“Tumayo kana dyan. Alexia .. bumalik na tayo sa kanila..” tumayo na din sya at bumalik na kami sa mga kaklase namin na mukhang kakatapos lang mag-laro.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ALEXIA’S POV.
Isang buwan na akong laging sinusundo at hinahatid ni oliver sa bahay. Yeah! Alam na nya kung saan ako nakatira at kung anong status ng buhay ko. madalas na din kaming nag-dadate. Totoo po nag-dadate na kami. Hindi ko matandaan kung kailan nangyari to. basta isang araw niyaya nya nalang akong lumabas at sabi nya First Date na daw namin yon. Alam naman din yon ni hera. Iniisip ko nga kung okay lang sa kanya. Kasi diba nga may gusto daw si hera kay oliver nung bata pa sila. Tapos diba nga si hera din ang dahilan kung bakit ko nakilala si oliver. Yay!
Pero promise masaya ako ngayon at nakakasama ko si oliver ang aking mahal na mahal. (cheesy ba? Try nyong mainlove baka mas chessy pa kayo sa akin Yay!)
Hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko and goodnews nasa top ako :DDD ~
Tinuturuan ko padin si owy ngayon magpiano. Actually lahat ng itinuro ko kabisado na nya. Minsan nga niloloko ko sya na. nagsasawa na akong turuan sya dahil alam na naman nya kung paano na magpiano at marami na syang alam.
Si hera at razha wala. Hindi padin sila nag-papansinan. Yay! Kailan kaya magkakabati yung mga yun at kailan ko kaya makikilala yung boyfriend ni razha. Nacucurious na kasi ako don sa Bf nya.
“Bestfriend?” tumingin ako kay hera.
“Bakit?” mukha kasing seryoso sya sasabihin nya.
“Si oliver ba? Nanliligaw sayo?” sinarado ko yung librong binabasa ko at humarap sa kanya.
”Hindi sya nanliligaw sakin hera.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“Pero mahal mo ba sya?” tiningnan ko lang sya.. sasabihin ko ba? Baka kasi masaktan sya.
“MS. VILLAGRACIA”Napalingon ako at nakita kong tinatawag ako nung teacher namin sa Mapeh.
“Wait lang best ah.” Tumayo ako at pumunta sa teacher namin.
“Bakit Po?"
"Malapit na kasi ang volleyball tournament.”
“Oo nga po Sr. Bakit po?”
“Kulang kasi ng Player ang school. Ikaw lang yung naiisip kong pwedeng ipasok”
Nagulat ako sa sinabi ni Sr. pero mas nagulat ako dito.
“Alam kong hindi ka kagad papayag. Pero kung napanalo nyo ang laban. Sagot na ng school ang buong tuition fee nyo.” Full Scholar na ako pag-ganon.
“Talaga po?” paninigurado ko. baka mamaya joke time lang to.
“Oo. Ano? Payag ka ng sumali sa team?”
“Opo.”
“5:3oam tomorrow kailangan andito ka na okay? Bawal ang late.”
“Okay po.” Tapos non. Umalis na si Sr. Rafael. Bumalik na ako kay hera.
“Anong sabi ni Sr. raf?” tanong nya kaagad.
“Ah. Isinali nya ako sa volleyball team.” Nakangiti kong sabi.
“Talaga?”
“Oo at kung napanalo daw namin yung laban. Full scholar na ako este kami.”
“GoodLuck Bestfriend” niyakap nya ako ng mahigpit. Ramdam kong masaya din sya para sa akin.
YOU ARE READING
THAT NERD (ON HOLD)
FanfictionWritten By: TRYNEWTHINGS :) ~ Ang storya ni MARGA ALEXIA VILLAGRACIA Ito ay tungkol sa isang girl na nawalan ng pamilya at dahil sa bestfriend nya kaya sya nagkaroon ng pag-asa Hindi madaling mawalan ng pamilya lalo na kung wala ka ng makakasama pa...
CHAPTER 7 ~
Start from the beginning
