning, yung rank 1, makakapareha niya yung last rank, para fair.”

Nasaan ang evenhandedness dun? Nako, prof ah?

He started announcing the pairs. Napag-alaman kong nasa rank 15 ako out of 36 students, buti nalang, yung makakapartner ko, kasing level din ng utak ko. Okay lang yun diba?

Yung top 1 namin si Luhan yung partner, si Erin (rank 2) partner niya yung classmate naming pala absent at talagang walang alam sa subject na’to.

“Dapat si kuya Luhan nalang yung partner ko.” Reklamo ni Erin, matalino naman daw si Luhan, actually mas matalino pa ito sa kanya kaya lang daw masyadong stress si Luhan sa girlfriend nito kaya ayun, napapabayaan.

 

“Frangeline and Yugyeom.” Napahinga ako ng maluwag when I knew who may partner is. Masipag si Yugyeom, kasama ito ni Mark sa got7 e.

“Okay class, you have to do documentation for your project. Also, your project will serve as your final exam.” Napahinga na kami ng maluwag buti nalang at ganun yung naisip ni prof, kung hindi baka nagroggy na ako sa dami ng requirements. “Any complains about your partner?” Maraming nagccomplain pero isa ang nangibabaw because this one complainant has the power to alter what’s going on here. Dahil lahat ng nandito, takot sa kanya.

“Sir, make Frangeline Jang my partner or I’ll whack your dumped laptop and smash your inno outside to pieces.” Banta ni Luhan, napantig ang tenga ko nung narinig ko yung pangalan ko. Ano ‘to?

Tumingala ako sa kanya, “Luhan, ano ba?” Lumunok siya. Tinapunan niya lang ako ng tingin at mataman niya ulit na tinitigan yung prof namin. Yep, he’s back to being a gangster. Ewan ko sakanya.

“Ayokong ka-grupo ang mga iyan.”

 

“What difference does it make?”

 

“You’re way too much different from them, Frangeline. Now, you’ll be my partner. Meet me at Café 7 to get started.” Sabi niya sa matigas na ingles. He left the room in silent. Dahil lahat takot sa ginawa niya. They know. Kung man may umangal sa desisyon niya, they’ll be dead. Everyone hushed.

Tumayo ako para sundan siya, “Sorry.” Sabi ko sakanila at saka na lumabas, tutal tapos na yung period namin sa ECON. Tumakbo ako para sundan siya, buti nalang at hindi pa siya nakakalayo. “Ano na naman yun, Luhan? We’re friends, isn’t? Bakit ganun pa yung pinapakita mo sakanila? Baka anong isipin nila!” For goodness’ sake, alam ng lahat na boyfriend ko si Kai, and they might misunderstood the situation.

“Wala akong pakialam sa sasabihin nila, Franj. And yes, we’re friends. But I want you back, baby.” Sabi niya saka na ako tinalikuran.

 -

9 votes=chapter30

365 Days with EXOWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu