Two Hours More - Ten - Day 64-68

Start from the beginning
                                    

Pinawi n’ya ang luha ko. “Makakahinga ko ng maluwag if you would. Sige na, for me. Please…”

“E, ano ba kasi ‘yon?”

“Gusto ko lang magpromise ka, bakit?”

“E bakit kasi may ganon pa?”

Lalo atang lumakas ang hikbi ko. Ano bang nangyayari sa’kin? Nago-overreact naman ata ako masyado.

“Sige na nga, hindi na. Sorry.” Binigyan n’ya ko ng malungkot na ngiti. Para saan ba ang lahat ng ito? Bakit s’ya nagkakaganyan? “Sige ito na lang.”

“Teka, Hiro…” He knelt in front of me while still holding my hand, as if proposing for a wedding. “Ano bang ginagawa mo?” Napapalingon ako sa paligid dahil baka may nakakakita sa amin. Mabuti’t wala naman.

“You’re the reason why I still believe in love, Princess. Akala ko dati masasaktan na lang lagi ako dahil dito e. Kaya okay lang ba? Kahit hanggang ganito na lang, tuparin naman natin ‘yong pangarap ko.” Nakita kong pumatak ang luha n’ya habang natatawa. Kahit hanggang ganito na lang? Pwede namang maging totoo ito a, bakit, hindi ba? In time, magiging totoo ito. “Ang corny ko, alam ko, pero Princess, let’s just pretend for a while. W-will you… marry me?” Kumawala muli ang luha n’ya. Pati na rin ang sa akin.

Hiro, we don’t have to pretend. Everything between us is real. Hindi ko man nasasabi ang nararamdaman ko, pero totoo lahat ito.

Pero bakit ba parang nakakaramdam ako ng takot dahil dito? Takot na para bang ano mang oras ay iiwan n’ya ko? Kahit alam kong hindi naman. Hindi mo ko iiwan, alam ko. Huwag…

Hiro, hindi ko kaya kung mawawala ka.

Hiro, hindi ko kaya kung mawawala ka.

Hiro, hindi ko kaya kung mawawala ka.

“Hiro, hindi ko kaya kung mawawala ka…” Habang naluluha, nakita kong gumuhit ang ngiti sa labi n’ya. “Yes, I’ll marry you. Kahit ganito lang muna. Kahit ganito lang muna let’s make our dreams happen.”

Mula sa pagkakaluhod ay tumayo s’ya, at niyakap ako.

“Totoo ba ‘to?” Sabi n’ya sa pagitan ng mga hikbi.

“Hmm…” Oo.

“Ang tagal kong hinintay to, baby.” Kahit naman ako. Hinawakan n’ya ang mga pisngi ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. “Mahal na mahal kita, Princess.”

My world suddenly stopped. And this is it. This is the part where I’m supposed to tell him I love him too. The whole church went black and white. My heart then started to stop beating. Even my breathing started to go slow. I’m almost there… I can do it! I’m not going to hold back… I can do it! One. Two.

“And I love you more, Hiro. Mahal na mahal din kita...” I burst into tears. S’ya rin. Nakita ko sa kanya ang kasiyahan at niyakap n’ya muli ako. Akala ko hindi ko na kayang sabihin. Sana pala noon pa lang nasabi ko na ito. Sana noon pa. Pakiramdam ko ang daming nasayang na pagkakataon. Pero siguro, parte na lang ‘yon ng kahapon. Ang importante ay ‘yong ngayon. At ngayon, wala ng mas liligaya pa sa aming dalawa.

Nang hapon na iyon, ginanap ang munting kasalang Hiro at Jam. Kahit ganito lang muna.

 

“Baby, this ring is a sign of my never ending love for you. I’m thankful of having you, always remember that. My Princess, now my Queen, I promise to be with you every second, minute, hour of your life because my love will never leave you. I’m yours forever. I love you until my last breath.”

“My Hiro, I’m sorry for not being fearless. But thank you for teaching me how to be brave. I have always believed and trusted your love, and I know for sure that you’ll always be mine. And yes Hiro, take me as I am. I am yours too, forever. Until God puts me to rest, I will never stop loving you.”

One day, we’ll be in this church again. Maraming tao. Nandito si Daddy, si Migs; ang Daddy n’ya, si Niko. May pari, may sakristan, nandyan ang choir na binubuo ng mga batang tinuturuan n’ya, basta! One day…

Obviously, he planned this all. Now we’re wearing our “wedding” rings. Wala pa rin akong idea sa lahat ng nangyayari. Pero katulad ng ginagawa ko na mula noon, magtitiwala lang ako sa kanya at sa pag-ibig n’ya.

I never imagine saying this to Hiro would be this amazing. Maaaring handa akong sundin ang gusto ng Daddy ko. Pero siguro, wala namang masama kung susundin ko rin ang gusto ng puso ko. Ang sabihing mahal ko s’ya. Kahit hanggang dun lang muna kami sa ngayon.

“I love you Hiro…” I gave him a kiss on the cheeks as we walk out of the church. I saw him smile.

“I love you too forever, Princess.” And he gave me a kiss on my forehead.

Day 67 Tuesday

“Maaga ka pa pala sa school bukas no? Pero wait lang baby, mamaya ka pala muna matulog.” Sa takot ko na lang na maputol na naman basta-basta ang tawag n’ya, itong cellphone ko, naka-charge na habang kausap ko si Hiro.

“Oo e.. Bakit? Anong meron?”

“Sensya talaga baby. Mamaya pala muna. May sasabihin ako e.”

“O, ano ‘yon?”

“Pwedeng humingi ng favor?”

“Ano nga ‘yon?”

“Sulatan mo ‘ko.”

“Ano?!”

“Basta sulatan mo ko ha. Bigay mo na lang... Hmm... Basta, maibibigay at maibibigay mo rin ‘yon. Ha? Thank you baby! Susulat din ako para sa’yo, promise.”

“E, bakit tayo magsusulatan?” Napapatawa ako sa napag-iisip ng taong to. “Pakulo mo na naman d’yan.”

“Basta, sige na. Ha? Please? Please?” Natatawa rin s’ya sa pinaggagawa n’ya.

“O sige. Pero.. ‘Wag mo kukunin agad ha. Hanap pa ko ng time for that.”

“Sure. Basta by the time na kailangan ko na ‘yon sigurado naman ako na tapos mo na siguro ‘yon no?”

“Hmm… Siguro naman. Kailan mo ba kailangan?”

“Hindi ko alam. Pero feeling ko malapit na.”

“Panong ‘di mo alam e ikaw nga ang nagpapagawa?”

“Basta, baby. Basta. Tatapusin mo agad ha.”

“Oo na nga.” Napahikab ako pagkatapos kong makasagot sa kanya. “Hiro… ‘Di ko na kaya talaga. Sorry. Tulog na talaga ko, ha?”

“Ay, yes baby. Sorry!! Oo nga pala. Sige na, tulog ka na. I love you baby.”

“Bukas na lang ulit.” Napapangiti ako sa susunod kong sasabihin. Ang sarap pala nito sa pakiramdam. “I love you too, Hiro.”

Day 68 Wednesday

Basta para kay Hiro, hahanap at hahanap talaga ko ng oras para sa kanya. Minsan lang s’ya humingi ng favor kaya, aayusin ko talaga to. Gagawin kong malaman ang sulat na ito. Ilalagay ko dito lahat ng bagay na sigurado akong hindi n’ya pa alam. Dapat ngingiti s’ya dahil sa mababasa n’ya.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now