Uwian na. iniintay nya ako sa labas ng school. Nakagawian na kasi namin eto. Tuwing uwian hihintayin nya ako at ihahatid. Pati narin pag-papasok na. sinusundo nya ako sa bahay. Pero tingin ko bukas hindi na.
“Ah. Ano .. oliver?” Naglalakad na kami pauwi.
“Bakit?”
“Kasali na ako sa volleyball team.” Huminto kami.
“Talaga?”
“Oo. Bukas na yung simula ng training. Maaga kasi akong pupunta sa school. Iniisip ko na wag mo muna ako sunduin kasi masyado pang maaga. Okay lang?”
“Oo naman.” Nakangiti nyang sabi at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Biglang hinawakan ni oliver yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
“May sasabihin din ako.” Seryosong sabi nya. Huminto kami ulit.
“Ano yun.”
“Ms. Marga Alexia Villagracia. Pwede ba kitang ligawan?” nakatingin lang ako sa kanya non. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung isagot.
“Huh? Ano.. Ewan ko.” yun lang ang nasabi ko at kaagad akong tumakbo pero nahabol nya ako
“Anong ewan?” huminto kami ulit. Sobrang nahihiya na ako. Ano ba kasing dapat isagot sa mga ganyan? E sa first time ko lang may manligaw sakin.
”E ano ba dapat isagot ko?”
“Ewan ko sayo.” Sabay naglakad na sya. Kung saan sya pupunta hindi ko alam.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
5:oo Am. Andito na ako sa school. Ako pa nga lang ang unang dumating wala pa ni isang estudyante dito. Maaga kasi akong nagising este hindi pala talaga ako nakatulog kaya maaga ako dito sa school. Sino ba ang makakatulog kung madaming tumatakbo sa utak mo diba?
Ilang minuto lang nagsidatingan na yung mga members ng team.
“Hi ikaw ba yung bago?” sabi nung matangkad na babae.
“Opo.”
“Okay. Anong name mo? Ako nga pala si Kersey angel May Fernandez.”
“Marga Alexia Villagracia. Nice to meet you.”
“Kersey nalang itawag mo sa akin.”
“Sige sige.”
Nagkwentuhan lang kami ni kersey habang hinihintay yung iba pang member. Ilang minuto lang nagsimula na ang training. Pinatakbo kami sa buong field. Exercise daw muna kasi tapos ayon tinuro na sa akin yung mga rules sa pagvolleyball.
Exact 7:3o am natapos ang training. Nag.shower na din ako. Sa school kasi may mga shower room para sa mga player. Yung mga ganon ba. Pagkatapos non. Papunta na ako sa room ng makasalubong ko sya.
“Morning.” Sabi nya lang sabay alis.
Galit ata si oliver. Yay. Ano naman kaya yung ginawa ko? Nakita ko naman si owy.
“Morning Alexia.” masiglang bati nya.
“Morning Owy. Buti ka pa.”
“Anong buti pa ako?”
“Wala naman. Sige maya may practice tayo ah. Una na ako.” Paalam ko sa kanya.
“Intayin kita maya sa gate ah.”
“Ikaw bahala.”
Natapos ang buong klase namin na wala ako sa wisyo. Ewan ko. kung saan-saan lumilipad yung utak ko. hindi ako makapag-concentrate ng maayos. Kagaya nga ng sinabi ni Owy. iintayin nya daw ako kaya ayon sya nasa gate ng school at mukhang iniintay ako.
YOU ARE READING
THAT NERD (ON HOLD)
FanfictionWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
CHAPTER 7 ~
Start from the beginning
