Huling Tula - Sa Ating Bagong Simula

18 1 1
                                    

Sa ating bagong simula,

Sa pagmulat ng mga mata,
Nakangiting mukha mo ang nakita,
Sa pagpasok ng minamahal mong anak,
Napagdesisyonan kong ituloy ang aking balak.

Inalalayan kang umupo,
Tinanong ang anak mo nang palihim at agad naman itong tumango,
Kinakabahan akong tumitig sayo,
"Mahal na mahal kita, Wautie ko."

Lumuhod ako sa harap mo,
Ngiting-ngiting binuksan ang kahong ilang araw nang nasa bulsa ko,
"Papayag ka bang ikasal sa akin, Mahal ko?"
At nag-umpisa na nga ang ating bagong simula nang ilahad mo ang kamay mo sabay sabi, "Oo."

LabinlimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon