14. That Should Be Me ♡

143K 3.4K 581
                                    

Humihikab pa si Angela habang naglalakad pababa ng tree house.

Kasunod nya si Pachie.

Its 6:00 am. Maaga para sa gising ko, kayalang naman sya nagising ng ganitong oras ay dahil sa nilalang na five o'clock palang ay kumakatok na sa pinto ng tree house.

Wala tuloy syang nagawa kundi bumangon at maligo.

Ngayon nga naglalakad na sya sa garden papuntang sasakyan ni Dylan.

"What took you so long?"

Sa pagitan ng paghikab ay tinignan nya si Dylan. Nakaupo ito at si Brena sa mesang nasa hardin habang nag-aalmusal.

"Naglaro pa kami ng bato-bato pick ni Pachie kaya kami natagalan."

Ngumisi sya ng nagsalubong ang kilay ni Dylan. Pero ng dumako ang tingin nya sa mga labi ng binata automatic na napaiwas sya ng tingin.

"Good morning Angela." Brena said using her sweet voice.

Tinignan nya si Brena na gandang-gandang tignan sa suot na yellow dress.

"Hindi ko alam kung magiging good ang morning ko nakita kasi kita."she said.

"Angela."

"What?" she innocently look at Dylan.

"Its okay Dy." si Brena na humawak pa sa braso ng binata.

Nilayasan nya na ang dalawa, nakakasuya eh.

Walang emosyon ang mukha na naglakad sya papunta sa sasakyan ni Dylan na nakaparada sa tapat ng gate.

Narinig nya ang pag-usog ng upuan bago nya naramdaman ang kamay na humawak sa braso nya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Dylan.

Nilingon ko sya.

"Duh...saan pa di papasok. Kaya mo nga ako ginising ng maaga di ba?"

"nang hindi nag-aalmusal? Im sure hindi mo rin kinain iyong hinatid kong pagkain sayo kagabi."

Kinain nya pero syempre hindi nya sasabihin.

Tumaas ang isang kilay nya.

"Sa school na 'ko kakain ayaw ko kayang malate, magagalit si Ms. De Guzman sakin." She said sarcasticly.

"Sit down and eat your breakfast Angela."

"Ayoko nga ba't ba ang kulit mo?"

Sinamaan sya nito ng tingin.

"Really Dylan, bakit ba pati pagkain ko pinapakialaman mo?"

"Ah excuse me sir, Angela."

Napatingin silang dalawa ni Dylan kay Nana Regine .

"Nana." Bati nya na lumapit at yumakap rito.

"Naku ikaw na bata ka aalis ka na naman ng 'di kumakain." inabot nito sa kanya ang sandwhich at isang bote ng pomelo juice.

"Thanks po Nana.." Inabot na man nya iyon at nagsimulang kainin ang sandwhich, basta kapag ang Nana Regine nya ang naghanda lahat masarap.

"Papasok na ko ulit sa loob Angela, umiwas ka sa gulo."

"Hehehe susubukan ko Nana, gulo ang lumalapit sakin eh."

Iiling-iling na pumasok si Nana Regine sa loob.

Wala pang five minutes naubos nya na ang pagkain. Pati itong pomelo juice isang inuman lang ang ginawa nya. Grabe gutom na din pala sya.

"So kapag ako ang nagsabi hindi ka susunod."

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon