Two Hours More - Twelve - Day 76 - 86

Start from the beginning
                                    

Sixth day.

"Manang, sabihin nyo na po, nasaan po ba sila? Kailangan ko lang po talagang makausap si Hiro."

"Bilin kasi sa akin na ‘wag ko daw sasabihin kung nasan sila."

"Kahit po sa akin?"

"Sa inyo nga po ‘yong pinakamahigpit na bilin na ‘wag kong sabi---" Naputol sa pagsasalita sa Manang. Nadulas ata s’ya sa tungkol sa "pinakamahigpit na bilin" na ‘yon. "Sige na hija, mag-ingat ka pauwi."

Seventh day.

One week ago, sinimulan ko ‘tong gulo na to sa’min ni Hiro. Kasalanan ko ‘to lahat. Ngayon tuloy, hindi ko s’ya mahagilap. Tapos mahigpit bang bilin na ‘wag ipaalam sa’kin kung nasan sila. Bakit? Ito na ba ‘yong parusa ko?

Sa araw na rin na ito, namatay si Hiro.

Yung hamster namin. Sobrang lungkot ko talaga. Iyak ako ng iyak kasi bigay sa’kin ni Hiro ‘yon. Regalo n’ya sa’kin ‘yon noong birthday ko. Inaalagaan ko naman ‘yon ng maayos a.

Eight day.

I talked to Dad.

Ninth day.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Dad kagabi, ngayon ko lang naisipang isama na rin sa sulat ang naging bunga ng pag-uusap namin na ‘yon.

Inilagay ko sa ika-anin na talata ng sulat ko ang tungkol dito. Sigurado akong hindi lang ako magiging masaya dahil don, kundi s’ya din.

Quote:

"Hiro, don't forget our date tomorrow. Di ba promise ko sa’yo ‘yon last time? See you!"

Kasunod no’n ay itinext ko rin sa kanya ang lugar at oras ng pagkikita namin. Sana talaga pumunta s’ya.

Tenth day.

Sampung araw na ang nakakaraan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin s’ya nagpaparamdam. Kahit sa text, o tawag. Hindi ko maiwasan ang mag-aalala. Sana naman ay ayos lang sila.

Hawak ko ngayon ang sulat ko para sa kanya. Kailan ko kaya ito mabibigay? Kailan n’ya ba ito kailangan? Ang sabi n’ya sa akin noon ay 'malapit na'. Sana dumating na ang 'malapit na' na ‘yon para makita ko na s’ya.

8:12pm

"Hello, Jam? Bakit wala ka sa bahay? Nasan ka? Gabi na a."

"Don't worry ayos lang ako..."

"Ayos lang? Pero naiiyak ka? Nasan ka, pupuntahan kita!"

"Migs, ‘wag na. Basta ayos lang ako." Binaba ko na ang telepono. Baka kasi malowbat pa ito ay hindi ko matanggap ang text o tawag ni Hiro. Baka naman kasi napapa’no lang s’ya kaya wala pa rin s’ya hanggang ngayon. Mga dalawang oras na rin akong naghihintay pero dito lang ako, alam kong dadating s’ya.

Quote:

"Uy Migs, ‘wag ka ng tumawag please, baka malowbat ako e. Please..."

"Sabihin mo lang sa’kin kung nasan ka. Okay sige, ‘di kita pupuntahan kung ayaw mo, pero gusto ko lang alam ko. Promise ‘yan."

Sinabi ko kung nasa’n ako, para matahimik na s’ya, dahil hindi s’ya titigil. Baka malowbat ang phone ko sa kakatext n’ya. Hindi pwede ‘yon.

"Magna-nine na," bulong ng isip ko pagkatingin ko sa relo ko. Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng text kay Hiro. Nang nakita ko pa lang ang pangalan n’ya ay halos lumundag na ‘ko sa tuwa. Sa wakas!

Quote:

"I'm sorry princess, nandyan ka pa ba? Sorry, hindi agad kita nasabihan. Emergency lang.. Ingat ka pauwi. Please ask Miguel to drive you home."

Napalitan ng luha ang saya ko kanina. Tinawagan ko agad si Hiro pagkabasa ko ng text n’ya.

"Hiro, okay ka lang ba? Pupuntahan kita nasa’n ka?"

"Please, ‘wag kang umiyak. Ayos lang ako. Emergency lang talaga. Nasabihan mo na ba si Miguel?"

"May sakit ka ba? Bakit ganyan ang boses mo? Pupuntahan kita, Hiro naman..."

"I love you."

"Hiro, nasa’n ka kasi ---"

And as expected, namatay na naman ang telepono ko. Dapat kasi ginamit ko na ‘yong bigay sa’kin ni Dad na bagong phone e. Tapos tinabi ko na lang to sa bahay... E ‘di sana sa pagkakataong ganito, maayos ang lahat.

Lumabas na akong maiyak-iyak sa restaurant na ito. Nagulat ako nang nakita ko ang kotse ni Migs sa tapat.

"Baka busy lang Jam. Hindi naman gagawin ni Hiro ‘to kung walang dahilan. ‘Wag ka ng umiyak."

"Emergency daw..." Pinapawi n’ya ang luha kong walang tigil sa pagpatak.

"Don't worry.. Okay lang s’ya."

"Sana..."

Day 86 Sunday 

"Lord, kayo na po ang bahala. Alam kong walang makakapantay sa plano N’yo na meron Kayo para sa amin. Ang panalangin ko lang po, please keep Hiro safe. Pati po Daddy n’ya kung nasan man sila. Sana ayos lang sila… Sana po talaga…" 

This was the prayer I uttered while we're at the church. Special prayer ko this Sunday ang kalagayan nila Hiro. Hindi ko alam kung nasan sila, o anong nangyayari sa kanila, pero sana ayos lang ang lahat.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now