22 The Man In Her Nightmares

26.9K 726 41
                                    

22

The Man In Her Nightmares

(Rica's POV) MARAMI ANG NAGSIDALO sa engagement party nila Dominic at Vernice. Masquerade ang tema ng kanilang kasuotan kaya halos lahat ng tao rito ay masasabi mong naka-costume. Kasama ko si Casper sa gitna ng dance floor, magkasayaw kami nito sa saliw ng matamis na musikang nililikha ng orchestra sa paligid. Masaya ako sa mga kamay nito. Pakiramdam ko nga ay matutunaw ako sa mga titig nitong puno ng pagmamahal, nanlalambot din ako sa mga paghawak niya. Last night was wonderful, hindi niya ako pinabayaan. At alam kong aalagaan niya ako panghabang buhay.

Nasa tabi namin sila Vernice at Dominic. Nagsasayaw din ang mga ito. They both look so happy. Mukhang magiging masayang mag-asawa sila balang-araw. Natutuwa ako para kay Dominic. Sabi kasi nila, matagal na nitong nililigawan si Vernice sa loob ng maraming taon. Sa wakas nakuha na rin niya ang gusto niya. Alam ko namang mabait si Dominic dahil nakikita ko 'yon sa mga ikinikilos niya.

Nang matapos ang tugtog ay saglit muna akong nagpaalam kay Casper para umupo at magpahinga. Sina Vernice at Dominic naman ay saglit na naghiwalay para batiin ang ilan nilang bisita. Naaliw ako habang pinapanuod ko si Vernice. Nakakatuwa ang suot niyang gothic corset dress, magandang ngiti rin ang ibinibigay niya sa mga bisita. Mukhang talagang napakasaya niya.

"Rica," untag sa akin ni Casper.

Nakangiting hinarap ko ito."Bakit?"

"Halika, ipapakilala kita sa ibang bisita."

Inilahad nito ang kaniyang kamay sa akin para alalayan akong tumayo. Hinila ako ni Casper palapit sa grupo ng mga sosyalerang bampira saka niya ako ipinakilala. Ipinakilala ako ni Casper sa mga ito bilang kaniyang asawa. Nag-init ang mga pisngi ko sa ginagawa nitong pagpapakilala sa akin. I felt shy, yet kinikilig din ako at the same time. Shet malande.

May mga kaklase rin akong imbitado. Wala naman akong kalapit sa mga ito, mukhang ayaw pa rin nila sa akin dahil ni isa sa nga ito ay walang nagtangkang lumapit sa akin. Hindi pa rin nila ako tanggap. Si Brian na nasa harap ko ay napakamot pa sa kaniyang ilong nang iharap ako sa kaniya ni Casper. Binigyan ako nito ng tingin na nangungutiya, pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin 'yon. Dapat ay nagsasaya ako at hindi nagpapaapekto sa kanila. Haters, inggit lang sila. Hehe.

Tumakbo palapit si Vernice kay Brian saka niya ito niyakap mula sa likuran. "Hoy, hindi mo pa ako binabati!" ani Vernice kay Brian.

Brian laughed. "Hey there future queen!" Niyakap ni Brian si Vernice saka niya ito binuhat papunta sa dancefloor. They danced together.

Close talaga si Vernice sa mga kalahi niyang demonyo ano? Ipinakilala pa ako ni Casper sa mga iba pang bisita. Karamihan pala ng mga bisita namin ay mga mayayaman, 'yong may kabog pagdating sa usaping pera. Nakasalubong namin sina Leight at Mikeinel. Guwapong-guwapo ang dalawa sa mga suot nilang amerikana.

"Rica, let's dance?" ani Mikeinel.

Saglit akong nagpaalam kay Casper para makipagsayaw kay Mikeinel. Pinayagan naman ako ni Casper. Hindi naman pala ito gan'on kaseloso katulad ni Dominic. Mabilis naman akong kinaladkad ni Mikeinel papunta sa dance floor. As in kaladkad talaga kaya ilang beses akong muntikang masubsob dahil sa suot kong high heels. Nakakaaliw na kasayaw si Mikeinel. Akala ko Waltz ang peg ng isasayaw namin kaya laking gulat ko nang biglang maging Tango ang steps ng sayaw naming. Tawang-tawa nga ako sa bigla nitong paglingon sa gilid. Feel na feel kasi, mukhang engot.

Pinagpapawisan na kami ni Mikeinel sa mabibilis na steps na ginagawa namin. Sumasakit na rin ang batok ko dahil sa mga biglaang paglingon na ginagawa ko. Pakiramdam ko rin ay ang sakit sakit na ng panga ko dahil sa kakatawa. Feeling ko nga hindi ko na kayang isara ang bibig ko dahil nganga ang style ng tawa ko. As in nganga. Hindi kasi marunong magsayaw si Mikeinel at ilang beses na rin nitong natapakan ang paa ko kaya talagang tawang-tawa ako sa katangahan nito.

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now