Nakangiting kumandong sa akin ang batang babae. "Annyeong!"

"Ha?"

"Pagbati 'yon ate sa salitang Korean," paliwanag nito. "Ate, Polly po ang pangalan ko. Ikaw po ate, ano po ang pangalan mo? Ilan taon ka na ate? Ako ate ganito!" Ipinakita niya sa akin ang kanyang maliit na kamay na nakaturo ang tatlong daliri. "Four!"

"Four years old ka na? Bakit tatlong daliri lang akong ipinapakita mo sa akin? Dapat apat din kasi apat na taon ka na."

Namilog ang mga mata ni Polly. "Oo nga ate! Mali ako! Dapat ganito!" Ipinakita niya sa akin ang apat na daliri niya. "Tama na ate 'di ba?"

I nodded my head. "Rica nga pala ang pangalan ko at labing-anim na taon na ako," sagot ko sa sunud-sunod na tanong nito sa akin kanina.

Napakadaldal na bata ni Polly. Marami itong mga bagay na ikinukwento sa akin na minsan ay madalas ko na lang tanguan. Nabanggit din nito sa akin na may alaga silang aso. Mangiyak-ngiyak pa nga ito habang nagkukwento dahil may sakit daw ang kanyang aso. May sipon ang aso niya kaya nag-aalala raw siya sa kalagayan nito.

"Ate bakit nga pala mag-isa ka lang na naglalakad kanina? Buti na lang nakita ka namin ni Papa kasi baka kanina ka pa nakuha ng mga mangkukulam."

"Hindi naman totoo ang mga mangkukulam."

"Totoo sila ate! Nakakatakot sila kasi kinukuha nila ang mga mata natin para ipanghalo sa mga gamot na ginagawa nila."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng bata, baka likha lang ng imagination niya ang kuwento niyang iyon. Dumaan kami sa isang tulay. Sa dulo ay may mga nakaharang na guwardiya. Tiningnan lang ng mga ito ang mga kargadang sakay ng truck pagkatapos ay pinaraan na rin kami.

Maraming nagtataasang gusali. Parang nasa Manila lang rin ako ngunit hindi ko alam kung saang parte ito ng Manila dahil hindi ako pamilyar sa mga street signs na nababasa ko. The sky is getting dark. Papadilim na kaya isa-isa nang nagbubukasan ang mga ilaw sa daan. Huminto ang sasakyan namin sa isang malaking palengke. Doon ay nagpaalam na ako sa mag-ama.

Pumasok ako sa loob ng palengke para magtanong. Habang naglalakad ako sa loob ng palengke ay ipinagtatanong ko sa mga nakakasalubong ko kung saan ang daan pabalik sa Makati ngunit walang nag-aabalang pumansin sa akin. Napadpad ako sa lugar kung saan puro damit at sapatos ang itinitinda ng lahat. Natulala ako sa pagkamangha sa ma naggagandahang damit at sapatos.

Natigil ang pagpapantasya ko sa mga damit na iyon nang may biglang humatak sa braso ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ng humila sa akin. Makikipag-away na dapat ako dahil nasaktan ako sa ginawa nitong paghila sa akin ngunit nagbago ang isip ko nang malaman kong si Althea pala ang kaharap ko.

"A-althea? Ikaw ba 'yan?" tanong ko rito para makasigurado. Para kasing fluent ito sa salitang Tagalog kaya nagtataka ako.

"Oo ako 'to. Sabihin mo sa akin Rica, bakit ka narito?" muling tanong nito sa akin. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.

"Mapagkakatiwalaan ba kita, Althea?"

Tumango si Althea. "Huwag kang mag-alinlangan na magsabi sa akin. Baka nga matulungan pa kita."

Nagdalawang isip ako sa pagtitiwala kay Althea, pero tama siya, siya lang ang makakatulong ngayon sa akin dahil wala na akong ibang kakilala rito bukod sa kanya. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Althea, bampira si Casper," panimula ko. Namilog ang mga mata ni Althea. "Nalaman ko 'yon nang sundan ko siya minsan habang papauwi siya. Alam niyang alam ko na bampira siya kaya dinala niya ako sa bahay niya. Kinagat niya ako kaya bampira na rin ako, pero 'wag kang matakot sa akin dahil hindi naman kita sasaktan. Althea, natatakot ako. Gusto ko nang umuwi."

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now