October 8

120K 2.8K 377
                                    

Kinabukasan.

Hindi na nga sya binalikan ni Dylan kahapon at ayaw man nyang aminin nakaramdam sya ng disappointment nang di nya itong nakitang naghihintay sa kanya sa labas ng gate.

Tulad ng nakagawian nya kapag maaga syang dumadating, sa East Garden sya tumatambay.

Tahimik syang nagbabasa ng may aninong tumakip sa libro nya.

"Hi."

Natameme sya ng makilala ito.

Brent Santillian a Gang leader too at sinasabing rival ni Dylan sa lahat.

"H-hello."

Ngumiti ito.

Gwapo rin ang lalaki na nasa nya harap lalo na kapag nakangiti ito.

"You're pretty. No wonder halos bakuran ka nya."

"Ha?"

Ngiti ulit ang sagot nito saka naupo sa tabi nya.

"Im Brent Santillian ikaw si Angela Fuentebella."

Ngumiti sya at tumango.

Brent Santillian ay isa din sa kinakatakutan na leader.

Ngunit tulad kay Dylan, hindi sya nakakaramdaman ng takot dito.

Naupo ito roon at nakipag-usap sa kanya.

He is funny guy. Marami syang narinig na kwento dito.

Magaling din itong magpatawa, they are laughing nang may humawak sa kuwelyo nito. And the next thing she knew nakahiga na ito sa lupa.

Napatayo sya at napatingin kay Dylan na tila torong galit na galit. Lumapit pa ito kay Brent at binigyan ng sipa.

Si Brent naman kahit sinisipa nakangisi naman.

"Anong ginagawa mo?"

Tumakbo sya sa pagitan ng dalawa.

Muntik pa syang tamaan ng sipa ni Dylan buti nalang at nakapagpigil ito.

"Alis dyan Angela." Galit na sabi nito na masama parin ang tingin kay Brent na tumatayo na.

Umiling sya.

"No, anong ginagawa mo?"

"Man you are whipped." Sabi naman ni Brent sa likudan nya.

Nang lingunin nya ito, may nang-aasar na ngiti ito sa mga labi.

Bigla naman kinabig ni Dylan ang batok nya at hinila sya papalapit.

Sadsad sya sa dibdib nito.
Patuloy parin nitong tinitignan ng matalim si Brent.

"Relaks Dylan, gusto ko lang naman sya makita at makilala, na curious lang ako kung bakit ang isang tulad mo ay nababaliw sa kanya. And now i know why." Tinignan sya nito at kinindatan. "At napag-isip isip ko, parang gusto ko rin nang tulad nya."

"Gago! Dont you dare touch her again! Dahil sisiguraduhin ko na buburahin kita dito Santillian."

Nakakatakot. Iyan ang nararamdaman nya habang nakatingin kay Dylan.

Itim na itim ang mga mata nito.

Siguro nga kung hindi sya hawak nito malamang sinugod na nito ulit si Brent.

Tumawa si Brent.

"Then batayan mo. Baka makalusot ako magising ka nalang ako na ang may hawak sa kanya."

"Dylan." Niyakap nya ito ng umakto itong susugudin si Brent na naglalakad paalis.

Nagpapigil naman ito ngunit nagulat sya ng hawakan sya nito ng mahigpit sa balikat.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Where stories live. Discover now