IV: WHATEVER WILL BE, WILL BE

2.3K 177 8
                                    

Follow me in my other social media accounts:

- Facebook Account: Marple Dame

- Facebook Group: MARPLE DAME Stories

- Facebook Page: Yours Truly by Lady On The Next Cubicle

See ya!

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

Kinaumagahan ay tahimik na nilingon ni Naomi ang grupo nila Hunter sa likuran. Maingay ang mga itong nagkukuwentuhan at nagtatawanan kasama ang iilan nilang kaklase. Napabuntong-hininga siya. 'Ang mahal pala no'ng bola na sinira ko. 5,200! Tapos, basta-basta ko lang binutas.' Tinitigan niya ang nakangiting si Hunter. 'Siya dapat ang magalit ng husto. Hindi ako.'

'At kelan ka pa nakonsensiya?' saad ng utak niya.

'Eh kasi naman, aksidente lang naman talaga ang nangyari.'

'Hindi sinasadya? Nakapag-absent ka nga ng dalawang-araw dahil lumubo mukha mo.' Pamimilit pa ng utak niya.

'Oo nga 'no?'

'Wag kang marupok! Di dahil gwapo siya, bibigay ka na!'

'Gwapo?'

'Eyses~ deny ka pa. Lakas nga nang tibok ng puso kapag malapit siya, e!'

Naalala niya ang s-ina-ign language ni Hope no'ng isang gabi: 'Crush mo 'yong Hunter na 'yon, ate?'

Napailing na lang siya at nasapo ang noo. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Naomi?"

Pumasok si Ms. Sarah sa classroom. "Upo na mga kampon ng demonyo!" Pumuwesto ang guro sa harapan. Nagbukas agad ito ng class record. "Ah, bago ko makalimutan. Hunter?" Tinanaw nito ang binata sa likod. "You are excused." Itinaas nito ang papel mula sa Supreme Student Council. "May practice kayo para sa Valentine's Day Activity?"

"Ay iba!" Tinapunan ni Austin ng balat ng candy si Hunter. "Excuse sa mga assignments ang loko!"

"Haha!" tawa ni Hunter sabay tapik sa pisngi ni Austin. "Kung kasing gwapo ko ikaw, kasama sana tayo."

"P*k you!"

Sinundan ni Naomi ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng classroom. Itinuon na lang niya uli ang atensiyon sa blackboard nang magsimula na si Ms. Sarah sa klase.

Nang mag-recess at matapos kainin ang early lunch niya, napagdesisyunang mag-aral ni Naomi ng El Filibusterismo. Parang nakabitin 'ata ang grado niya dahil sa dalawampung tanong kahapon sa quiz nila, apat lang ang nasagutan niya nang tama. Okay naman ang marka niya sa English at Physics pero ba't ganoon? Sa sariling wika na panuntunin, kulelat siya?

'Ang lalalim ba naman kasi ng tagalog ni Rizal?' Lumapit siya sa librarian at nagtanong kung saan makikita ang mga gawa ni Rizal. Baka sakaling may simpleng edition ang El Fili na mabilis lang niya maintindihan.

'Bakit hindi ka na lang mahimbing na sumakabilang-buhay, Rizal? Ba't ang hilig mong pahirapan ang mga kabataan na tulad ko. Paano kami nito maging pag-asa ng bayan kung hindi kami ga-graduate dahil bagsak sa subject mo.'

Nang makakuha ng simplified version ng El Filibusterismo ay umupo siya sa upuan malapit sa bintana. Tumingin siya sa wall clock. 'May 10 mins. pa akong hanapin ang teksto namin mamaya.'

Agad niyang isinubsobang isipan sa libro.


Sa basketball court, abala ang ilang miyembro ng Student Council sa pag-aayos sa interior nang improvised na simbahan para sa wedding booth. Habang nagmamando si Zaina kung saan ang mga lalake pupwesto at maglalakad, nakatuon naman ang atensiyon ni Hunter sa bintana ng ikalawang palapag ng school building.

Fortune Cookies (A Novelette)Where stories live. Discover now