Chapter 7: That warm embrace

Magsimula sa umpisa
                                    

Sino ba yung gagong yun? Sinong nagsabing may karapatan siyang yakapin yung prinsesa ko?

Eh ano ngayon kung apo siya ng Supermall tycoon?

Nakita ko na lang ang sarili ko sa tapat ng dressing room niya.

Nakalabas na yung bodyguard, P.A. t mga stylist niya, silang dalawa na lang ni Ate Anna yung nasa loob. Palabas na rin sila ng kwarto nang masalubong ko sila. Napabalik siya sa loob pagkakita sa akin habang si Ate Anna ay nagtuloy sa paglabas.

Ate Anna: Beh, sumunod ka na lang dun sa sasakyan.

Sarah: Ate---

Ate Anna: Kausapin mo na, sige na... (At dire-diretso na nga itong umalis).

 

I closed the door and lock it.

I saw the flowers I gave in the corner of the room and she’s planning to just leave it there.

Ang sakit lang malaman kung anong ginagawa niya sa mga ipinapadala ko sa kanya.

Sarah: Ano na naman bang kailangan mo sa akin?

Matt: I saw the pictures just today... (Panimula ko) Care to explain what those pictures are all about?

Sarah: Wala akong kailangan na i-explain na kahit ano sa’yo! Aalis nako...

Akmang aalis na ito kaya’t hinawakan ko ang braso nito para pigilan siya.

---------------------------------------------------

Sarah’s POV

Mixed emotions. ‘Yan ang naramdaman ko nung nakita ko siya.

Andun pa rin yun sakit... Parang nanariwa yung sugat.

Pero sobrang na-miss ko din siya. Ibang-iba na ng itsura nito. His curly hair is already few inches long.

I can see that he hasn’t shaved for so long na rin. Parang gusto kong maawa sa itsura nito, mukhang napapabayaan na nito ang sarili.

Nang maglakad na ako paalis sa dressing room ay pinigilan ako nito. Pinigilan niya yung braso ko. Hindi ko malaman pero parang may kuryenteng dumaloy sa balat ko nung hinawakan niya.

Ganito pa rin pala ang epekto niya sa akin sa kabila ng lahat...

Sarah: Utang na loob naman Matt... Hayaan mo na ako.

Matt: Sarah, I’m not kidding when I said that I’ll do anything just to have you back.

Sarah: Nababaliw ka na talaga... Tapos na nga ‘di ba?

Matt: Alam kong hindi pa. Nanliligaw ba sa’yo yung gagong yun?

Sarah: Watch your words, Matt! May pangalan yung tao and his name is Jeremy.

 

I know his look when he’s jealous and it’s so evident in his face right now.

Lock & Luck (A futuristic reality...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon