16. Kidnap 2 ♡

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hahaha akala nyo ba sasaktan ko lang kayo. At akala nyo ba hindi ko alam na kayang kaya nyo kami, kahit dalawa lang kayo. Hindi ako tanga." sinenyasan nito ang isa sa mga kasama nito na naglabas ng videocam.

"Alam kong magkakaroon ng event sa C.U. At alam ko rin na may darating kayong mga bisita. Nabalitaan ko din na ayaw ni Mrs. Capili na masangkot sa gulo ang C.U. But how about this. Ang mga pinagkakatiwalaan nyang SG pa ang nasangkot at dudungis sa imahe ng eskwelahan nila. Diba exciting." tumawa pa ito ng malakas.

"You're insane." si Brena.

Napaatras ang babae ng tignan ito ng masama ni Ramos.

"Naiinis ako sayo babae ka. Napaka-arte mo. Pintasera at santa-santita." napasigaw si Brena ng hablutin ito ni Ramos.

"Dont touch-"

Napasigaw si Quincy at Brena ng bigla suntukin ni Ramos si Dylan, aktong gaganti sya ng...

"Nakalimutan ko bang sabihin sayo Santiago na ang video nayan ay awtomatikong nag-a-upload sa social media ko at lahat ng estudyante ng C.U ay naka tag, kapag lumaban ka sakin makikita ng buong C.U na basagulero rin ang president ng SG nila."

"Bitawan mo sya." kuyom ang kamao na sabi ni Dylan.

"Ano ako bale uunahin ko muna ito, maganda ka panaman Brena pwede ka narin."

Napasigaw si Brena ng aktong hahalikan sya ni Ramos.
Halik na hindi natuloy ng may pumailanlang na boses.

Boses na nagpahinto sa pagtibok ng puso ni Dylan.

"Shit! Sinong loko-loko ang humampas sa ulo ko." si Angela na unti-unting tumatayo habang nakahawak sa ulo.

Dylan want to go to her. Bakit ba kasi nagising ito kaagad, ngayon nakuha na ng babae ang pansin ng mga kalaban nila.

Bago pa man nya ito malapitan ay napatingin na rito si Ramos.

"Siya!" biglang sumigaw ang lalaking may hawak ng videocam ng makita si Angela. Ngayon lang nila na pansin na puro pasa at sugat ang mukha nito.

"Anong sya Danny?"

"Bossing sya yung babaeng sumapak na sumapak sakin kaya kami nabangga."

"Shit na." bulong ni Dylan ng biglang lapitan ng isa sa mga kasamahan ni Ramos si Angela at hilahin papalapit kay Ramos.

*****

Masakit ang ulo ni Angela ng magising. Nang imulat nya ang mga mata. Kitang-kita nya ang pagsuntok ng isang lalaki kay Dylan.

Naningkit ang mga mata nya.

Tumayo sya at nagsalita dahilan para mapunta ang pansin ng mga ito sa kanya.

Nakilala sya ng gagong nagdradrive ng kotseng bumangga sa kanila noon.

Pakaladkad syang inilapit ng isang lalaki sa harap ng lalaking sumuntok kay Dylan.

"So ikaw ang dahilan ng kung bakit nasira ang kotse ko." Si Ramos.

"Alin iyong panget na sasakyan mo? You must thank me dahil tinulungan pa kitang mapa- junk shop ang bulok mong sasakyan."

Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa sinabi nya. Sa pagkakaalala nya tinawag itong Ramos ni Gelo.

"Who are you?" tanong nito.

Hindi nya ito pinansin at napatingin kay Dylan bago kay Gelo.

"Where's Janice?" tanong nya.

"N-nakita ko syang nakatakbo Angela."si Quincy na nanlaki ang mga mata ng sambunutan sya ni Ramos. Hawak parin nito si Brena.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon