II: WHEN IT HITS JUST RIGHT

2.4K 182 5
                                    

Follow me in my other social media accounts:

- Facebook Account: Marple Dame

- Facebook Group: MARPLE DAME Stories

- Facebook Page: Yours Truly by Lady On The Next Cubicle

See ya!

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

Nakayukong pumasok si Naomi sa maingay nilang classroom at umupo sa upuang kaharap mismo ang lamesa ng guro nila.

Noon pa may doon na talaga ang puwesto niya. Para sa kaniya, maganda ang posisyong iyon dahil dinig na dinig  niya ang turo ng guro at walang nagtatangkang kausapin siya.

Isa pa hindi siya madi-distract sa mga pinaggagawa ng mga kaklase niya sa likod.

Nilabas niya ang notebook at ballpen.

Malapit nang matapos ang school year pero hindi pa niya memoryado lahat ng pangalan ng mga kaklase niya. 'Di na rin siya nag-abala pa.

Samantala, kakapasok pa lamang nina Hunter, Chad, at Austin sa classroom.

"Akalain mo 'yun, Hunter..." Siniko ni Chad sa may tagiliran si Hunter. "Si Zaina na talaga lumapit sa'yo!"

Nagtungo ang tatlo sa likod kung saan magkakatabi ang kanilang mga silya.

"So?" Isinabit ni Hunter ang bag nito niya sa sandalan ng upuan niya at umupo.

"Anong 'so'?" Umupo si Austin sa arm rest ng upuan ni Hunter. "It's Zaina, 'tol. Ang pinakamagandang babae sa school natin!"

"Oo, maganda siya..." Kinamot ni Hunter ang noo. "Ibig kong sabihin... kahit anong pilit niyo sa 'kin, 'di ako sasali sa power-trip niyong i-devirginized ang mga sarili." Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at binuksan ang isang mobile game.

"Bakla 'ata 'to, 'no?" Baling ni Chad kay Austin.

"Nananayo balahibo namin sa 'yo, Hunter," ani Austin. "Baka kasi... isa sa amin ni Chad ang trip mo?"

Nakakalokong ngumisi siya sa dalawang kaibigan. "Actually..."

"Pakyu!!!" Tumatawang pinagsisipa ng mga ito ang silya niya.

"Ang iingay ng mga anak ni Satanas!!!" Inihambalos ng teacher nilang si Madame Sarah ang class record nito sa pinto para patahimikin sila. "Upo na, upo!"

Hunter, Chad, and Austin occupied three chairs on the last row.

While their teacher is writing on the blackboard, Hunter can't help but notice the messy hair of the girl sitting on the first chair of the column he belonged to. 'Huh? May nakaupo pala riyan?'

Dahil nakatalikod ang babae, tanging ballpen lang nito na may sticker ng PowerPuff Girls ang nakikita niya. Binalingan niya ang katabi sa kanan. "Chad..."

"Oh?" Nakatutok ang mga mata nito sa hawak na cellphone.

"Sino 'yang babaeng nakaupo sa harapan ng mesa ni Ms. Sarah?" Inginuso niya ang direksyon sa harap.

"Huh?" Nag-angat ito ng tingin at tiningnan ang tinuran niya. "Ah... si Sandoval?"

"Sandoval?" Nagtatakang nilingon niya kaibigan. "We have a classmate with that surname?"

"Wag ka nang magtaka." Niyuko uli nito ang gadget. "Para siyang multo kasi. 'Di mo mararamdaman ang presensiya niya kung 'di siya mismo ang magpaparamdam. Ewan ko... she's weird."

Fortune Cookies (A Novelette)Where stories live. Discover now