III: THAT STRANGE FEELING

2.2K 171 10
                                    

Follow me in my other social media accounts:

- Facebook Account: Marple Dame

- Facebook Group: MARPLE DAME Stories

- Facebook Page: Yours Truly by Lady On The Next Cubicle

See ya!

🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠🥠

Agad umalsa ang inis sa dibdib ni Naomi nang makita ang chinitong kaklase. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Lumabas siya.

Napa-sign of the cross si Lumen sa kapangahasan ng anak na lumabas na ganoon ang itsura. "Diyos ko, Naomi!" Mabilis nitong hinubad ang apron na suot at pinulupot sa beywang ni Naomi para takpan ang ibabang bahagi nito. Siya ang natatakot sa kinabukasan ng anak kung ganito ito humarap sa mga tao. "Naomi... nako!!! Mahiya ka!"

Pero hindi ito pinansin ni Naomi. Hinawi pa niya ang apron at naglakad papalapit sa gate.

"Naomi! Hoy!" Paimpit na dabog ni Lumen sa may pintuan at nahila ang buhok pataas sa inis. "Wala ka talagang hiya sa katawan mo, jusme!!! Bumalik ka rito sa loob!!!"

Hinarap ni Naomi si Hunter na tanging gate lang ang nakapagitan sa kanila.

Not intimidated by her, Hunter's smile never wavered. "Didn't see you in class thrice now. I am just a concerned classmate."

Nangangati ang kamao niyang huwag isapak dito. "Wag kang OA."

Hunter lends his notebooks across the gate, ignoring her tirades. "The blue one is Trigonometry. Inside the white notebook are our activities on different subjects."

Tiningnan lang niya ang mga iyon. Then, Hunter's next question made her raise her gaze to him.

"Okay ka na ba?"

Tumaas ang isang kilay ni Naomi. 'Nag-aalala ba talaga 'to?'

Dahil kasintaas lang ng dibdib ni Hunter ang gate nila, walang kaabog-abog na inabot nito ang pisngi niya. His fingers gently rubbed the inflamed part. "I'm so sorry, Naomi."

Her eyes look at his hand on her cheek.

It was... warm.

"Naomi!" Paimpit pero matigas na tawag ng ina niya ang siyang nagpabalik ng kaniyang huwisyo. "Magbihis ka sabi!"

Iniwas niya ang mukha sa nakakahalinang kamay ng binata. "Umalis ka na."

"Please..." he pleaded. "Please... just accept my notes. I really felt bad about what happened. I know you are embarrassed because of your face— I mean, your pretty but..." Nasapak nalang nito ang noo dahil sa sinabi. "Shit..."

Napabuntong-hininga na lang si Naomi at hinablot rito ang mga notebook. "Wala akong pakialam kong pangit ako at hindi ko ikinakahiya iyon. Pinagbawalan lang ako ng doctor na lumabas muna."

Despite her irritation, she can sense genuine repent on his voice. Tsaka, hinanap talaga nito ang bahay nila para dito. What she can do is at least return the favor. "Di ka na sana nag-abala pa, papasok naman ako bukas o sa makalawa."

Like an obedient puppy, Hunter nods. "G-Glad to hear it that."

"Umuwi ka na." Tumalikod na siya at pumasok sa bahay.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Lumen sa dalawang teenager. "Naomi, hindi mo man lang ba papapasukin ang kaibigan mo? May juice at cupcake naman tayo—"

Fortune Cookies (A Novelette)Where stories live. Discover now