I: THE UNCANNY ENCOUNTER

6K 269 10
                                    

Follow me in my other social media accounts:

- Facebook Account: Marple Dame & Marple Dame II

- Facebook Group: MARPLE DAME Stories

- Facebook Page: Yours Truly by Lady On The Next Cubicle

See ya!

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

"AH, GANO'N! Ngayon kasalanan ko na naman kung bakit tayo naputulan ng kuryente? Kung di ka sana nag-walwal kahapon at kompletong dini-declare 'yang sahod mo sa 'kin, 'di sana'y nakakapanood na tayo ng pang-umagang balita! Aba! Gregorio, hanggang kailan mo ba balak maging ganiyan?"

Nababagot na dinilat ni Naomi ang mga mata. Di pa nga nagsisimula ang araw ay pagod na siyang bumangon sa kaniyang kama. Nilingon niya ang pintuan kung saan dinig na dinig niya ang pagdadabog ng ina sa kusina.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Nakasanayan na kasi niyang maging alarm clock ang maaga at malakas na pagtatalak nito.

Nilingon niya ang sariling repliksyon sa salamin. 'Ano'ng bago?'

Binalingan niya ang mga ibong naghaharutan sa may bintana. "Tsk. Umalis kayo! Mapupuno na naman ng dumi niyo ang bintana ko!" Kinuha niya ang unan at ibinato iyon dahilan para magsiliparan ang mga ito.

Bumuntong-hininga uli siya sabay bagsak ng katawan sa kama.

'Ganito nalang ba tuwing umaga?'

Bagong ligo at nakapagbihis na ng uniporme si Naomi nang bumaba sa hagdan.

Nakita niya sa hapag-kainan ang amang tahimik na nagbabasa ng dyaryo habang may kagat na toast sa bibig. Nasa kaliwa naman nito ang may hearing-impairment niyang kapatid na si Hope.

Nang makita siya'y agad ngumiti ang nakababata niyang kapatid at binati siya gamit ang sign language, 'Good morning, ate!'

Pilit siyang ngumiti. "Good morning, Hope."

At, tulad ng pangalan nito'y tanging ang kapatid lang 'ata ang nagsisilbing pag-asa ng magulo nilang pamilya.

Umupo siya sa tapat nito at kumuha ng toast para lagyan ng sunny-side up na itlog.

"Kayo..." wika ng ina niyang si Lumen na kalalabas lang mula sa kusina. May dala itong platong naglalaman ng lutong beef loaf. "Naputulan tayo ng kuryente kaya magdusa muna tayo sa kandila at pamaypay mamaya."

"Aysh, Lumen naman!" Nahahapong nilingon ni Gregorio ang asawa. "Magbabayad nga ako mamaya. Ang ingay mo naman!"

"Ah! At ako pa ngayon ang maingay?" Nameywang ang maybahay. "Sige nga. Sa tingin mo, bakit kaya ako nagtatatalak ngayon, ha?"

Kinagat ni Naomi ang toast na para bang walang World War III na nagaganap sa harap niya. Habang ngumunguya, napaangat ang tingin niya sa kapatid na parang wala lang din at patuloy pa rin sa pagkain. Sa tamis ng mga ngiti ni Hope, parang mas marami pa yata itong nakikitang positibo sa mundo kaysa sa kaniyang maayos ang kalagayan ng katawan.

"HAY! SANA HINDI NALANG IKAW ANG PINAKASALAN KO!" singhal ng ginang sa asawa.

"HOY! ANG MALAS KO RIN SA 'YO!" sagot naman ng ama nila.

"Okay!" Inisang lagok ni Naomi ang gatas sa baso. "Mauna na po kami," saad niya kahit 'di naman siya naririnig dahil sa mga nagtataasang boses ng mga ito. "Halika ka na, Hope!" aya niya sa kapatid na kumaway pa sa mga magulang.

Fortune Cookies (A Novelette)Where stories live. Discover now