7. Medicine ♡

137K 3.7K 879
                                    

           ANGELA just stand like a statue for a moment.

           Hindi sya makapaniwala na yakap sya ngayon ni Dylan.

            Kakaibang kuryente ang nararamdaman niya habang nakayakap dito.

           She felt warmth... ng lalo pang isiksik ni Dylan ang mukha sa leeg nya.        
          Hindi nya maiwasan na umasa...  Umasa na ang lahat ay ayos na

           But then he asked. "Who are you?"
          Nanigas yata sya sa tanong nito.

        Naitulak nya ang binata, na hindi naman sya binitawan bagamat lumayo mula sa pagkakasubsob sa leeg nya.

     "Anong nangyayari sayo?"

     Matiim sya nitong tinignan bago inulit ang tanong. "Who are you?"

     Matabang syang tumawa.

     "Lakas ng tama mo Pre. Kung yan lang ang dahilan kung bakit mo ako kinaladkad dito aalis na ko, tsss...sinasayang mo lang oras ko."

     Pinilit nyang kumawala mula sa pagkakahapit nito. But his arms is remained where it was. In her waist.

     "Sino ka sa buhay ko?"

     Dumaan ang kirot sa asul na mga mata niya sa tanong na iyon Dylan.

     Gusto nyang isigaw rito ang sagot, gusto nyang yumakap dito ng mahigpit at sabihin dito kung ano sya sa buhay nito.

     Pero hindi niya magawa…hindi niya pwede gawin. Instead her eyes became cold again, sabay sabi na, "Bangag ka nga. Pero sasagutin ko ang tanong mo. I'am nothing to you. Tsss wala lang ako sa buhay mo... for now.”

     Tinitigan nya ito ng deretso.

     "Kung wala ka ng kailangan pwede bang bitawan mo na ako."

     Hindi parin ito bumitaw.

     "What happened to you?" he asked instead.

     "Ano ba to Q&A portion? Pwede ba Santiago. Kung wala kang matinong itatanong o sasabihin  aalis na ko." Sa pagkakataong iyon nagawa nyang makawala sa mga braso nito.

     Tumungo sya sa pinto.

     "Answer me damn it!" Sigaw nito na mabilis na nakalapit sa kanya at muli sya hinawakan.

     "Sumemplang ako sa motor!" Pasigaw din na sagot nya. "Ano okay na ba? Pwede na ba akong lumabas?"

     Nanlaki ang mga mata ni Dylan sa sinabi nya. "Sumemplang ka!" pinagmasdan nito ang katawan nya. "Sa parking lot nang first day mo muntik mo na kaming mabangga. Ngayon Sumemplang kana!" nabigla sya sa sunod na sinabi nito.   "You're not going to ride that motorcycle again Angela!”

     "Whoa, what? Did I heared you right? Wait nga Dylan. Who do you think you are para pag bawalan ako? Sino kaba ha?"
  
    "Just do what I said."

     Inis na hinablot nya palayo ang braso na hawak nito. Then she smirked. "Ama ko nga hindi ko sinusunod. Ikaw pa na di ko kaano-ano."

     Muli sya nito hinapit.

     "Susundin mo ko or else-"

      "Or else what? You're acting like my freaking boyfriend. Sabihin mo nga may gusto ka ba sakin Dylan?

     Bigla sya nitong binitawan. Tila ba isang latigo ang tanong nya na humampas dito.

     "In your dreams. You're not my type."

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon