S.C 4

102K 2.2K 201
                                    

Para sayo Gen RD ;) salamat sa mga like at pagbabasa thank you bhe😊.

note: iyong couple sa video hindi sila si Dylan at Angela hahahaha iyong song lang habol ko.

Basta kayo po ang bahala sa kung sino ang gusto nyong isipin na gumaganap.

Okay? 😉

*****

Palihim kong pinagmasdan ang limang kalalakihan na palihim din akong sinusundan.

Nasa sa mall ako ngayon dahil naiinip ako sa paghihintay na umuwi si Dylan na nasa office.

Limang buwan na ang tyan ko at mas malaki ito kesa sa normal na size ng limang buwang gulang na pagdadalantao.

Buti na lang sanay ang katawan ko sa trabaho at ehersisyo kaya hindi ako nahihirapan na kumilos.

Gusto kong kumain ng blueberry cheese cake. Ayaw ko naman abalahin ang asawa ko at ang mga D&A dahil alam kong busy sila. Kaya heto ako ngayon.

Alam kong may balak na hindi maganda ang limang lalaking ito sa akin.

Kung hindi lang ako buntis ako pa mismo ang lalapit sa kanila.

Pero sinaalang-alang ko ang dinadala ko kaya naglakad ako palayo sa kanila.

Bumili lang ako ng dapat kong bilhin bago ako naglakad palabas ng mall.

Malapit na ako sa entrance ng may umakbay sa akin.

"Ituloy mo lang ang paglalakad kung ayaw mong suntukin ko iyang tyan mo." Babala ng lalaki.

Hindi naman ako umimik naglakad lang.

Palihim kong pinindot ang maliit na button na nasa suot kong relos.

"Lumayo ka ng konti amoy putok ka." Dahil hindi ako makalaban sa pang-aasar na lang ako babawi.

"Anong-."

"Hindi ka naman bulag diba. Sasama ako kung saan kayo pupunta. Do you think na makakatakbo ako. Sa laki ng tyan kong ito."

"Tumahimik ka kundi talagang sasaktan kita. Hindi mo naman siguro gugustuhin na mawalan ng anak."

Tinignan ko sya.

Tinging malamig.

"Do it. At talagang magkakagulo tayo. Gusto mo pa naman mabuhay diba?"I said gamit ang tono nya kanina.

Bahagyang lumayo sa akin ang lalaki, bakas ang bahagyang takot sa kanyang mukha.

"Tsss." Ako saka pinagpatuloy ang paglalakad.

Sa basement nila ako dinala.

"Sakay dali!" Tinulak ako ng isa pang lalaki papunta sa isang itim na Van.

Tinignan ko sya.

"Isa pang tulak mo babaliin ko iyang leeg mo." Mahinahon kong sabi.

Hindi tulad ng isa, hindi madaling masindak itong kaharap ko.

Hinawakan nya ako ng mariin sa braso.

"Hoy babae, gusto ko lang ipaintindi sayo na bihag ka namin. Hawak namin ang buhay mo at nyang anak mo! Inisin mo ako at titiyakin ko sayo na dito palang masasaktan ka na!"

Kapag buntis madaling mag-init ang ulo. Hindi yata nila alam iyon.

Naiinis na ako kaya iyong lalaking nagsalita sinuntok ko na.
Bali ang buto at sargo ang dugo na napahawak sya duon.

Bumunot ng baril ang isa pero bago nya pa mapaputok iyon, nakuha ko na at itinutok sa kanya.

Apat na baril ang tumutok sa akin.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon