Chapter 18: Butterfly Kisses

5.2K 124 60
                                    


Author's Note: Play Bob Carlisle's "Butterfly kisses" video above while reading the story.





Let's get it from Daddy D's POV...



There are two things I know for sure

She was sent here from heaven

And she's Daddy's little girl

As I drop to my knees by her bed at night

She talks to Jesus and I close my eyes

And I thanks God for all of the joy in my life

Oh but most of all...



Maya-maya lamang ay ihahatid ko na sa altar ang prinsesa ko.

Hindi ko na nagawang matulog kaya'ito nga't alas kwatro na ng madaling araw ay gising pa ako.

Sa kwarto ni Sarah natulog si Divine, bonding daw nilang mag-Mommy. Ilang araw na rin kasi itong umiiyak.

Umalis ako sa kwarto naming mag-asawa at pumunta sa kwarto kung saan namin itinatabi ang mga awards ni Sarah. Dito rin namin itinatabi ang lahat ng photo album ng pamilya.



For butterfly kisses after bedtime prayer

Stickin' little white flowers all up in her hair

Walk beside the pony Daddy it's my first ride

I know the cake looks funny Daddy but I sure tried

Oh with all that I've done wrong

I must have done something right

To deserve a hug every mornin'

And butterfly kisses at night...



Binuksan ko ang isang album... Mga picture nila nung bata pa sila

May picture na nagka-karaoke kaming mag-ama...

Pinag-ipunan ko talaga yun sa kakarampot na sweldong meron ako para sa kanya.

Pero sulit ang lahat ng makita ko kung paano kuminang ang mga mata niya nung una naming gamitin sa pagkanta.


May picture nung nagpunta kami sa "Manila Zoo"

Naalala ko kung paano itong walang katakot-takot na sumakay sa isang kabayo doon pero sigaw naman ng sigaw ng "Daddy!" Napakakulit na bata...

Picture nito noong karga-karga ko siya nung 3rd birthday niya pagkatapos niyang hipan ang cake niya. Yakap na yakap sa Daddy ih... Bata pa lang talaga si Sarah, Daddy's girl na.


Kinuha ko yung trophy na nasa gilid.

Maliit man ito at walang masyadong kahulugan para sa iba pero sa aming mag-ama, mahalaga ito...

Lock & Luck (A futuristic reality...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon